The Soldier & I
Ai_Tenshi
Part 6: Ang Tabletang Pula
"Goodmorning" ang naka ngiting bati ni Turalba habang umuupo ito sa harap ng lamesita kung saan ako kumakain. Naka ugalian ko na kasi na tuwing umaga ay dito ako nag papahanda ng breakfast sa balkunahe sa likod ng bahay upang swak na swak sa sariwang hangin na nag mumula sa bukid. "Goodmorning din. Ang aga mo yata." tanong ko naman na hindi man lang makatingin sa kanyang mukha. Naalala ko pa rin ang eksena kagabi kung saan nasaksihan niya ang pag labas ng katas sa aking pag kalalaki. Nakaka hiya talaga.
"Tumawag kasi ang papa, nakatanggap daw siya ng pag babanta sa iyo kaninang madaling araw at ipinag bilin niya na huwag kitang hahayaang mawala sa paningin ko." kaswal na sagot nito habang nag bubuklat ng dyaryo.
"Ganoon ba. Sige kumain kana muna." tugon ko sabay tawag sa aming kasambahay. Siguro nag tataka si Turalba dahil hindi ako nag sungit sa kanya ngayong umaga. "Ummm, parang may kakaiba yata saiyo ngayong umaga boss, bigla kong namiss yung mga irap at pag nguso mo kapag nakikita mo ako." naka ngiting wika nito samantalang ako naman ay tila naiilang habang pinag mamasdan siya.
"Ser, ano po gosto mong brikfast?" ang tanong ni manang Sioni kay Turalba sabay kurot sa pisngi nito. "Nag lilihi yata ako ser, ang gwapo mo kasi." biro pa nito.
"Ahehehe, salamat manang. Bigyan mo nalang ako ng sinangag, pritong itlog at kape. Ikaw boss? Teka bakit tinapay at orange juice lang yang kinakain mo? Paano lalakas ang katawan mo niyan?" ang tanong nito habang sinisilip ang pag kain ko. "Ayos lang, wala naman akong ginagawa sa mag hapon. Hindi katulad mo na nag ttraining pa." tugon ko sabay bitiw ng pekeng ngiti.
"Teka manang" tawag ko
"Bakit pu sir Adil?" tanong naman niya
"Eh bakit ako hindi mo kinukurot? Hindi ba ko gwapo sa paningin mo? Hamak gwapo ko naman dito kay Bryan at mas maputi ako sa kanya. Ang kinis ko kaya." Pagyayabang ko
"Gwapo ka rin po sir Adil, kaso ay iba ang kagwapuhan nitong si Sarge. Lalaking lalaki at nakaka laglag ng pag ka babae. Kutis dalaga ka kasi sir Adil at napaka pino kumilos" wika ni manang at kinurot din ako nito.
"Ahahaha, ayaw kasing patalo eh." Bulong naman ni Turalba habang naka ngising aso.
"Tse!!"
Ipinag patuloy namin ang pag kain, walang imikan. Nakakatuwa siyang panoorin dahil naka kamay ito at tuloy tuloy ang subo na barang isang barakong gutom na gutom. Kung sabagay ay mabigat ang mga training na pinag daraanan niya kaya't dapat lang na kumain sya ng marami. Ang nakaka inggit nga lang ay hindi sya tumataba at maganda pa rin ang kanyang katawan. "Boss, sarap oh." wika nito at laking gulat ko ng naka umang ang kamay niya sa aking harapan na may kanin at itlog. Balak pa yata akong subuan ng mokong gamit ang kamay niya. "Tikman mo, kinakailangan ay nilalamanan mo ng kanin ang tiyan mo sa umaga dahil ito ay nag buburn at nagiging enerhiya. Hindi sapat ang tinapay at palaman lang. Subo mo boss." ang naka ngiti wika nito kaya naman wala akong nagawa kundi ibuka ang aking bibig at kainin ang pag kain sa kanyang kamay. Ewan, parang may kung anong kilig ang lumukob sa aking pag katao habang sinusubuan nya ako na parang isang bata. Napaka espesyal yata ng turing niya sa akin na parang na mimisinterpret ko na ito.
"Bakit ba hindi ka maka tingin sa akin ng tuwid? Napapangitan ka ba sa akin?" pag tataka nito noong mapansing iwas ang aking mga mata sa kanya. "Wala lang, baka naninibago ka lang?" sagot ko naman bagamat iniiwasan ko naman talaga ang tumingin sa kanya. "Oh baka naman nahihiya ka sa akin dahil nasaksihan ko ang pag sabog mo kagabi? Huwag kang mag alala dahil bale wala lang iyon sa akin. Mayroon din naman ako nun at mas marami pa sayo. Sorry nga pala dahil ang akala ko kagabi ay inaatake ka ng hika o sakit sa puso doon sa loob ng banyo kaya naman sinira ko ang door knob para lang mabuksan ito." wika ni Turalba.
"Ayos lang, nakita mo na eh. Ano pang magagawa ko." ang sagot ko rin sabay tayo sa aking kinauupuan na may kaunting hiyang nararamdaman sa katawan. "Wala lang iyon sa akin. Huwag mong lagyan ng malisya. Para ka namang babaeng nasilipan o kaya ay napag samantalahan." narinig wika ni Turalba habang lumalakad ako papasok sa loob ng bahay.
Bago naman pumasok sa school ay nag pumilit pa ang magiting na sundalo na ipag drive ako gamit ang sasakyan ni papa. Syempre ay bida nanaman siya dahil ikinatuwa ito ng aking mga magulang. Kapag daw kasi kasama ko si Bryan Turalba ay napapanatag sila na walang mangyayari sa aking masama dahil mahusay ito ay tunay na alagad ng batas, sinusunod ang kanyang tungkulin kahit ang kapalit pa nito ay ang sarili niyang buhay. Halos kabisado ko na ang linya ni mama tuwing pupurihin niya ang sarhento kaya ayan, lumalaki lalo ang kanyang ulo. "Mag seat belt ka boss. Para sa safety mo." wika nito habang abala sa pag mamaneho. "Di ako sanay ng naka seat belt eh. Hayaan mo na."sagot ko naman.
"Hindi maaari boss. Paano kung may mangyari sa atin? Kaligtasan mo lang ang inaalala ko." seryosong tugon nito. "Eh kung ayoko ano ang gagawin mo?" masungit kong tanong.
"Hahalikan kita sa labi." sagot nito.
"At bakit mo naman gagawin iyon?" tanong ko.
"Dahil ayaw mo akong sundin." sagot niya sabay preno ng sasakyan at sya na mismo ang humila sa aking seatbelt para ikabit ito sa aking katawan. At noong maisagawa niya ang kanyang nais ay mabilis nitong hinawakan ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi. Madiin ang kanyang pag halik bagamat malambot ang kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit ako nasarapan kaya unti unti akong lumaban din ng halik. Nag simulang gumalaw ang aming mga nguso hanggang sa naging mapusok ito. Ramdam ko ang aming mga dila na nag eespadahan at halos mag halo na ang aming mga laway. Ilang minuto rin kami sa ganoong pag hahalikan hanggang sa kusang mag bitiw ang aming mga labi.
Natulala ako at hindi agad naka imik.. Ganoon din si Turalba na tila walang nangyari at muli niyang pinaandar ang sasakyan..
Walang kibuan..
"Anong karapatan kong magalit eh aminado naman akong nasarapan din at nadala dulot ng kanyang makamandag na halik." bulong ko sa aking isip. Nakakatuwa lamang isipin na siya lamang ang taong nakahalik sa akin ng dalawang beses. Una ay doon sa gilid sa kalsada noong maaksidente kami at hindi namin iyon ninais. Kaibahan ngayon na sumang-ayon ang aking katawan sa kanyang kagustuhan na tila nahipnotismo ako ng kanyang mahika. Para akong nag eenjoy sa yakap ng isang bampira at bago pa ako matauhan ay nakagat na pala niya ang aking leeg. Masarap siyang humalik. at hindi ko iyon itatanggi.
Noong marating namin ang paaralan, hindi na namin pinag usapan pa ang tungkol dito. Parang walang nangyari basta't back to normal ang lahat. Tulad dati ay nakabantay ito sa akin na parang isang anino kahit saan ako mag punta. Medyo OA nga lang sa pagiging overprotective dahil lahat ng taong lumapit sa akin ay sinusuri niyang mabuti dahil baka isa raw itong spy. Walang patawad, pati ang mga prof at malalapit kong kaibigan ay hindi nakaligtas. "Sige pa sarge kapkapan mo pa ako. Enjoy na enjoy ako sa ginagawa mong pag haplos sa katawan ko. Ahhh.." ang wika ni Ed habang nakapikit ito at ninanamnam ang ginagawang pag susuri sa kanya ng sundalo.
"Tama na nga iyan. Mukha lang terorista itong si Ed ngunit hindi siya kasapi ng grupong iyon. Huwag mo na siya kapkapan." pag pigil ko naman habang hinihila palayo si Ed na nooy tila nag dedeliryo sa sarap ng kanyang imahinasyon. "Areekupp, panira ka naman ng moment frend." pag mamaktol nito. "Teka, mamaya na ang party ng pinsan ko doon sa bahay nila ano sasama ka ba?" tanong pa nito.
"Paano naman ako makakasama eh nandiyan si Turalba na daig pa ang anino ko kung makasunod sa akin." sagot ko. "Oh edi isama mo siya. Mainam nga iyon para may gwapo doon sa party mamaya." kinikilig na wika nito. "Isama? Edi lahat ng tao doon ay kinapkapan niya. Saka as if namang papayag ang mokong na iyan." tugon ko sabay dila kay Turalba na noon ay nakatingin sa ground ng campus.
"Ang bilin ng ama ni Adel ay huwag itong papupuntahin kahit saan. Basta sa paaralan lamang at bahay ang aming destinasyon. Pasensya na ngunit sumusunod lamang ako sa protocol at utos ng nakatataas." paliwanag ni Turalba.
"Sarge, hindi bat may training ka mamaya sa kampo? Edi habang nag ttraining ka ay hihiramin ko muna itong si Alandel para makapunta kami sa party." wika ni Ed.
"Wala akong training ngayon. At kung mayroon man ay tiyak na isasama ko siya dahil mas ligtas sya doon." sagot ni Turalba dahilan para mapakamot ng ulo si Ed. "Hala, naka bantay nga siya ng bongga sa iyo frend. Pero may ideya ako. hihihi." naka ngising wika nito.
"Ano naman iyon aber?" tanong ko.
"Mag papanggap kang masakit ang ulo, syempre ay iuuwi ka niya sa bahay niyo. Pag nandoon ka na ay ihihiga ka niya sa kama mo at sasabihin niya sa iyo na mag pahinga muna. Siguro naman ay wala ng masamang mangyayari sayo doon sa kwarto mo kaya't iiwan na kana niya at hahayaan ka niyang matulog. Kapag wala na siya ay tumakas ka doon sa likod bahay at sumakay ng taxi papunta sa amin. Alas 9 pa naman ang party eh. Makakapag ayos pa tayong dalawa. Ano game?!" tanong ni Ed na may kisap sa mga mata kaya naman agad akong humawak sa sintido ko at kunwari ay inatake ng migraine.
"Ayyyy Frend!!! Anong nangyari sayo? Inaatake ka na naman ng migraine mo. Im sure masakit iyan na parang binibiyak ang ulo mo. Pati bungo mo ay apektado at ang utak mo. Jusko baka maging cancer pa iyan, baka ikamatay mo yan!!! Frend jusko tulong mga kapit bahay!!" ang overacting na reaksyon ni Ed.
"Gago, ikamatay agad? Huwag ka ngang OA baka hindi maniwala sa atin si Turalba niyan." bulong ko kay Ed habang patuloy sa pag arte.
"Sorry frend na carried away lang ako. Hayaan mo itotone down ko ang acting ko." bulong din nito sabay sigaw "Juskoo maawa kayo sa kaibigan ko, mamatay na siya!! Tulong!!!!" pag tatarang nito kaya napailing nalang ako.
"Ano bang nangyari? Okay naman iyan kanina ah." Tanong naman ni Turalba habang sinusuri ang aking kalagayan. "Hindi nasabi sa akin ni General na mayroon ka palang migraine at bigla nalang itong sumusumpong."
"Kaya nga, mainam pa ay iuwi na natin si Adel bago pa sya mamatay." ang iyak ni Ed. "Patay agad?" bulong ko naman sa aking sarili.
"Teka, mayroon akong gamot doon sa bag. Sandali kukunin ko lang" nag aalalang wika ni Turalba at doon ay kinuha nito ang isang itim bote sa kanyang knapsack. "Ang gamot na ito ay mula sa katas ng Rafflesia, ang pinaka malaki bulaklak sa asya na matatagpuan sa mga bansang Indonesia, Thailand, Malaysia at Pilipinas. Ang nag develop ng tabletang pulang ito ay isang siyentipikong nag mula pa sa bansang South Africa, kakaiba ang gamot na ito dahil may kakayahan itong alisin ang lahat ng sakit ng iyong katawan sa isang saglit lamang. Madalas ko na itong ginagamit kapag sunod sunod ang training na ginagawa namin at nag reresulta ito sa pag kabugbog ng aking katawan." paliwanag nito sabay labas ng isang maliit na pulang tableta na kasing laki ng ulo ng pako. (yung pinaka maliit).
"Abah, ibang klase talaga itong si Sarge, kumpleto sa mga gadget at gamot. Ayos pala ang tabletang iyan no. Teka, mayroon ka bang gamot na kapag ininom ko ay magiging ganap na babae ako?" tanong ni Ed na tila nakalimutan na ang tungkol sa akin.
"Ha? Gamot na magiging babae ka? Wala akong ganoon pare. Pasensya na isa lamang akong sundalo at hindi ako si Doraemon." seryosong sagot ni Turalba
"AN AN AN, tottemo daisuki Doraemon" pag kanta ni Ed na habang pumipito pa sabay kuha ng tabletang pula sa kamay ni Turalba "Ako ang bestfrend kaya ako ang mag papainom sa kanya okay."
Lumapit sa akin si Ed at binulungan na inumin ko ang tableta. Ngunit tumanggi ako dahil baka may side effect ito. "Ano kaba frend, baka mag tampo si Sarge kapag hindi mo ininom ang gamot na ibinigay niya. Tiyak na masasaktan ang kanyang pag kalalaki. Saka sa liit ng tabletang ito ay tiyak na lusaw na ito bago pa sumayad sa dila mo. Walang side effect yan no, ang liit at organic pa. Hindi ka naman siguro ma ooverdosage niyan." bulong naman ni Ed habang naka tingin kay Turalba na noon ay pinag mamasdan kaming mabuti.
"Sarge, sure ka ba na kaya nitong gamutin ang migraine ng bestie ko?" muli tanong ni Ed. "Oo naman, mabisa ang gamot na iyan at talagang epektibo pa." pag mamalaki ni Turalba kaya naman napilitan akong inumin ang naturang pulang tableta. Agad ko itong nilunok at hindi na nilasahan pa. Siguro naman ay walang masamang epekto ito sa katawan kapag ininom ng wala naman talagang masakit saiyo.
"Oh ayan Sarge, mahal na mahal ka talaga nitong si Adel dahil buong puso niyang ininom ang gamot na ibinigay mo. Ah teka, may side effect ba ang pulang tabletang iyon? Im sure sa liit noon ay wala diba?" ang naka ngising tanong ni Ed.
"Lahat ng gamot ay may side effect." sagot ni Turalba.
"Ganern? So ano naman ang side effect noon kay Adel?" tanong ni Ed.
"Manlalabot siya." sagot ulit ng sundalo.
"Ahh manlalabot lang naman pala. Ayos lang yon. Db frend?" ang confident na wika ni Ed sabay kindat sa akin na noon ay nag sisimula nang manghina ang aking tuhod.
"Kapag iniinom mo ang tabletang pula at wala ka naman talagang nararamdamang sakit ay manlalambot ang iyong katawan. Literal na lalambot ito na parang isang gulay na lanta. Hindi ka makakatayo at makakapag salita. Ito ay tatagal ay 6 na oras." ang paliwanag ni Turalba at doon ay biglang humina ang aking tuhod at bigla na lamang akong bumagsak sa lupa. "Hayupp ka Turalba." ang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin ng masama sa kanya.
"Ayyyy Frendddd!! Ay bakit nag ka ganon?!" tanong ni Ed. "Yan ang napapala ng mga batang manloloko." ang wika ni Turalba sabay pasan sa katawan kong walang lakas. "Nakaka busit ka Ed, buset kaaaa!" ang sigaw ko habang ikot ikot ang mata, wala rin kasi akong lakas ibukas ang aking bibig.
