Nang natapos na lahat kumain at nailigpit na ang mga kagamitan sa hapagkainan ay dumeritso na siya agad sa kusina. Churie was looking from left to right, making sure that Judy was not around. ‘What if mayroong ipinakabit si mama na secret cameras? Mahuhuli ako . . .’ Muli siyang nagpalinga-linga.
“Ma’am Churie, may problema ho ba?” Churie unintentionally jolted at napahawak sa kaniyang dibdib.
“Lani . . . Gosh! Ikaw lang pala ’yan. Nakaalis na ba sina Sir Zader mo?” Tumango ito sabay napakamot ng ulo. “How about sina Mama at Papa, nakaalis na ba?” Again, Lani nodded. “Good. Good.”
“May kailangan ka pa ba, Ma'am?”
“Maaari mo bang ibigay sa ’kin iyong baso na gamit ko kanina sa pag-inom ng sherbet?” Tinitingnan niya ang sink kung saan may iilan siyang nakikitang hugasin.
“Talaga ba?”
“Oo, naman. Si Ma'am Silvia pa, the best kaya ’yon! Basta pagbutihin mo lang palagi ang iyong trabaho!” Ramdam ni Churie na maging si Lani ay nagulat sa mga boses na paparating. Alam ni Churie sa boses iyon ni Judy at ang katulong na tagahugas ng mga pinagkainan. Although may dishwasher naman ay para lamang iyon sa display dahil maging siya ay ayaw iyong ginagamit.
“Naku, Judy basta sabi mo ’yan ah. Aasahan ko ’yan lalo’t magpapasko pa naman.”
“A-alis ka na po rito, Ma'am. A-ako na po ang bahala.” Nagulat siyang saglit na napatingin kay Lani. Mabilis nitong hinawakan ang kaniyang kamay sabay hila sa may gilid ng malaking aparador. “Hintayin mo po ako saglit, Ma'am.” Ngumiti ito, ngunit siya ay nanatiling naguguluhan sa mga ikinikilos nito.
“Haha! Ako pa ba? Kita mo naman siguro kung gaano ako kalakas kay Ma'am Sil— Ba’t narito ka pa, Lani? Hindi ba dapat ay nandun ka na sa maid's quarter para kumain?” Napapapikit si Churie sa kaba para kay Lani. Even she knows na bawal ang nahuhuli na nagliliwaliw sa Valiad mansion lalo pa kung ’di ka naman doon naka-assign sa oras mismo.
“Ah, eh . . . Ate Judy . . .”
“Ha! Ano ’yang nasa kamay mo?” Halos tumalon na ang kaluluwa niya sa katawan habang nakikinig. Churie knows na hindi ganoon kagaling magsinungaling si Lani.
“Yuck! Ka-kadiri ka, Lani. Ano ba ’yan?” Churie’s curiosity peeks nang marinig ang reaksyon ni Judy.
“Huhu . . . Pagsalitain mo po kasi muna ako. Masakit po ang tiyan ko at inabot na ako habang naglalakad kaya ay nagmamadali na ako tungo sa maid's bathroom,” mangiyak-ngiyak nitong sabi.
“Ay bwesít ka! Hala sige alis na. Kaburara nitong isang ’to, pwe!”
“Sa-salamat po, Ate Judy!” Churie almost skipped a beat earlier. Ngunit ngayon ay medyo nakahinga na siya nang maayos. But she was still amaze dahil sa galing magdahilan at gumawa ng paraan ni Lani.
“Sige na, Susan. Hugasan mo na ’yang mga pinggan. Nasa ilalim ng sink ang iba, kaya ’wag kang ngingiti-ngiti riyan dahil marami pa tayong gagawin.”
“Bakit mo ba palaging ibinababad sa tubig itong mga pinagkainan ni Ma'am Churie, Judy?” Maging siya ay nabigla sa tanong nito kay Judy.
“Aba’t, kelan ka pa nagkaroon ng trabaho na magtanong?”
“Oo na. Eto naman, ’di mabiro.”
“Sige na. Kilos na at pinatatawag pa ako ni Ma'am Silvia. Linisin mo nang husto ’yang basong nakababad ha. Dalawang beses mong sabunin.” Halos nanlumo si Churie habang nagtatago pa rin. ‘So I guess tama ang hinala ko. May mali talaga sa iniinom kong sherbet. I don't think na kaya ko pang inumin ang para bukas. Ngayon pa nga lang ay masama na naman talaga ang pakiramdam ko. Bad thing dahil wala na akong makukuha sa baso.’ Naihilamos niya ang kaniyang mga kamay at nag-isip ng paraan kung paano makakaalis sa kusina nang tuluyang nawala ang mga yabag ng paa ni Judy.
