Chapter 13

1558 Words
Magiliw ang mga ilaw na kumukutikutitap sa paligid ng isa sa pinakamalaking mansion ng Prestige City. Maging ang klima at ganda ng liwanag mula sa bilog na buwan ay sumasabay din sa kinang ng paligid. Pinapaganda rin ang ambiance ng pumapailanlang na klasikal na musika. Masigla rin ang dating maging ang mga maliliit na kabahayan—ilang metro lamang ang layo mula sa main mansion ng Valiad leading regime. Kung mayroong kasiyahan sa loob ng malaking bulwagan ay mayroon din naman ang mga stay-in na tauhan sa mansyon. “Hoy . . . totoo ba? Hindi kasali ang young mistress sa party ngayon sa loob ng mansion?” Nandidilat ang mata ng babaeng may suot na bulaklaking damit na umabot sa ibabaw ng tuhod nito. “Iwan ko rin. Pero sabi ng mga nasa kusina ay si Miss Erish daw ’yong ipinakikilala ni Sir Zader sa mga bisita nila,” sagot naman ng babaeng bulaklakin din ang suot na bestida. “Nako, ang lungkot naman . . . New year na new year kaya dapat sina Sir Zader at Mistress Churie ang magkasama. Sila kaya ang pamilya.” “Oo nga naman. Pero childhood sweetheart ni Sir si Ma'am Erish. Pero kahit na, asawa pa rin si Mistress Churie. Ay, ang gulo!” Tumawa ito at sinabunutan ang sarili. “Nah! Baka karma niya kamo kasi social climber siya. Akala mo naman sinong matinong babae. Ang taas pa ng tingin sa sarili.” Umismid ito sabay lagok sa hawak na baso na may lamang alak. “Uy, bruha . . . malaki ang utang na loob ng mga Valiad kay Ma'am Churie baka nakalimutan mo . . .” “Sus! Bayad naman ’yon. Pinalaki at binihisan naman siya—naging Valiad pa! Para nga siyang tumama sa jackpot sa lottery eh!” “Hay naku! Matagal na tayo rito. At lahat tayo alam kung ano ang mga kayang gawin ni Ma'am Churie. Sobrang maaasahan siya sa lahat ng bagay. Hindi rin gastador! Saka, Ruby, mas gastador ka pa yata kaysa kay Ma'am Churie!” “Ah, basta! Feelingera pa rin siya. ’Di hamak naman na mas maganda si Ma'am Erish kaysa sa kaniya.” “Haha! Kaya isa ka sa paborito ni Ma'am Silvia. Sobrang galit ka kay Ma'am Churie, kala mo naman inaano ka niya.” Umirap ang mga mata ng babaeng nagngangalang Ruby. “Alam niyo, sa akin lang ’to ha . . . pero masasayang lang ang ganda at talino ni Ma'am Churie hangga’t nasa poder siya ng mga Valiad. Tingnan mo naman . . . halos nasa kaniya na ang lahat ngunit ’di pa rin siya magawang ipagmalaki ng mga Valiad—lalo na si Sir Zader. Nakadikit lagi kay Ma'am Erish na mukhang inosente.” “Feeling ko lang ’to pero . . . siguro type ni Sir ’yong mga painosente na may malaking hinaharap.” Sabay-sabay na humagikhik ang limang kababaihan na nasa open-space, mga ilang metro lamang ang layo mula sa kwadra ng mga kabayo. “Sinabi mo pa! Haha! Lamang siguro talaga ’yong may mayaman na kargadang umaalog at tumatalbog.” “Pst! Maganda rin naman ’yong kay Ma'am Churie eh. ’Yong hindi mukhang losyang saka firm na firm!” bulalas ng isa pang babae sabay sapo sa dibdib nitong dala lamang ng kapal sa suot nitong padded bra. “Baka nga siguro ay totoo rin ’yong tsismis na baog talaga si Ma'am Churie. Malay niyo naman anak lang ang habol ni Sir Zader kay Ma'am Erish.” “Saka mas lamang ’yon ’pag nanganak na. May supply ng masaganang gatas ang anak at ama.” Muli ay napahagikhik ang mga kababaihan. “Hoy, kayo ha. Kung ano-ano na naman ’yang mga pinag-uusapan ninyo. Ang mabuti pa ay samahan na lang ninyo kaming sumayaw doon. May ilang oras pa naman bago ang relyebo natin—hanggang matapos ang party sa loob. Natigil lamang ang usapan ng mga kababaihan nang dumating ang ilang kalalakihan na kasamahan ng mga ito—mga trabahador din. Though the surrounding filled with lightings and was covered by the gorgeous moonlight is enticing, mas nakahahalina naman ang babaeng naglalakad ngayon na nakapaa lamang sa damuhan—hawak ang tali ng isang kabayo. Ang maganda niyang buhok ay sumasayaw kasabay ng malamig na hanging humahampas sa mga puno maging sa mga bulaklak sa kapaligiran. “Zader jr . . . mahal kita . . .” bulong nitong pinahiran ang luhang pumatak mula sa maganda nitong mga mata. “New year's eve ngayon pero hindi ako kasali sa kasiyahan sa loob. Feeling ko kasi ’pag nagtagal pa ako roon ay hindi na ako makakahinga.” Hinimas ng dalaga ang pisngi ng kabayo at ninamnam naman nito ang lambot ng kaniyang palad. She wasn't told to stay away. Ngunit sa mga nasaksiyan niya kanina ay sapat na upang magkusa na siyang umalis at lumayo muna. Alam niyang hindi ganoon katatag ang puso niya lalo na ’pagdating sa pagseselos. For she was obviously neglected beyond measure. “Ang hirap ng nag-iisa ka na lang sa buhay, Zader jr. Wala na akong mama at wala na ring papa. Si gram naman ay hindi ko na rin ulit nakita pa. Ang best friend ko naman ay may emergency at need na umuwi sa town nila. Ang lalaking mahal ko . . . two weeks ko ng ’di nakakadaupang palad. If I know na ganito katagal bago ko siya ulit makakasama ay sana mas nilubos-lubos ko pa noong nasa FVH pa kami.” Napangiti siya ngunit may kasabay na luha. “Nasa iisang bahay lang kami pero ’di ko siya magawang mahawakan. ’Di na rin natutupad iyong weekend rendezvous namin . . .” Naglandas ang mas marami pa niyang luha—ngunit pinunasan din naman agad. “At this moment, feeling ko mabubuntis si Erish—well, kung balak niyang tumigil muna sa pagmomodelo. Haha! Ang pathetic ko. Ako ’yong legal na asawa pero parang okay lang sa ’kin sa isiping may mabubuntis na ibang babae ang asawa ko. Haha! I'm definitely not okay with it. Pero anong magagawa ko? Tanging si gram lang ang makatutulong sa ’kin.” Mukha na siyang sira na tatawa habang umiiyak. Mas malala pa dahil kabayo ang kausap niya. “Hah! Ayaw kong maging malungkot. Lalo na ngayon na may pangontra na ako sa napainom sa ’kin na gamot ni mama. Baka nga bukas o sa makalawa ay mabubuntis din ako—kung maaalala pa ulit ako ng asawa ko. Nakalulungkot lang kasi ’di ko naman makumpronta si mama. Ayaw ko ring sabihin kay Zader, baka pagmulan pa ng away nila ni papa . . .” “Neghhhh . . .” Sumilay ang malapad na ngiti ng dalaga. “Buti ka pa ay naiintindihan mo ako. Sige na nga, ’di na ako magmumukmok. I know na bastos ’yong sinabi ko na nag-iisa ako gayong narito ka naman.” Inilapit ng kabayo ang mukha nito sa mukha ng dalaga. Agad niyang isinuot ang hinubad na boots. “Okay. Bend over, Zader jr. at sasampa ako.” Para naman naiintindihan ng kabayo ang sinabi ng dalaga at kusa itong lumuhod. The horse is breed for horse racing kaya ay extra talaga ang tangkad nito kung nakatayo. “Yah!” Nang nakasampa ay tumayo rin ulit ang kabayo. Dahan-dahan na animoy ingat na ingat upang ’di masaktan ang dalaga. “Hoooh! Ang lamig. Mabuti na lang at long sleeve itong suot kong dress at mainit ang katawan mo Zader jr. Kasi kung hindi ay baka kanina pa ako nanigas dito.” Humagikhik siya at maingat na tinap ang may balikat ng kabayo—hudyat na maaari na itong magsimulang maglakad. Tahimik niyang binabaybay ang daan tungo sa old tree na paborito niyang tambayan. Mayroong treehouse roon kaya ay naisipan niyang doon na muna magpapalipas ng sama ng loob. “Bahala na sila roon. Saka bahala na rin si batman bukas. Bukas ko na lang haharapin ang sermon ni mama.” Tanging ang mga bulong niya at yapak ng kabayo ang naririnig sa paligid —maliban na lang sa huni ng mga hayop at kulisap. Kahit malaki ang lupain at mayroong sariling kakahuyan ay nakabukod pa rin ito dahil sa mataas na pader na nakapalibot dito. In short, kahit magliwaliw sa gabi ay safe pa rin dahil wala namang makakapasok na ibang tao at maging mababangis na hayop—though the Valiad mansion is connected to a real natural old jungle. “Oh, gosh. Mas malamig dito, Zader jr. Ran a bit fast para makarating ako agad sa treehouse. Baka magkasakit ako ’pag nagtagal ako rito sa labas.” Agad man ay bahagyang bumilis ang kilos ng kabayo. Kaya ilang minuto pa ay narating na rin niya ang nais puntahan. “Be a good boy, okay? Iwan muna kita rito ha. Akyat na ako sa itaas ” Matapos itali ang kabayo at hinalikan niya ang pisngi nito. Good dawn and happy new year, Zader jr.” Nagmadali na siyang pumanhik sa taas ng puno dahil mas umihip pa ang malamig na hangin. “Huh? Sino kaya ang bumisita rito? Eh, sa pagkakaalala ko ay isinara ko ’to. Off- limit sa mga tauhan ang lugar na ’to ako kami lang ni Zader ang may alam ng passcode nito.” Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. “Ahhh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD