"Mabuti naman at dumating na kayo. Akala ko talaga hindi na kayo tutuloy, masasayang lang itong niluto kong kamote-que!" masayang sabi ni Aling Cynthia. Pagkakita niya sa amin ni Rohan. "We already promise that we gonna come here, Manang," sabi naman ng kasama ko. Napangiti naman si Aling Cynthia. Tumingin siya sa akin, sinukulian ko ang ngiti niya. Hindi na ako mapakali ngayon. "O siya, umupo na muna kayo sa maliit na teresita namin. Ilalabas ko lang ang niluto kong kamote-que." Pumasok si Manang Cynthia sa maliit nilang kusina. Kami naman ni Rohan umupo na sa gawang kawayan nilang mahabang upuan na nasa terrace. Mula rito purong niyog ang nakikitang tanawin sa paligid at ang kanilang bakuran na puno ng orgamentong tanim. Natutuwa naman akong pagmasdan ang bawat detalye na nandito