"Parang happy naman si bestfrend oh, tingnan mo ang mata niya umiikot ng malibis." ang natutuwang salita ni Ed habang inihahatid si Turalba sa parking lot. Ako naman ay galit na galit sa kanilang dalawa at pakiramdam ko ay pinag kaisahan nila ang aking kalagayan.
"Sabi na nga e, umarte ka lang para takasan ako. Kung sinabi mo ang totoo ay papayagan naman kita doon sa party. Iyon nga lang ay kung kasama ako. Saka isa pa ay kanina ko pa naririnig ang usapan niyo ni Ed. Ang lakas kaya ng mga boses niyo." wika ni Turalba habang abala ito sa pag ddrive. Ako naman ay naka ngiwi lang at naka tingin sa kanya.
Pag dating sa bahay, agad akong binuhat nito at ipinasok sa silid. Hinubad nito ang aking uniporme at pinalitan ng mas komportableng kasuotan."Ngayon ay alas 2 ng hapon kaya't mamayang alas 8 pa ng gabi babalik sa normal ang iyong katawan. Huwag kang mag alala dahil papayagan naman kitang mag party mamaya, sana lang ay iwasan mo na ang panloloko sa akin. Paano kapag naging boyfriend mo na ako, dapat ay matapat ka sa akin." salita ni Turalba habang inaayos nito ang aking higaan. "Wala akong balak maging boyfriend ka, buset ka Turalba.. Papatayin mo ako!!" ang sigaw ko sa aking isip habang nakatingin lang ng masama sa kanya. "Huwag kana tumingin sa akin ng masama, kasalanan mo naman kung bakit lantang gulay ka ngayon." saad nito sabay halik sa aking noo.
Hindi ko alam kung sino ang totoong malas sa buhay ko, si Ed ba o itong si Turalba o baka naman silang dalawa. "Hindi pa nga magaling itong na mousetrap sa akin ay minalas na naman ako. Sa susunod kaya anong sumpa nanaman ang aabutin ko?" mag mamaktol ko habang patuloy na nakatingin kay Turalba. Wala akong makaramdaman sa katawan ko. Manhid na manhid ito at latang lata ito. Hindi ko maigalaw ng mabuti ang kalamnan kaya't wala rin akong emosyon maliban sa aking mata. "Oh ano nanaman iyang iniisip mo? Pati laway mo ay tumutulo na rin." ang natatawang wika nito sabay pahid ng panyo sa laway na lumabas sa aking bibig.
Halos ilang oras din akong binabantayan ni Bryan. Nandyan yung niyayapos nito ang aking ulo, hinahalikan sa pisngi o sa noo. O minsan naman ay iniinis nya ako gamit ang kanyang nakaka asar na mukha. Ako naman tong galit na galit habang ang naka tingin sa kanya na parang na stroke na ewan. Kaya naman para hindi ako tuluyang masiraan ng bait ay agad kong ipinikit ang aking mga mata para na rin hindi ko na makita pa ang nakaka asar na mukha ni Bryan Turalba na noon ay naka ngising demonyo.
Alas 11 ng gabi noong ako ay magising, muling bumalik sa normal ang aking katawan bagamat dama ko pa rin ang matinding pang hihina nito. Atleast ay naikikilos ko na ito at hindi na ako lantang gulay pa. Marahan kong ibiniling ang aking katawan at doon ay nakita ko si Turalba sa aking tabi, naka hubad ito at tulog na tulog habang ang isang braso ay nakapatong sa kanyang noo kaya naman mas lalo bang lumabas ang ganda ng kanyang katawan. Manipis ang buhok nito sa kilikili at bilog na bilog ang mga braso. Ibang klase ang angking alindog ng lalaking ito dahil nakaka akit talaga. Nasa ganoong pag titig ako noong mamalayan kong gising na pala ito at naka titig din sa aking mukha.
"Maaayos ka na ba?" tanong nito.
Tango lamang ang aking isinagot at doon ay niyakap nya ako ng mahigpit. Pinaunan niya ako sa kanyang braso at marahang hinalikan ang aking labi. Ito ang unang pag kakataon na makatabi ko si Bryan at sa pag kakataong ito ay tila unti unti na akong nahuhulog sa kanyang bisig.
itutuloy..