Samut-saring huni ng mga ibon ang maririnig sa paligid. Kahit tanghali na ang oras ay naroon pa rin ang malamig na simoy ng hangin na sinasabayan pa ng samyo ng kagubatan. Sa ilalim ng mgandang panahon ay abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain. Ngunit naiiba ang tagpo sa silid ni Churie. “Augh! ang lamig . . .” Churie mumbles habang nakapikit na pilit hinahagilap ang kaniyang kumot. “My duvet, sa’n ka na ba?” Paulit-ulit siyang kumakapa. Mistula siyang isang tinatamad na batang ayaw pumasok sa skwela. “Miss Rie . . .”Kunot-noong kinuha ni Churie ang hinihigaang unan at ipinatong iyon sa mukha niya. “Miss Rie . . .” “Uhm . . . ang ingay naman,” bulong niyang tinatamad pa rin na magmulat ng mata. “Miss Rie, pasensya na po pero kailangan mo ng kumain. Hindi ka pa po nag-aagahan, tapo