“Oh, Lani ayos na ba ang pakiramdam mo?”
“Hay, Ate Susan. Mabuti na lang at nawala rin ang pananakit ng tiyan ko matapos kong ilabas lahat ng dapat kong ilabas.”
“Mabuti naman. Oh, sa ’an ka pupunta?”
“’Yong basong nahawakan ko kanina ay itatapon ko na lang. ’Wag mo ng sabihin kay Ate Judy ah.”
“Ba’t ko pa sasabihin? Kadiri ’tong isang ’to oh.”
“Salamat, Ate Susan. Magbibihis na rin ako at medyo nangangamoy—”
“Ay! Kadiri alis na at magbihis ka na!”
“Salamat po, Ate Susan!” Rinig niyang malapit na sa pinagtataguan niya si Lani.
“Ma’am Churie. Hali ka na po.” Pasimple na siyang sumunod dito habang busy pa si Susan. Nang nakarating na sila sa may hardin,
“Lani?”
“E-eto, Ma'am. Kunin mo itong damit. Sa loob nito nakalagay ang basong may naiwan pang sherbet.” Napatulalang ’di makapaniwala si Churie.
“Pa ’ano?”
“Nakita ko po si Ate Judy noong nakaraang araw na may inilalagay na kung ano sa pitcher ng sherbet na laging pinaiinom sa ’yo. Kaya tiningnan ko siya ulit kanina at ganoon pa rin ang ginagawa niya. Natatakot po ako para sa ’yo, Ma'am Churie.” Churie tightly grip the cloth kung saan naroon ang baso.
“Maraming salamat, Lani. Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob. Don't worry. Ako na ang bahala rito. I'll make sure na malalaman ko kung ano ’tong pinaiinom sa ’kin.” Niyakap niya si Lani bago nagmamadaling lumiko sa backdoor ng mansyon tungo sa hadgan upang bumalik sa silid nila ni Zader.
Matapos mabuksan ang pinto ay mabilis na kumuha si Churie ng isang ziploc at inilagay doon ang baso tapos ay itinago niya sa bag na bahagyang malaki.
“Sakto at tutungo ako kay Mrs. Almonte upang makipag-usap. Tama lang ’tong bag na dadalhin ko para sa mga papers.” Agad niyang dinampot ang cellphone sa kaniyang mesa.
“Sagutin mo na ang phone mo, babe please . . .” Churie was walking back and forth habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Na-Nala . . . Babe?”
“Yes, babe. Pasensya na at galing pa ako sa clinic. What is it?”
“I think may sagot na ako kung bakit ’di ako mabuntis-buntis.”
“What?”
“Tutungo ako ngayon sa Villa Almonte upang makipag-usap sa mag-asawang Almonte. Magkita tayo sa highway bago ako lumiko sa sta. Stamin, okay?”
“Yes, okay. Got it, babe. Mga anong oras?”
“Like an hour from now. Mayroong tindahan na may snack house doon sa likuan tungo sa private road, doon ko iiwan ang ibibigay ko. It's a glass. Ipasuri mo kung anong klaseng chemical ang nasa loob.”
“Shít, babe . . . Ang sama ng mother-in-law mong hilaw.”
“Noon pa ’yan, babe. But this time, hindi ako papayag nang wala akong laban. Mag-usap na lang tayo ulit, tatawag ko maybe mamayang gabi.”
“And your husband?”
“Nasa office na. Hindi maka tag-along si Erish dahil may shoot daw.”
“Okay. Mag-ingat ka, babe. Fighting!”
“Yes, babe. Fighting!”
Matapos maibaba ang tawag ay agad n siyang nagtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos.
Minutes had passed at handa ng humarap sa client si Churie. Suot ang luma ngunit presentable na pencil-cut skirt at white tube top na pinatungan ng black blazer ay mabilis siyang bumaba ng hagdanan. Hindi rin mataas ang kaniyang takong na suot dahil tiyak siyang may maputik na parte siyang dadaanan mamaya. Hinayaan nira ring nakalugay ang kaniyang buhok, but this time ay naglagay siya ng manipis na pink lipstick. Bunga rin ang ’di niya pagkahilig ng make up dahil wala rin siyang pambili. ‘Ako lang yata ang nagko-close ng million deals pero walang kinikita ni singkong duling.’ Pilit siyang ngumiti habang nakailing.
“Ma’am Churie. Ang ganda-ganda mo po. Pero bakit mo naman suot ’yang lumang sling bag mo?” Napangiti si Churie sa tanong ni Lani. Hindi niya akalain na inaabangan siya nito sa ibaba.
“Okay na ’to. Nagagamit pa naman. Saka mas hassle free ito dahil marami akong papers na bitbit. Bye, Lani. Thank you.” Nag-wave ito sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng mansion.
“Ma’am Churie, aalis na ba po tayo?” Nangunot ang noong napatingin si Churie sa isa nilang driver.
“Ikaw po ang maghahatid sa ’kin, Kuya Ben? Si-si Zader pala?”
“Si Sir Zader lang po ang nagmaneho ng kotse niya kanina, Ma'am. Bilin po niya na ihatid kita sa Villa Almonte kung tutungo ka na.” Churie couldn't help but feel flustered. Sobra ang kaniyang kilig animo’y isang nagdadalagang may crush.
“Si-sige. Tayo na ho.” Mabilis na siyang sumakay sa isang Rangerr at ikinabit ang seatbelt. Nang maka upo ay sinipat niyang muli ang laman ng kaniyang bag.
Makalipas ang halos isang oras.
“Ma’am Churie, pasok na ba po tayo agad dito sa Villa Almonte?” Churie was startled dahil ’di na niya namalayan ang oras. She was so absorbed sa papeles na binabasa niya.
“Itabi mo muna saglit, Kuya Ben. May bibilhin lang ako sa tindahan.” Ngumiti siya sabay bukas ng pinto ng sasakyan.
“Ma’am, balik ka po agad. Baka mapagalitan ako. Wala pa naman tayong kasamang guards. Mabuti pa ay samahan na lang po ki—”
“No, Kuya. Bibili lang ako ng napkin. Balik din ako agad.” Mabilis na siyang lumabas at agad na nagtungo sa tindahan. She was looking around for a moment hanggang sa may nahagip siyang kilalang-kilala niya na likuran.
“Hello, po. Pabili po ako ng isang pack ng modesss. With wings po.” Sadya niyang nilakasan ang kaniyang boses upang ma-aware sa presensya niya ang dapat na ma-aware. Ilang sandali lang ay ramdam niyang may tao na sa kaniyang likuran.
“Meron po bang mineral water?” Churie fights the urge to hug her best friend. Dumikit ito nang husto sa kinatatayuan niya habang suot ang isang malaking jacket.
“Meron po, Ma'am. Saglit po.” Nang makuha ang sukli niya ay binuksan niya ang kaniyang bag at doon din siya nagkaroon ng pagkakataon na patagong ibigay kay Nala ang basong naka Ziploc. Agad man ay itinago nito sa malaking bulsa ng jacket na suot ang inabot niya.
“Salamat po,” ani Churie at mabilis na bumalik sa sinasakyan niya. Bago tuluyang pumasok ay muli siyang lumingon. But she can no longer see Nala. Nakatitiyak din siyang bumalik na ito sa kinauupuan sa gilid ng snack house.
“Okay ka na po, Ma'am?”
“Yes, Kuya Ben. Let's go. ’Wag ka na ring tumigil sa checkpoint, ini-expect na nina Mrs. Almonte ang pagdating natin.”
Muli ay umandar na ang kaniyang sinasakyan. Makalipas ang halos fifteen minutes . . .
“Ma’am, hindi po ba’t sasakyan ’yon ni Sir Zader?” Halos halikan na ni Churie ang bintana ng sasakyan nang marinig ang sinabi ng driver.
“Oo nga . . . Baba na ako rito, Kuya Ben.”
“Engat po, Ma'am at maputik po ang daanan.” Though the place where cemented, hindi naman sementado ang unahan ng farm. At may dumaraang malalaking sasakyan na kinakargahan ng mga palay kaya ay nagdadala ng mga putik ang mga gulong niyon.
“Churie . . . You're here. How was your trip?”
“A-ayos lang, mahal. Kanina ka pa ba rito?” Churie almost jump nang halikan siya nito nang smack sa labi sabay hawak sa kaniyang bewang. Pakiramdam niya ay bibigay ang kaniyang mga tuhod dahil sa ginawa nito.
“I came here just a while ago. Let's go. Naghihintay sina Mr and Mrs Almonte sa loob. Just do your normal way of negotiating. I'll be backing you up.” Tumango na lamang siya at nagsimulang humakbang dahil hawak pa rin siya nito sa bewang, na para bang inaalalayan siya sa madulas na daanan.