Chapter 14

1147 Words
Nanginginig ang mga tuhod at may magkahalong takot at pagkabigla ang itsura ngayon ng dalaga. Dilat na dilat din ang kaniyang mga mata na animoy nakakakita ng kakaiba o hindi kaaya-aya. Maging ang lamig sa kapaligiran ay ’di magawang masupil ang kaniyang halo-halong nararamdaman. “Woah! Careful, careful, Churie . . .” anang lalaki na ngayon ay hawak pa rin sa bewang ang dalaga habang nakaliyad ito palayo. “This height is a bit high, Churie. Hindi ka sasantuhin ’pag nalaglag ka. It's terrifying really.” Sumilip ang lalaki sa ibaba ng hagdanan ngunit napapikit din kalaunan habang nilulunok ang sariling laway. “I’m definitely still afraid of heights.” bulong ng lalaki dahilan upang mapatingin din ang dalaga sa ibaba—maging siya ay mas nanginginig din, ngunit nang mapagtanto kung ano ang posisyon nilang dalawa ay agad na nagtaasan ang balahibo ng dalaga sa katawan. “Who-who are you? Bakit ka narito sa leisure tree ng mga Valiad? Paano ka nakapunta rito” Mataas na ang boses ni Churie at bahagya pa ring itinutulak ang lalaki kahit sobrang lapit na niya sa bakal na railings. “Damn it, Churie! I'm not joking, baka malaglag talaga tayo!” Namumula ang mukha ng dalaga dahil sa inis ngunit ’di pa rin niya makuha-kuha ang sagot sa katauhan ng lalaki. “Bakit ka ba Churie nang Churie, huh? Sino ka ba?” Sa pagkakataong ito ay pinalo na ng dalaga ang dibdib ng lalaki. “Take it easy, Ms. Byen . . .” Nang marinig ni Churie ang pangalang binanggit nito ay wala sa sariling napaawang ang mga labi niya at naiwang nakataas ang mga kamay sa ere. “It's good to see you again, Ms. Byen.” Malapad na ngumiti ang lalaki sabay mahigpit na yakap sa dalaga. Though Churie’s expression was still in awe ay muli ng nakarehistro sa alaala niya ang lalaki. Churie’s memories together with the man came rushing like a falling rain. “Mr. Sanz . . .” bulong ni Churie at gumanti na rin ng yakap sa lalaki. “Gosh . . . I could still remember the last time I held you like this—you were still young and innocent.” Nangungunot ang noo ng dalaga matapos lumayo nang kaunti sa pagkakayakap nito. “Young? Eh, dalaga na ako nang bigla ka na lang umalis—’di pa nagpaalam! Ang sarap mo kayang sabunutan ngayon, kung alam mo lang.” Kahit mukhang naiinis ang tono ng boses ng dalaga ay naroon na ang pagkagiliw. “Uhm . . . it's a long story. But to make it short, pinag-aral ako ni Chairman sa ibang bansa. Just like those other orphans sa orphanage ng mga Valiad na nakitaan nila ng potensyal—I was blessed to get the chairman’s attention.” Ngumiti ang dalaga, thinking na ganoon din ang nangyari sa kaniya. “Oo nga. Gram is warm and a kind person.” Mukha na siyang maaiyak nang maalala ang kalagayan ng chairman, ngunit umurong din ang luha dahil pa rin sa awkward position nilang dalawa ng lalaki. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Saka alam na ba ni Zader na narito ka?” Umiling ang lalaki ngunit malapad pa ring nakangiti. “No, he didn't. I wanted to surprise him since matagal na rin nang huli kaming nagkita sa personal.” “Wait, paano ka pala nakapunta rito? I mean, kaylan pa?” Tinulak ni Churie ang lalaki kaya ay napabitiw ito sa pagkakaalalay sa bewang niya—she was also stabilizing herself firmly to the floor. “Hali ka nga muna rito sa loob. It's too chilly outside. Baka magkasakit ka pa.” Bumitiw ang lalaki sa bewang ng dalaga ngunit hinila naman siya nito sa kamay upang makapasok sa loob ng treehouse. Though the place was called a leisure tree, at isang treehouse, mas tamang tawag dito ay isang lookout house. The house is a bit big and was equipped with monitoring devices —which connected to some parts of the treehouse vicinity. “Ang buong akala ko ay nasa Germany ka pa at inaasikaso ang mga ari-arian na nais ng ibenta ng mga Valiad.” “I was. And it so happened na narito ang buyer sa Pilipinas. And I won't be going back to Germany for the time being. God! na-miss kita, sobra!” Muli ay niyakap ng lalaki ang dalaga, but this time, Churie tried to give a safe certain distance. Because the last time they talked Churie could still remember the man’s confessions—ang mga salitang crush siya nito. “How come I wasn't notified sa pagbalik mo. Saka ba’t ’di mo man lang ako kinuntact no’ng nasa Germany ka pa? As if feeling ko parang namaalam ka na talaga,” pabirong usal ng dalaga. “I was heartbroken. Matapos ko ba namang magtapat sa ’yo ay umiling ka lang tapos kinabukasan—I was immediately sent away. Then nalaman ko na lang kinasal na kayo bi Zader.” “Haha! Sorry, Mr. Sanz. Akala ko talaga noon ay pinagti-tripan mo lang ako. Well, araw-araw mo ba naman akong kinukulit at iniinis.” “Got you!” Napakurap-kurap ang dalaga sabay takip sa kaniyang bibig. “Ikaw talaga! Maloko ka! Mukha ka ng kagalang-galang ngayon pero maloko ka pa rin!” Pinagpapalo ni Churie ang braso nito habang sinisipa naman ang itim nitong sapatos. “Ouch! Haha! Tama na. ’Di na ako uulit, haha! By the way, how was Nala?” Natigil naman sa pagpalo si Churie sabay naniningkit na tumingin dito. “Oo nga pala, naalala ko, nagtapat ka rin kay Nala two days bago ka nag-confess sa ’kin!” “Ow! Haha! That hurt! Ms. Byen.” Time passed and so was their happy reunion. They talked about the past—maging ang kanilang mga experiences for the past years. “Ba’t ka nga pala naparito?” tanong ng dalaga, matapos malamang isa sa mga guest ngayon sa Valiad mansion ang buyer nila ng property sa Germany. “Hiding away from those stupid power hungry people.” Seryoso ang mukha ng lalaki. Even Churie got what the man really meant. “Bakit ba ’yon ginagawa ni Zader? Is he even human? I don't know what happened. But he shouldn't make you feel this way. It's not your fault Erish went away . . . Dapat ’di na lang kayo nagpakasal kung ganito ka lang man din niya tratuhin.” Bahagyang nalungkot ang dalaga. Ngunit isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. “I love him, Mr. Sanz. At ’di ’yon nagbago kahit lumipas pa ang mga taon.” Naging malungkot ang mga mata ng lalaki nang marinig iyon. “If bad things happen, narito lang ako—I mean kami ni Nala . . . It didn't changed—hanggang ngayon, Churie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD