05

1482 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; "Anong nangyari sa inyo ni Tristan?" Tanong ni Arkhon habang nakasandal sa headboard ng kama at nakatingin kay Cross na balewalang dumampot ng pajama sa sahig at sinuot bago lumapit sa isang study table at kumuha ng sigarilyo. "Wala kang alam Arkhon kaya mas mabuting wag ka ng magtanong." Walang buhay na sagot ng binata bago yun sindihan at umupo sa gilid ng kama. "Now I know kung bakit sinabi ni Tito na mag ingat ako sa inyong dalawa ni Tristan." Ani ni Arkhon na kinalingon ni Cross. "Nakikipagkita ka sa matandang yun?" Nagdidilim ang anyong sambit ni Cross at sa isang iglap nasa harapan na siya ni Arkhon at hawak ang leeg ng binata. "Kaya ba sunod ka ng sunod sa akin dahil sinabi ni papa ha?" Walang emosyong sambit ni Cross na kinangiwi ni Arkhon ng maramdaman ang paghigpit ng hawak ng binata sa leeg niya. Hahawakan niya ang kamay ni Cross para tanggalin ng pumikit ito ng madiin at ibaba ang kamay. "f**k you!" May diing sigaw ni Cross bago bitawan si Arkhon at aalis ito para lumabas ng kwarto ng saluhin ni Arkhon ang braso ni Cross at hilahin pabalik ng kama. "Let me explain okay yan ka nanaman *cough*" habol hiningang sambit ni Arkhon ng maihiga niya si Cross at macorner niya ito sa pagitan ng kanyang mga braso. "Damn you Arkhon, f**k you nangako ka na hindi ka makikipagkita kay papa! Hinding hindi na ako magtiti---." Napatigil ang binata ng siilin siya ng halik ni Arkhon at papalag ito ng mas yakapin siya ni Arkhon at palalimin nito ang halik. "Listen to me idiot, nagkataon lang na nagkaroon ng business meeting sina daddy at tito ... bilang tagapagmana may responsibility pa din ako bilang Asuncion, hindi ko kinausap si Tito para magreport sa kanya tumgkol sayo na alam ko namang 48 hours may natatanggap siyang report tungkol sa nga kalokohan mo. Hindi na tayo mga bata para umasta ka ng ganya--- f**k!" Mura ni Arkhon ng mahulog siya sa kama matapos siyang sipain ni Cross. "Nakita mo pa din si papa at sa tingin mo maniniwala ako sayo--- damn!" Mura ni Arkhon ng banggain siya ni Cross at nahulog sila pareho sa kabilang bahagi ng kama. "Napaka isip bata mo! Sabing wala akong sinabi." Naging mahaba ang gabing yun para sa dalawang binata matapos nila magpalitan ng suntok at sipa. -- "Hmm." Mahinang ungol ni Arkhon habang nakahiga sa sahig at medyo nag unat ng may tumamang liwanag ng araw sa kanyang mukha. Babangon ito ng pagmulat niya nakita niya si Cross na nakayakap sa bewang at nakahiga sa dibdib niya. "Napagod ang loko ka wrewresling sakin kagabi, tangna ang sakit ng katawan ko." Mahina bulong ng binata habang gusot ang mukhang dahan- dahang bumangon at binuhat si Cross. Ni hindi nito alintana na wala siyang kahit na anong suot. Matapos maihiga ng lalaki si Cross sa kama kumuha ng damit si Arkhon sa drawer niya at sinuot sa lalaking mahimbing na natutulog. "=_= Mukha lang anghel pag natutulog." Bulong ni Arkhon matapos ilang minutong tinitigan si Cross na natutulog. -- "Dito kana ba nakatira Arkhon at tuwing pumupunta kami nandito ka." Ani ni Percy ng pagpasok nila ng apartment nakita si Arkhon na pokerface na nagluluto. "Malapit ang lugar na ito sa school matipid sa gas." Bored n sagot ni Arkhon matapos ibaba ang ilang niluto niya sa lamesa. "Yun lang ba?" Tanong ni Haru na kinatingin ni Arkhon. "May iba pa bang dapat dahilan?" Tanong ni Arkhon na kinabalik- balik ng tingin ng Redtape sa dalawa. "May relasyon ba kayo ni Cross?" Tanong ni Haru na kinalaki ng mata ng Redtape. "Haru teka masyado mo na yata iniissue ang pagstay ni Arkhon dito." Sabat ni Iggy. "Bakit hindi ka sumag---." "Napaka nonesense naman kasi ng tanong mo, don't tell me nagseselos ka dahil mas gusto akong kasama ni Cross." Putol ni Arkhon na kinangisi ni Arkhon ng mabakas ang gulat sa expression ng binata. "Iba ang closeness niyo sa closeness namin na dalawa, kung kaya mo saluhin ng suntok at sipa niya lumapit ka pa." Bulong ni Arkhon na kinangiwi nina Percy ng ibaba ni Arkhon ang kwelyo ng suot niyang damit at makita ang pasa na ginawa ni Cross kagabi matapos siyang sakalin. "Teka tama na yan kumain na lang tayo." Sabat ni Iggy bago alanganing pumagitna sa dalawa. --- "Walang klase anong ginagawa natin dito sa campus?" Tanong ni Iggy ng makapasok sila sa gate. "Gago nakalimutan mo na may try out tayo ngayon ... yari nanaman tayo kay coach at manager pag hindi na tayo umattend." "Balita ko nga maraming gusto pumasok ngayon sa team." Ani ni Percy habang nagsisindi ng sigarilyo. 'Ang redtape.' 'Gosh ang gwapo ni Cross.' 'Wag ka maingay andio si Alica, baka marinig ka niya.' "Cross!" Napatigil ang redtape ng salubungin sila ni Alica na mabilis lumingkis kay Cross. "Anong ginagawa mo dito Alica?" Tanong ni Cross sa dalaga. "Malamang panonoorin ko ang fiancé ko na maglaro hihi sabi kasi ni kuya may try out kayo ngayon at pupunta ka." Humahagikhik na sambit ni Alica na kinapokerface ni Cross. Hindi napansin ng dalaga ang pagbabago ng mood ni Cross at dahil napansin yun ni Haru niyaya na niya ang grupo na pumunta sa locker room para magbihis. 'Girl ang ang swerte mo.' 'Oo nga hihi ang gwapo pala talaga ng boyfriend mo.' Ani ng mga kasama ng dalaga matapos magpaalam ni Cross at umalis. "Shh wag kayong maingay baka may makaalam, ayaw kasi ni Cross ng issue kaya kailangan namin yun itago." Kinikilig na sambit ni Alica matapos umupo sa hanay kung nasaan ang mga kaklase niya na ininvite niya din para manood. Wala pang sampung minuto lumabas na ang varsity player ng C-lite at hinarap ang mga new player ng varsity team. Nagkaroon ng konting introduction bago nagsimula ang laro. Nanatili lang nakaupo si Cross sa bench kaya napasimangot si Alica dahil gusto niya ipakita sa mga kaklase niya kung pano maglaro ang binata. 'Girl bakit nakaupo lang yung boyfriend mo hindi ba siya kasali sa game?' 'Gaga, captain yan ng team.' 'Gosh ang galing niya siguro ... pero bakit nakaupo lang siya.' Buong first half nakaupo lang si Cross at tahimik na kinakalog ang lalagyan na hawak habang palihim na ginagala ang paningin sa buong gym. 'Girl tingnan mo may hinahanap siya, hinahanap ka yata.' "Wag kang maingay." Pigil ang ngiting sambit ni Alica matapos itong mapalitan ng mapatingin sa kanya si Cross. "Kanina pa ba simula ang training?" Napatingin si Alica sa likuran nito ng may tumapik sa balikat niya. Natulala naman ang mga kaklase ng dalaga ng makita nito ang nakakatandang kapatid at tagapag mana ng mga Asuncion. "Akala ko kuya sasama ka kay daddy sa company?" Tanong ni Alica ng makaupo ang binata sa bakanteng upuan na nasa likuran niya. "Tumawag si Dean pinapaasikaso sakin yung schedule natin ngayong month para sa school festival." Sagot ni Arkhon ng hindi nakatingin sa kapatid at nakatingin sa gym. Magtatanong ulit ang dalaga ng sumipol yung coach ng tema ng C-lite. 'Kyaaah! Maglalaro na yung bf mo Alica.' Kusang napangiti ang dalaga ng tumingin sa pwesto nila ang binata matapos nito magstretch at naglakad papasok ng gym. Umupo si Iggy at si Cross na ang pumalit, kinausap nito sandali ang mga new player bago mag gesture sa coach na simulan na ulit ang practice. Habang naglalaro si Cross ni isang segundo hindi nawala ang paningin dito ni Arkhon. Bawat shoot ng binata hindi maiwasang mapangiti ng lalaki lalo na ng makitang hindi sinasadyang napapatingin sa kanya si Cross na agad sumisimangot pag nakakasalubong ang mata nilang dalawa. Practice lang ang meron sa gym at walang pasok pero halos mapuno ang gym dahil sa nga estudyanteng gusto manood ng laro ng Redtape. --- "Anong ginagawa mo dito gago?" Walang buhay na tanong ni Cross ng makita sa reflection ng salamin si Arkhon na walang paalam na pumasok sa locker room ng Redtape. "Bakit masama bang pumunta?" Balik na tanong ni Arkhon habang nakapamulsahang naglalakad palapit sa pwesto ni Cross na ngayon ay pinupunasan ang sariling buhok at half naked na nakaharap sa salamin. "Narinig ko kanina ka pa pinipaging ng Dean para pumunta sa opisina niya kaya nagtataka ako bakit ka andito." Walang buhay na sambit ni Cross bago harapin si Arkhon na nasa likuran niya na. "Tss ang dami mong sinasabi." Bulong ni Arkhon matapos iangat ang baba ni Cross at siilin ng halik. Matagal at malalim na halik na siyang kinahabol ni Cross ng hininga ng humiwalay si Arkhon at nakangisi siyang tiningnan lalo na ng gumusot ang mukha nito. "Ikaw lang ba ang pwedeng lumapit at humalik?" Tanong ni Arkhon na may pang- aasar. "f**k ... balak mo ba akong patayin sa suffocation?" May inis na sambit ni Cross. "Hindi mo naman ako tinulak." Natatawang sambit ni Arkhon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD