06

1328 Words
3rd Person's POV; "Babe!" Tawag ni Alica matapos kumaway kay Cross ng makalabas ito sa gym kasunod ang team. "Alica bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Cross ng makalapit siya sa dalaga kasunod ang Redtape na nginisian lang ang mga kasunod na babae ng dalaga na agad namang mga namula. "Babe date naman tayo ngayon." Yaya ni Alica bago yakapin sa braso ang binata. Tatanggi ang binata ng makitang kinikilig ang mga kaibigan na babae ng dalaga sa kanila at dahil ayaw nito mapahiya si Alica bumuga ng hangin ang lalaki bago sumagot. "Sige pero dadaan muna tayo sa inyo papaalam tayo kina tita." Ani ni Cross na kinalaki ng mata ni Alica. "Cross wag na, tumawag nanaman ako sa kanila at nagpaalam ako." Sagot ni Alica na kinapokerface ng binata. "Hindi tayo aalis ng walang permission galing sa kanila Alica." Ani ng binata. --- "You're grounded Alica right?" Nakapameywangang sambit ni Aila sa anak na nakayukong nakaupo sa sofa. "Mommy nakakahiya kay Cross, dalaga na ako pero tinuturing niyo pa din akong parang bata." Puno ng hiya na sagot ni Alica. "Nahihiya ka kay Cross pero hindi sa amin? Kailan ka ba matututong sumunod Alica." Sermon ng ginang bago tingnan si Cross na nakapamulsahang nakatayo hindi kalayuan sa kanila. "Iho pasensya na sa ginawa ni Alica, grounded siya ngayon." Ani ng ginang. Sasagot si Cross ng---. "I hate you mommy! Susumbong kita kay kuya at daddy." Nangingilid ang luhang sigaw ni Alica bago nanakbong tumaas ng hagdan. "Ang batang yun masyadong spoild hindi nga ako binibigyan ng problema ng kapatid at ama, kung sino pang babae siya pa nagdadala ng problema." May inis na sambit ng ginang matapos makita ang inasal ng anak. "Pasensya na Cross ako na humihingi ng dispensa sa inasal ni Alica." Ani ng ginang matapos lumapit sa binata. "Naiintindihan ko po, matagal ko na din kilala si Alica at sanay na ako sa ugali niya na kasalanan din naman ni Arkhon." Sagot ni Cross na kinatawa ng ginang dahil sa pagiging prangka ng binata at paninisi nito sa tinuturing na bestfriend. "Kaisa-isa kasing babae kaya iniispoild ng kapatid at tito mo." Ani ng ginang bago ayain si Cross sa dining area. "Mabuti pa dito kana mag dinner, balita ko kasi umalis ka sa palasyo at tumira sa apartment mag isa. Siguradong hindi ka gaanong nakakakain ng lutong bahay." Pag-iiba ng ginang. "Hindi naman tita laging dun natutulog si Arkhon lalo na kung kailangan niyang pumasok ng maaga sa university." Sagot ni Cross. "Ang batang yun talaga kaya pala hindi na umuuwi dito, kamusta naman kayong dalawa hindi nanaman siguro kayo palaging nag-aaway." Ani ng ginang na kinakamot ng binata sa pisngi. "Hindi na talaga naalis sa inyo ang away lagi naman kayo magkasama." Pailing- iling na sambit ng ginang matapos buksan ang ref. "Inaalagaan mo ba ang sarili mo Cross? Baka puro cup noodles nanaman kinakain mo sa apartment mo." Ani ng ginang matapos lingunin si Cross. "Cross sinabi na namin ng mga tita mo kung ayaw mo kina Cadmus welcome ka dito, o kaya kina tita Cherry mo." Dagdag ng ginang habang nakatingin sa binata. "Tita kaya ko ang sarili ko at kumakain naman ako ng ayos, pinagluluto ako ni Arkhon sa apartment at isa pa nagagawa ko namang suportahan ang sarili ko ng walang tulong ni dad." Sagot ni Cross. "Cross." "Tita ayaw ko ng pag-usapan yan." Ani ni Cross na kinabuga ng hangin ng ginang. "Cross para na din kitang anak kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sakin." "Salamat tita." Sagot ni Cross matapos umiwas ng tingin na kinailing ng ginang. -- "Nasaan si Alica?" Tanong ni Alcide matapos bigyan ng halik ang asawa kinagabihan at makita si Cross. "Nasa kwarto niya." Ani ni Aila. "Nag-away nanaman ba kayong dalawa?" Tanong ni Alcide. "Masyadong spoild ang anak mo Alcide at wala akong balak kunsintihin ang ugali ng anak mo." May inis na sagot ni Aila. "Calm down honey, I'll talk to her." Ani ng lalaki bago halikan sa noo ang asawa at tapikin sa balikat si Cross. "Papababain ko si Alica." May ngiting sambit ni Alcide kay Cross bago umakyat pataas. Maya-maya nagring ang phone ni Cross kaya tiningnan ito ng binata ng makita sa caller ang pangalan ni Arkhon sinagot niya ito at medyo lumayo sa ginang. ["Nasaan ka Cross kanina pa ako nag aantay sayo dito sa apartment.] Bungad ni Arkhon sa kabilang linya.. "Andito ako sa bahay niyo." Walang buhay na sagot ni Cross natahimik ng ilang segundo ang kabilang linya bago pinatay ng binata ang tawag. "Sinong tumawag Cross? Uuwi kana ba? Magdinner ka mun---." "Si Arkhon lang yun tita at mukhang uuwi yun ngayon dito." Putol ni Cross sa ginang bago humila ng upuan sa dining table at umupo habang inaayos ng ginang ang lamesa. "Teka dadagdag ako ng mga plato." Ani ng ginang bago pumasok sa kusina. "Cross." Yung mugtong mata ng dalagang si Alica biglang kuminang ng makita ang binata na nasa bahay pa din nila. "Yo kiddo." Bati ni Alcide sa binata na agad tumayo at bahagyang yumuko bilang pag-galang. "Buti naman naisipan mong dumalaw dito." Ani ni Alcide. "Kung hindi ko pa niyaya magdate daddy hindi yan pupunta dito." Sagot ni Alica bago natutuwang tumabi kay Cross at niyakap ang braso nito. "Date?as far as I know grounded ka ng isang linggo." Ani ni Alcide na kinasimangot ni Alica. "Alica hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ang lakas ng loob mong ipagkalat na boyfriend mo si Cross sa buong campus ng hindi iniisip ang sitwasyon mo. Number 1 sa list si Cross pangalawa ang kuya mo habang ikaw hindi man lang nakapasok ng top 10 ang masama pa nito pang 53 ka lang." "Mommy pwede ba wag niyo ng ipamukha yan alam ko yun, kasalanan ko bang mas gusto kong matulog kaysa makinig sa mga prof ko." Sagot ni Alica. "Yo papa at mama." Napatingin ang babae at ang mag asawang Asuncion ng dumating ang binata. Nang makalapit si Arkhon hinalikan nito sa noo ang ina at ama pati si Alica na kasalukuyang nakabusangot. "Anong meron?" Tanong ni Arkhon matapos tapikin si Cross na pinaglalaruan ang kutsara sa kamay. "Lumabas na ang result ng rank sa C-lite at ang kapatid mo ang pang 53." Sagot ni Aila sa anak. "Oww congrats sis pang 53 ka last year 54---." "Arkhon!" May diing sambit ni Aila sa anak. "Mama ginagawa naman ni Princess ang best niya anong magagawa niyo kung hanggang dun lang kaya niya." Ani ni Arkhon bago umikot at yakapin ang ina mula sa likod na kinangiti ni Alcide dahil lumambot ang expression ng babae. "Wag niyo ng pagalitan si Princess maisstress lang kayo." Ani ni Arkhon na kinailing ng ginang bago kumalas sa yakap ng anak. "Kaya nagiging spoild yang batang yan lagi niyo kasing kinakampihan." Ani ng ginang. "Fine mommy kung gusto niyo makasama ako sa rank 10 bigyan niyo ako ng tutor and gusto ko si baby Cross." Ani ni Alica bago yakapin sa braso si Cross na kinatigil ng binata. "Alica." May diing sambit ng ginang. "Hindi ka ba nahihiya kay Cross?" May inis na sambit ng ginang. "Ayun naman pala mama baka pag naturuan siya ni Cross hindi---." "Ayoko." Putol ni Cross bago masamang tiningnan si Arkhon. "Madami akong dapat gawin kaya hindi pwede." Sagot ni Cross bago kumalas sa pagkakayakap ni Alica sa braso niya. "Cross naman eh sige na!" Ani ni Alica ng umalis si Cross sa dining area. "Alica sobra na yang hinihingi mo." Saway ni Alcide. "Pero daddy gusto ni mommy na makasali ako sa rank 10 at mangyayari yun kung si Cross magtuturo sakin. Kuya please pilitin mo si Cross." Pagpapacute ni Alica sa mag-ama. "Fine, I'll talk to him." Sagot ni Arkhon bago umalis sa dining area na kinasama ng timpla ni Aila at kinailing ni Alcide. "Hindi na maganda ang ginagawa mong ito Alica." "Who cares mommy hihi atleast magiging tutor ko na si Cross."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD