Chapter 4

2130 Words
Nicole's POV Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko na alam kung saan ako papunta at hindi ko na din masyadong nakikita kung ano nasa paligid ko. Ang alam ko lang ay kailangan ko na makalayo sa lugar na 'to. Kailangan ko makalayo sa pinsan ko. Habang tumatakbo ako ay may nabu-bunggo pa nga ako pero hindi na ako humingi ng tawad pa, kahit rinig na rinig ko ang mga reklamo nila.  Masyado na akong nagmamadali. Masyadong blanko ang utak ko. Umiiyak lang ako habang tumatakbo hanggang sa napagtanto ko na parang tumahimik ang paligid at ang paghampas lang ng hangin sa mga puno ang nadidinig ko. Kaya tinanggal ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Pinahiran ko ang mga luha sa mata ko at napatingin sa kung saan ako. Nag palinga-linga ako sa paligid dahil ang tahimik. Puno. Puno. Puno. At puno. Puro puno lang ang nakikita ko, kahit isang bahay o kahit isang sasakyan o tao ay wala akong nakikita. Nasaan ba ako ngayon? Bakit parang ang tahimik naman ng lugar na 'to? Napatingin naman ako sa hindi kalayuan na may isang kahoy na malapad na may nakaukit dito. Misteryosong Gubat Binasa ko naman 'yong nasa babala sa baba. Babala: 'wag pumasok sa gubat. Marami ng nawawala sa gubat na ito at maaring hindi na kayo makabalik pa. MISTERYOSONG GUBAT?! PATAY! Bigla naman nawala sa isipan ko ang tungkol sa pinsa ko at napalitan ng takot ang nararamdaman ko. Para ba namang umatras ang mga luha ko at parang pati sila ay natatakot lumabas. Naku naman! Bakit ba naman kasi dito pa ako napadpad? Sa dami-daming lugar na pwede matakbuhan, bakit dito pa? Nakakatakot lahat ng mga kwento patungkol sa lugar na 'to. Ayun sa mga taong napapadaan dito o tumatambay dito, marami daw silang nakikitang mga kakaibang mga hayup na gumagala rito. O 'yong iba naman ay minsa daw ay nawawala bigla yung mga taong pumapasok sa gubat na ito. Minsan nga raw, may nakita 'yong matanda dito na isang babae na pumasok sa loob ng gubat pero kahit anong tagal ng pag hihintay niya ay hindi na ito nakabalik. Kaya lahat ng tao dito sa lugar na ito ay ayaw na ayaw lumapit sa lugar na 'to. At dahil sa katangahan ko heto ako ngayon. Tahimik lang akong nakatayo habang tako na tinitignan ang paligid. I really don't know what to do. It seems like biglang nanigas ang buong katawan ko. Nag-iisip lang ako ng gagawin para makaalis na ng biglang may gumagalaw sa di kalayuang talahiban, napatalon naman ako sa gulat at sobrang bilis ng pintig ng puso ko na akala mo lalabas sa dibdib ko. Napalunok ako at pinikit ang aking mga mata. 'Kaya mo 'to. Kaya mo 'to. Tumakbo ka lang ng sobrang bilis.'sabi ko sa sarili ko. 'Katawan naman, baka gusto mo naman gumalaw diba?'pagpapalakas loob ko sa sarili ko. Ngunit napaka-nakakapanibago ang katawan ko at inu-udyok nito na lumapit ako sa talahiban. Binuksan ko naman ang mga mata ko at lumapit doon na nagpipigil ang hininga.  Tumigil naman ako sandali atsaka nag dasal "Lord mabait naman po ako na anak diba? Pakinggan niyo po 'ko. Ayoko pa po mamatay" naiiyak kong pananalangin habang nakapikit at nakasikop ang mga kamay ko. Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim at pinagpatuloy ko na ang paglapit ko Ito na. Ito na. Malapit na... Bakit sa lahat ng lugar dito pa.. Bahala na nga! Nakalapit na ako atsaka ko hinawakan ko 'yong bush tsaka hinila pataas at 'yong takot ko na mukha ay napalitan ng sobrang saya at manghang-mangha na ekspresyon. Halaaaaaaaa? Ang cuteeeeeeee! Pagkakita ko palang sa kanya ay agad akong namangha. Omg! Ng hinila ko yung bush ay may isang kulay sky blue na hamster na nakatago doon. Sobrang cute na, hindi naman siya weird, well siguro dahil sa kulay pero sobrang cute na talaga. "Hala? Ang cute niya. Akala ko ba nakakatakot ang mga hayop dito? Sa totoo nga ang cute-cute nga eh. Mga haka haka nga naman ng mga tao, minsan talaga hindi totoo" sabi ko sa sarili ko sabay kuha sa kaniya. Mukha talaga akong timang dito, nagsasalita ba naman mag isa. Baka akala ng mga tao na makakakita sa akin baliw ako, pero bahala na basta ang importante sobrang cute ng hamster na 'to. "Hi, baby hamster! Naliligaw ka ba o tumakas ka? Bad 'yan baby hammy dapat wag kang tumakas. Ikaw talaga." pakikipag-usap ko sa hamster na blue na 'to. Hmm. Ang cute naman talaga. Baliw lang? Nakikipag-usap ba naman sa hamster? As if namang magsasalita 'tong hammy na 'to 'pag tinanong ko. "Warren, nasaan ka na ba?!"sigaw ng isang lalaki sa di ganoon ka layo sa amin. Medyo napatalon pa nga ako dahil sa gulat muntikan ko pa na mabitawan itong hawak ko pero sino ba 'yon? Ang tahimik ng lugar na 'to tapos bigla-bigla ba naman na sumigaw? Baka multo? Halaaaaa? totoo ba talaga 'yong mga sinasabi nila about sa gubat na'to? I am so dead! Pero impossible naman kasi na may multong naghahanap. Atsaka warren? Sinong warren? Hindi naman ako si Warren. I am Nicole. Hello? Natigil naman ang pagtatako ko ng biglang umungol si Hamster atsaka nagpupumiglas. "Why? What happen, baby hammy? Nasaktan ba kita?" tanong ko. Nababaliw na yata siguro ako nuh? Kahit hayop tinatanong ko, para naman kasing sasagot 'to. "Nandiyan na 'yong amo ko," sabing isang cute na cute na boses na akala mo batang inipit, oyyy ang cute nun ahhh pero ang tanong sino 'yon? Wala naman akong ibang kasama bukod kay hammy at 'yong nagmumulto kay Warren, eh! "Warren!?" Sigaw na naman ulit ng lalaki. Ang lakas naman ng boses ng lalaking 'yon. "Hey, bitawan mo na ako. Pupunta na ako sa amo ko." ulit na sabi ng cute ng boses na 'yon. Teka nga lang. Napatingin tingin naman ako sa paligid wala namang tao dito beside sa akin. "Hey, bitawan mo na ako. Pupunta na ako sa amo ko!" Teka nga muna ulit. Sabi niya Bitawan mo na ako? So kung ako lang ang tao dito, at may hinawakan ako at sabi niya bitawan mo 'ko so that means?  Napatingin ako sa hawak ko at nakatingin ito sa akin na parang nagmamakaawa "Sige naman, oh! Baka kasi mapatay pa 'ko ng amo ko,"pagmamakaawa niya. Sa sobrang gulat ko ay nabitiwan ko naman ito at napa-atras atsaka napatili. "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Isang hamster... Isang hamster, nagsasalita! Lucas' POV "WARREN, nasan ka na ba?!" sigaw na tawag ko sa alaga ko. Alam ko kahit gaano pa ako kalayo maririnig ako ng alaga ko na iyon. Aish! Kainis naman kasi 'tong hamster na 'to, kung saan saan nalang nag susulpot. Matatapos na sana trabaho ko, umalis pa 'to.  Habang patuloy ako sa paghahanap sa alaga ko at abala sa pagtitingin sa mga puno ng kahoy o mga talahiban ng may narinig akong babae na nagsasalita. Hindi ko masyadong marinig kasi naman ang hina ng boses ng babae, para naman kasi siyang may kausap pero wala naman sumasagot sa kanya. Teka nga. Impossible naman kasi kung si Warren 'yon diba? Ngunit nabigo naman ako ng mayroon ako narinig na ipit na boses na galing sa babaeng nagsasalita mag-isa kanina. Fck na fck talga, so kasama ng babaeng 'to 'yong alaga ko? Nako naman Warren, ano na naman 'tong pinasok mo? Kaya naman walang atubiling dali-dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. "Warren!" Ugh! Warren naman pahirapan pa sa paghahanap eh. Alam naman niyang may gagawin pa kami at kung hindi namin magawa 'yon sa tamang oras ewan ko nalang anong parusa ang maibibigay sa amin. Nagsasalita naman si Warren pero wala akong maintindihan, di ko kasi mapakinggan ng maayos. Tang-na talaga Warren. Dumadagdag ka pa sa problema eh May dinugtong pa si Warren sa kanyang sinabi. Aish! Warren naman, eh. Ang kulit pa kasi. Sabing 'wag umalis sa tabi ko. "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw nung boses ng babae. Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nung nakatakbo na ako papalapit sa kanila ay naabutan kong nakahandusay sa lupa si Warren na parang 'yong 'pag galing ka sa pagkahulog? Ganon ang position niya. I think nahulog siguro siya or hinulog. Pfft. "Hey, Warren!" tawag ko sabay dampot sa kanya. "I told you 'wag kang aalis sa tabi ko! Ang kulit mo talaga!" naiinis kong sabi sa kanya. "Hoy! Bakit mo 'yan kinuha? 'Di mo ba alam na nag sasalita 'yan?" nauutal na sabi nung babae na gulat na gulat ang mukha, kita mo naman na parang natatakot din siya kasi namumutla ang mukha niya. but What? "Alaga ko 'to kaya natural lang naman siguro na kunin ko 'tong alaga ko, At isa pa, alam ko na nagsasalita siya. You better go home, masyadong mapanganib ang lugar na 'to," sabi ko sa kanya sabay talikod at naglakad na paalis, siguro sa ibang daan nalang kami dadaan baka malaman pa ng babaeng 'to but I don't understand!  Bakit naiintindihan niya si Warren? Only mists user can talk to spelled pets, katulad nalang ni Warren. I chanted a spell on him para makapagsalita siya at mag-ka-intindihan kami. 'Di kaya, she is also a mist user? I wonder but possible. Maybe she is pero hindi niya alam atsaka isa pa hindi naman siya parte sa misyon ko. So bahala na muna siya sa ngayon. Nag kibit-balikat nalang ako atsaka nagpatuloy na sa paglalakad. Napatingin naman ako sa hawak ko I patted Warren's head and said "Never do that again, You made me worried sick. Don't leave by my side without my permission okay?"I said tsaka ngumiti. Tumango naman si Warren. "Paumanhin Master."sagot naman niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makabalik na kami sa Academy. Nicole's POV HETO ako ngayon, tulala pa rin sa nangyari kanina. Sheyt langs, paano nakakapagsalita ang isang maliit na hayop na 'yon? Bakit may ganung alaga ang lalaking 'yon, saan niya nakuha 'yon? At sheyt din bakit ang gwapo niya? Kaso parang masungit kaya wag nalang. Parang unti-unti na akong naniniwala na may kababalaghan sa gubat na ito. Nang bumalik ako sa aking katinuan ay dali dali akong tumakbo napauwi at palayo sa gubat na iyon. Siguro dahil sa may nakita akong tao kaya bumalik 'yong lakas ko. .... Nandito na ako sa bahay.  Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na gabi na pala. Pagkadating ko agad sa bahay ay agad akong pumasok sa gate at pumasok sa bahay. Napatingin naman ako sa orasan namin Halos ilang oras din pala ako doon. Mag-a-ala-syete na ng gabi. Hindi pa nga ako naka-apak sa loob ng bahay ng biglang may bumuhos ng mabahong malagkit mula sa itaas. Ano na naman 'to? Napatingin naman ako sa itaas at nakita doon si Kim na nakangisi habang may hawak na timba. "Oops, sorry! Hindi kita nakita eh"Nakangisi niyang sabi at inilagay sa gilid niya ang timba. "Ano na naman 'to Kim?"matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Dapat kasi sana, ibubuhos ko sa labas 'to pero hindi kita nakita eh, kaya ayun nabuhos ko na sayo."atsaka pinunasan niya ang kanyang kamay gamit ang kanyang wet wipes. I am really certain na alam niyang nandito ako, gusto lang talaga niyang ebuhos ang timba na 'yan sa akin. "And oh, by the way, you should go to the bathroom and take a shower 'cause you're so capital Y-U-C-K!"dugtong niya pa atsaka Tumawa pa siya pagkatapos.  "Anyway, pwede na ring 'wag na kasi bagay naman sa 'yong ganiyan. Dirty little duck. ciao~" sabi niya pa atsaka inirapan ako at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Napadabog nalang ako sa inis dahil sa ginawa niya atsaka binuksan ang pintuan. Bumungad naman si manang na nag a-alala. Inabot niya sa akin ang isang towel tsaka niya ako pinapasok. "Sumosobra na talaga 'yang pinsan mo. Kung alam lang 'to ng mama niya, titignan lang natin ano mangyayari sa batang iyan naku!"reklamo ni manang tsaka napa-iling. "Okay lang po. Maliligo lang po ako"nakangiti kong sagot atska umakyat na para maligo. Pero diba? Ang bait-bait ng pinsan ko? Sa sobrang bait niya, sarap na niyang ibalibag sa pader. Haist! 'Wag ko na muna isipin 'yan. Ang importante safe ako na nakauwi sa bahay. Isa pa, kailangan ko pang mag-aral at magplano kung ano ang gagawin ko sa birthday ko bukas. Headmaster's POV "GOOD EVENING, Headmaster," bati ng kararating lang na estudyante sa opisina ko. "Good evening, kumusta ang misyon? Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko?" tanong ko sa kaniya habang busy sa pagsa-sign ng papers. "Hindi pa rin po, masyadong nakatago po ang kanyang impormasyon sa mundong iyon ngunit.."batid niya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. "Ngunit?"tanong ko. "Mahabang istorya po ito pero may nakaharap po 'tong alaga ko na isa sa mga tao doon. Ang mas nakakahanga dito ay nakausap niya po 'tong alaga ko, 'yon ay ipinagtataka ko," report niya naman habang kinakamot ang ulo. Another one, eh? "Hmm. Interesting. Sige, bukas ay pumunta kayo ni Terrence sa Myrtle dimension at dalhin siya sa akin, maari ba?" utos ko. "Okay po,noted!" tumatangong sabi nito. "Sige. Go ahead and take a rest for now," sabi ko at nginitian siya. Hmm. Minsan lang naman talaga kami nakakakita o may nakakasalamuha na tao na kayang makipag-usap sa mga alaga dito. Siguro isa talaga siya sa amin, maaring may kapangyarihan siya at hindi man lang niya alam. Poor girl. Tumigil na naman ako sa ginagawa ko at tumayo atsaka humarap sa salaming bintana sa harapan ko na makikita mo talaga ang napakagandang tanawin. Ang Academy.. You belong here.. You belong into this Academy.. We will going to meet soon and I can't wait to find out what power do u have.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD