Chapter 10 - Lone Birthday

2226 Words
Chapter 10 – Lone Birthday "Uh. We should go now, it is already late" ani ko sabay tingin sa aking relo. Bumalik kami sa EO to get my eyeglasses. The ride was silent until we arrived at the con building. I unbuckled my seatbelt and opened the door "Thanks for driving me" pagpapasalamat ko kay Vince bago lumabas sa sasakyan "Amira?" "Yes?" "I am... just wondering... if.. you have a vacant tomorrow?" "Full load ako bukas, Vince" "Oh. Alright then." "Maybe next time." Mahina niyang dagdag ngunit narinig ko. Anong maybe next time? I pulled a smile before shutting the door. While having my review and petting Fury, our class groupchat popped up. "The quiz is moved tomorrow" Fudge... I know I already reviewed, at alam ko naman na yung mga importanteng detalye sa scope ng quiz, buti nalang nag-advance ako. Mahilig din kasing magpa-surprise ang mga Clinical Instructors, kaya dapat you should be always ahead the discussion lalo na kapag magpapa-quiz sila e may sinasama silang questions from the topics that are not yet discussed and will still be discussed sa mga susunod na araw. It was their strategy to determine those who are doing an advanced reading and those who are not. Paulit-ulit kong binasa ang mga notes ko, nagmemorize ng mga anatomical terms, positions, body planes and section Regional and Systemic Anatomy, the different systems of the body, anterior and posterior body landmarks, etc. Actually, Anatomy and Physiology is fun even though it was kinda difficult. We will be doing a moving exam tomorrow. Ganito yun, each table na nasa laboratory may nakapaskil na question doon tas tig-sampung students lang muna yung pwedeng pumasok sa room na iyon at they will stand on each question on each table. When the timer starts they will answer the question na nasa table nila, and when the bell rings and sometimes instructor shouts "MOVE!" the students will then move to the next question or next table sa tabi nila. Paikot sila kumbaga, kahit hindi mo pa tapos basahin o sagutan yung isang question pag nag bell na o sinabing "move" e dapat kanang lumipat sa kabilang table para sa sagutan ang question na naroon. Iikot ang mga estudyante sa mga tables every time na tutunog yung bell o sasabihing "move" hanggang sa masagutan lahat ng questions. You can't go back to the table to answer the question you were not able to answer, kaya kung nakalagpas ka na sa table na iyon, the best you can do na e hulaan mo nalang yung sagot lalo na kapag di mo nabasa ng maayos yung tanong. HAHAH. Critical thinking and thinking under pressure talaga ang dapat pairalin dito, mapre-pressure ka naman talaga dahil inoorasan ka, kadalasan pa nga 5 or 10 seconds lang ang binibigay para sa bawat question pagtapos ng 5 seconds o 10 seconds tutunog na yung bell oo sisigaw na yung Instructor ng "Move". "Guys, nakareview kayo?" nag-aalalang tanong ni Hannah saamin. Tumango lamang ako bilang sagot. Ilang minuto nalang e magtatawag na ang Instructor ng first 10. This is not my first time to have a moving exam pero kinakabahan parin ako ng konti. Sa mga ganito talaga ang matinding kalaban e yung oras tapos malalagot ka talaga sa sarili mo kapag na-mental block ka. HAHAH. Kasi minsan kahit na-review, nabasa o pinag-aralan mo naman yung sagot sa isang tanong kung na-mental block ka di talaga gagana yung utak mo. Natawag ako sa first ten kasi alphabetical ang ginawa ng Instructor. "separates the body longitudinally into right and left parts" Isinulat ko sa aking papel ang sagot "—Sagittal section" *bell rings* "MOVE!" sigaw ng Instructor habang mataman kaming binabantayan. As if namang makakapag kopyahan pa kami sa lagay na ito. "The superior cavity that extends inferiorly to the diaphragm; contains heart and lungs, which are protected by the rib cage."  "—Thoracic" "Move!" "A Transverse Section is a cut along a horizontal plane, dividing the body or organ into superior and inferior part. It is also called__________"  "—Cross Section" A photo of a man in an anatomical position and arrows are directed at various parts of the body. Ito na ang mga sumunod na tanong, puro body parts which we have to answer them with Anatomical terms. Nakahinga naman kami ng maluwag nang matapos kami at maipasa ang aming mga papel. Nasagutan ko naman lahat, bahala nalang kung anong tama at mali roon. It is done, do not stress yourself over it. Months passed and all I did was study. Halos bahay at eskwela lang ang daily routine ko. Pero there was a time na nagsearch at nagtanong tanong ako kung may alam silang malapit na beach dito sa lugar, kasi nung nagbyahe kami papunta dito ay natanaw ko ang dagat at talaga namang ang probinsiyang ito ay nasa tabi ng dagat nga. A classmate recommended me the La Vierna Beach Resort, sinabi rin nito ang daan papunta roon pero gaya nga ng sabi ko hindi ako magaling sa directions lalo na kung ganyan na sinasabi lang sakin. Kaya I visited the place while consulting Waze to show me the way. Ginamit ko na ang aking sasakyan kesa alangan namang maglakad ako papunta doon e medyo malayo namang lakarin iyon. Pagkapasok sa entrance ng La Vierna ay bubungad ang isang tanggapan na gawa sa nipa ang bubong at open ang area nito, sa bahaging front desk at mini counter lang nakatayo ang dingding. Mula sa bukana ng tanggapan diretso sa likod nito ay makikita mo na ang dagat at puro puting buhangin na ang iyong matatapakan. Ang katabing building nitong tanggapan ay naroon ang hotel at Casa ng resort. Kung plano mong mag-overnight at mag-book ng room ay doon ang tuloy mo, dito sa tanggapan na open area ay para lamang sa mga bibisita at maliligo sa dagat. Crews welcomed the guests with a cocktail and a juice on a tray. May mga naka-ayos rin na mga lamesa at upuan roon kung saan pwede kang umupo at uminom habang naghihintay. Sa kaliwang bahagi ay naroon ang isang mini counter bar kung saan pwede kang umorder ng maiinom at kaonting makakain like juice, water, coffee, light drinks, and some snacks. Sa kanan naman ay naroon ang front desk/assistance desk kung saan ka pwedeng mag-inquire about the resort at magbayad for entrance papuntang beach. Nagpunta na ako sa desk upang mag-inquire about the beach resort at nagbayad ng entrance para makatuloy na sa dagat. Naglakad lakad lamang ako sa buhanginan usot ang aking yellow na sundress at tumingin lamang sa paligid. Masarap ang simoy ng hangin at tunog ng rumaragasang alon. Binitbit ko ang aking sandals at pinaglaruan ng aking paa ang buhangin habang tumitingin sa paligid. Iilan lamang ang tao rito dahil hindi naman panahon ng bakasyon. Maraming puno ng niyog ang nakahilera sa magkabilang bahagi. May ilang mga duyan at lampara na nakasabit sa katawan ng mga puno na siguro'y nagsisilbing ilaw kapag gabi. Naglakad pa ako at sinundan ang mga nakahilerang puno ng niyog, medyo makulimlim ang langit at hindi mainit ang simoy ng hangin kaya't ine-enjoy ko munang pasyalin ang lugar. Huminto ako sa isang duyan nang napansin kong medyo napalayo na ako sa aking pinanggalingan. Batid ko namang parte parin ito ng resort sapagkat may mga lampara paring nakasabit sa mga puno. Nasisilungan ang parteng ito, at mukhang magandang pagpahingaan. Napansin kong ito na pala ang huling duyan na nakatali, sa mga sunod na puno ng niyog ay wala na itong mga duya at tanging mga lampara na lamang ang nakasabit. Umupo ako roon saka pinagmasdan ang dagat. Napaka relaxing nga naman ng paligid, walang ingay na gaya doon sa centro, ang ingay ng mga sasakyan. Bigla ko tuloy na-miss sa bahay. Nung nakaraan na linggo ay pinakuha ko kila Manang Selya si Fury para iuwi sa bahay kasi magbabakasyon daw sa Maynila yung nagmamanage ng condo na pinag-iiwanan ko kay Fury. Sa mga nakaraang buwan ay lagi akong nagpupunta sa La Vierna, almost every saturday kapag walang major quiz ay doon ako nagpapalipas ng hapon. Kilala na nga ako ng mga tao sa front desk at ilang crews dahil sa dalas kong pagpunta doon at lagi akong dumidiretso sa paborito kong pwesto— sa duyan na natagpuan ko nang una akong nagpunta sa La Vierna. Mabilis na lumipas ang mga araw. And now, one week left before the first semester ends and that also means hell week, dahil sa week na yan gagawin ang semester final exam. Wala na akong ginawa kundi magreview at magbasa burong araw at gabi, at every free time ko libro at notes ang kaharap. The hell week passed so slow, but when it finally ended we all had a sigh of relief. Tomorrow is Saturday and since kakatapos lang ng exam ay mamamasyal at magpapalipas na naman ako ng oras sa La Vierna. Pagod ang aking katawan at utak dahil sa madugong laban na nangyari ngayong week. I did not bother eating my dinner anymore, agad akong naligo at matapos patuyuan ang buhok ay agad na akong natulog. Nagising ako ng alas diyes ng umaga at agad akong nakaramdamng gutom, ngunit tinamad akong magluto. I took out the cereal and milk from the fridge and poured them in a bowl. I opened the TV to watch some movies. After debating with myself on what to watch, I settled with The Darkest Minds. It was a fun movie to watch, ganyan talaga yung mga gusto kong movies, pati narin yung Divergent, Hunger games. I ordered pizza for my lunch. Pizza for lunch. Right. Tinamad kasi akong magluto kaya hayaan na. Alas tres na ng hapon nang mapagpasiyahan kong pumunta ng La Vierna. I took a bath and wore a white ankle length maxi dress before drying my hair and fixed it into a messy bun. I looked around my room wondering what to bring again this time. I took the book The Fall of Five and also carried my guitar. Minsan dinadala ko ang gitara pag pumupunta ako doon para may gawin ako. I grabbed my wallet and cellphone then headed to the car. While driving, my phone rang and I quickly picked it up. "Happy Birthday, Anak!" Oh, crap. Right, birthday ko pala ngayon. Nawala sa isipan ko masyadong na-busy sa exam. Nevertheless, it is just a normal day naman. "Thanks Mom" "I am sorry we can't be with you right now. We are out of town for some business kasi. What did you do the whole day? Did you celebrate with your friends?" "No, Mom. I was tired and I bet they are too. Kakatapos lang po ng exam namin. I also want to rest." "Alright. Rest then, but enjoy your day. Okay? Go out have fun when you feel to. Love you" "Love you Mom, bye" I arrived at La Vierna and parked the car and before leaving I took my stuff and left my phone inside. Tumawag narin naman sila Mommy so I would not be needing it baka mapasukan pa ng buhangin e. "Welcome Miss Amy, nandito po kayo ulit." Ngiting saad ni Lea, crew dito sa resort. "As usual" Dumiretso na ako sa desk para magbayad nakipagkwentuhan rin ako sa kanila saglit since wala naman masyadong customer ngayon. Dumiretso ako sa aking pwesto at doon inilapag sa buhanginan ang wallet at gitara. Humiga ako sa duya at nagbasa ng libro. Lumipas ang ilang oras at pansin kong malapit ko nang matapos ang libro "Miss Dovante?" agad akong napabalikwas sa pagbangon dahil sa gulat nang marinig ko ang maawtoridad na boses ng aming Dean sa Nursing department. Nahulog ako sa duyan dahil sa pagkabigla dahil hindi ko napansin na may tao pala sa paligid dahil masyado akong focus sa libro. Agad akong tumayo at inayos ang sarili bago tumingin sa kay Dean. "Dean." Nahihiyang sambit ko bago napatingin sa kanyang likuran na kung saan naroon ang limang estudyante. And there is Archer, looking at me intently. I hate to admit it but I missed those eyes, it was like they are pulling me into unknown. His hair is being slightly blown by the weak wind as well as our hair and clothes. I have not seen him for weeks, hindi naman kami nagpapansinan kapag nagkakasalubong o nagkikita sa Nursing building. "What are you doing here Miss Dovante? Did you also join the conference earlier?" our Dean is friendly, but most of the time strict. Nakasama ko na siya minsan nang irecommend ako ng aming adviser para sa isang activity na under kay Dean. "Uh.. No Dean. I just... tried to visit the place po." May conference kanina? Anong conference? Baka mga officers lang yung required. "Oh. Right I forgot. Only the Nursing Student Officers and Univ. councils were required. " I just smiled as response. Hindi ko naman na alam ang sasabihin "Alright then Miss Dovante, wag ka na masyadong lumayo kasi konti lang ang napapadpad sa bandang ito." And that is why I like this area kasi walang istorbo. "Opo." I smiled. "Mauna na kami ha. Malayo pa uuwian ng ilang officers kasi." "Sige po, Dean. Ingat po." Ngiti kong sambit saka nag-bow konti. Bago sila tumuloy ay nagtama ang mga mata namin ni Archer bago siya kunot-noong tumingin saking paligid. Pinanood ko silang maglakad patungo sa bulwagan hanggang sa hindi ko na sila makita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD