Bahagyang namumugto ang mga mata. Wala sa mood ngunit pinipilit na ngumiti. ’Yan ang sitwasyon ngayon ni Churie matapos umiyak nang umiyak kagabi nang ’di na bumalik ang asawa niya. She expected it to happen. Ngunit umasa pa rin siya kahit paano. So in the end, late na siyang nakatulog ngunit maaga pa ring nagising para asikasuhin at gampanan ang buhay niya bilang general maid ng Valiad mansion.
“Ma’am Churie, saan po banda ilalagay itong mga bagong hiwa na mga prutas?” tanong ng maid na naka-assist sa kaniya sa paghahanda ng mga nailuto na, maging ang dessert at kung ano-ano pa. Dahil narito ang Senior Master ng Valiad mansion ay nadagdagan ang volume ng kailangan ihanda na mga pagkain.
“Ma’am, saan po?” Agad naman siyang napatingin sa misa kung saan ay nakatitiyak siyang doon uupo si Erish kasama ang asawa niya. Mapait siyang ngumiti sa katulong.
“Pakilapag na lang diyan malapit sa upuang ’yan.” Mabigat ang loob niyang inayos ang nakataob na pinggan. Bigla niyang naalala ang mga panahon na pinagsisilbihan siya sa mansyon. Noong mga panahon na kasama pa niya ang matriarch ng mga Valiad. Noong malakas pa ito at wala pang boses sa mansyon ang stepmother ng asawa niya.
“Yes, love. Of course, hindi naman tayo papayag kung bigla na lang silang mag-cancel ng mga orders ’di ba? I mean, gawa na ang lahat. Kahit ang mga additional woods ay available na rin. Those rare woods are quite expensive.”
“Right, love. Maybe I'm just too good for them to act blatantly. I shouldn't have loosen my grip on their neck. Na-busy lang ako sa ibang bagay ay may nanulot na agad sa big client natin. There are tons of things happening in my office too . . .”
“Have you asked Zader about these problems? Malaki ang maitutulong niya kung sakali man, love. We both know his influence.”
“You know my son, love. Wala ’yong time sa ganitong mga bagay.” Napatuwid ang tayo niya habang hinihintay na tuluyang makarating sa dining room ang dalawang nag-uusap. Hindi naman niya mapigilang napailing sa usapan na malinaw na narinig din ng mga katulong. ‘Siguro ay tungkol iyon supply ng mga rare woods, or sa client nila na mahilig sa mamahalin at maganda pero ayaw naman gumastos. Ano na naman kaya ang ginawa ni mama para magback-out ang mga buyers?’ Malalim ang pinakawalan niyang paghinga dahil tiyak siyang siya na naman ang magse-setle ng kalat nito. ‘Kung ’di lang mabait si Papa ay ’di talaga ako magsusumikap na itaguyod at the back ’yang furniture business nila ni Mama . . . Hay!’ She even just realized na halos siya na ang naging backer ng business ng biyenan niya, because of her talent in negotiations. Natural na mabait ang lalaking biyenan ni Churie sa kaniya ’pag ’di ito naiimpluwensyahan ng asawa nito.
“Tita! Tito, goodmorning. It's nice to finally see you again, tito since sobrang busy mo po. Hindi po yata magkatugma ang schedules natin.” Hindi naman mapigilang mapaismid at romolyo ang mga mata ni Churie nang marinig ang mas kinaiinisan niyang boses. “Busy mo po . . . Nya, nya,” bulong niya sabay aktong mayumi. Kita naman niya ang katulong na si Lani na napahagikhik—tanging ito lang ang secret friend niya sa lahat ng katulong sa mansyon.
“Oh, hija. I heard that you had a bad fever last night, how are you feeling right now?”
“I’m perfectly fine now, tito. Magaling kasi ang nag-alaga sa ’kin. Super hands-on si Zader sa ’kin. I'm beyond grateful to be back and be with him again.”
“That’s good to hear, Erish honey. Masaya ako at inaalagaan mo siya, hijo. Belinda would be grateful and happy kung nasaan man siya ngayon.” Wala sa sariling napatingin si Churie nang tuluyan sa entrance ng dining hall. ‘Ang landi talaga! Kung makalingkis . . .’ If her stare could kill, malamang ay bumulagta na sa sahig ang tinititigan niya. Tila mas lalo pa siyang nairita dahil hapit na hapit na naman sa katawan ang suot ni Erish na para bang subrang bilis lang itong isuot kahit my nakakabit pang guide sa braso at balikat nito.
“Churie . . .” Pilit naman siyang ngumiti nang tinawag ng kaniyang biyenan na lalaki ang pangalan niya. For her, mabait naman ito. Naiimpluwensyahan nga lang ng pangalawang asawa nito na si Silvia. It's like being naturally good runs in the Valiad family. ‘Baka konti lang no’n ang napunta sa asawa ko. But nevertheless, I still love him.’ She then looked at her husband with administration.
“How are you doing, hija? Zader, anak. Bakit parang mas pumayat pa ang asawa mo?” Churie jolted nang marinig ang komento nito. Sa ganitong mga pagkakataon ay ayaw niyang nako-called out ang atensyon ng asawa niya.
“Good morning po, Papa. Welcome home po. Medyo na-busy lang ako at minsan nakaka-skip ng meal. But I'm completely fine, Papa,” aniya sabay lapit at nagmano rito. “Good morning po, Ma-mama.” Nag-bow siya sa harapan nito. Not having the slightest thought of holding her mother-in-law’s hand para magmano. Ngunit nang iumang nito ang kamay ay wala na rin siyang ibang nagawa but to hold it. Nang pormal na siyang nakatayo ay kita niyang nag-nod ito habang nakataas ang kanang drawing na kilay.
“Breakfast is ready na po. Kumain na kayo at baka lumamig ang mga pagkain,” wika niya at ’di na binigyan ng pansin ang asawa niya at ang babaeng nakalingkis sa braso nito.
As usual, the sitting position on the dining table is what she'd expected. Magkatabi sina Zader at Erish ganoon din ang parents nila. Habang siya ay nasa gilid ng mesa na para bang outcast sa grupo ng mga ito.
“By the way, hija. The security told me na bumisita ka raw sa Chairman without bodyguards . . .” Churie was about to eat her food nang marinig iyon. ‘Ano na naman kaya ang nireport ni Mama? Eh, siya naman ang may kagagawan nun.’
“Uhmmm . . . Sa secure naman po ako na lugar dumaan, Papa. Mahigpit din ang security sa loob ng suite ni Gram, kaya don't worry po.”
“Son, what does Churie mean? Naghigpit ang security, I didn't know about this. May nangyari ba sa loob?” Churie was taken aback sa reaksyon nito. She’s subconsciously chewing her food habang nakatungo.
“Yes, Dad. Someone dressed as one of the Chairman’s assigned nurses and managed to inject something on her UV.” Mabilis pa sa kidlat ang pagtingin ni Churie sa asawa niya. ‘Iyon pala ang rason kung bakit nakatubo si Gram . . .’ Churie tightly clenched her spoon and fork. She wasn't aware na umiiyak na siya.
“Oh, God. That's horrible!” bulalas ni Erish sabay takip sa bibig nitong shocked na shocked sa narinig.
“Na-nahuli ba ninyo ang gumawa nun kay Gram, mahal?” Gumaralgal ang boses niya. To the point na hindi niya na malasahan ang kaniyang kinakain. ‘Be tough, act tough even if you feel like shaking up to your core, my child. The enemies will devour you whole if you show even a tad of your weakness.’ Mapait siyang ngumiti sabay pahid sa luhang bumasa sa pisngi niya nang namalayan iyon.
“Yes we did.” Alam niyang parang may metro ay bawat salita ng asawa niya. Kaya ’pag nagsalita ito ay pakiramdam niya laging bitin at kulang sa impormasyong importante.
“Oho! Oho!”
“Hey, love! Are you okay?” Napatingin naman siya sa biyenan niyang babae. Agad siyang sumenyas sa katulong kaya ay nagsalin ito agad ng juice sa baso dahil alam niyang una iyong iniinom ni Silvia bago pa man kumain. Doon man ay nagsalin din ng sherbet ang mga katulong na nakatayo sa likod ng kaniya-kaniyang upuan nila. The sherbet is given every Friday morning —galing sa management ng biyenan niya—fresh from the Valiad farm. Churie still despises the idea dahil ang Chairman ang gumagawa nito noon, at ngayon ay pinalitan ni Silvia na para bang ’di na babalik ang Chairman sa mansyon.
“Oh, it's fine, love. I'm o-okay. Medyo nasamid lang.” Kita niyang uminom ito ng sherbet. “Whenever I drink a glass of this, napapangiti ako because it reminds me of Mama. Sana makasama na natin siya ulit. But this awful thing happened! Zader said that Mama is already stable, love so I forgot to tell you what really happened. And as much as possible ay itinago namin iyon to ensure the confidentiality of the matter.”
“It’s okay, love. Ang mahalaga ay ligtas na si Mama. Son, and about the culprit, nagsalita ba siya?”
“She died. She died before I could even confront her. She poisoned herself by hiding the capsule in her mouth.”
“I-I think . . . I no longer want to eat . . .” bulong ni Erish na may kasama pang hikbi.
“Let’s talk about this matter after breakfast. We better visit Mama too.”
“No, not yet. Maybe some other time, Tita.” Churie could tell how careful Zader is in dealing with the situation. She's also aware na hindi ito nagtitiwala kahit sa sarili nitong mga magulang.
“If you say so, Zader. And Churie, bakit ’di mo iniinom ’yang sherbet mo?” Napatingin naman siya sa baso. ‘Everytime umiinom ako nito ay sumasama ang pakiramdam ko. It has been a year nang simulan ito ni Mama . . .’
“Iinumin ko po,” aniya at uminom nang konti.
“It’s good for you. You know that Zader needs a healthy heir. ” Parang tinusok si Churie nang malaking karayom sa puso nang marinig ang salitang heir.
“Magpapa-check up po ako sa OB mamaya, Mama.”
“No need. Ako na mismo ang mgpapapunta kay Doc Gina rito.” Ang doctor ay ang anak ng family Ob Gyn ng mga Valiad .
“Listen to your Mama Silvia, Churie. ’Wag mo rin masyadong pinapagod ang sarili mo. I will also do my best para gumaan ang mga responsibilities mo around here.”
“Yes po, Papa . . .” Ngunit buo na ang loob ni Churie habang nakatingin sa basong nasa harapan niya. ‘I am certain na mayroong weird sa laman nito. I'll make sure to find it out . . .’
“Zader is not getting any younger, Churie. Dapat malaman kung may mali talaga sa katawan mo so you can do something about it. And if you're barren . . . That's a pity.” Tiningnan na lamang niya si Erish at ngumiti.
“I’m healthy, Erish. You don't have to worry about that. It's none of your concern too.”