Past
Kori's Point of View
"Bakit ka ba gulat na gulat ka? Possible naman ang mga bagay na iyon kapag pumunta ka sa ibang lugar, hindi ba?" Tanong ko at itinaas ang aking kamay.
Kasalukuyan na kaming naka-higa dalawa ni Tine at nag-uusap na lang sa nangyari sa akin noong ako ay nag-eensayo pa. Gustong-gusto talaga nito makakita ng sirena ngunit napaka-impossible iyon dito sa aming mundo. Hindi ko rin naman inaakala na makaka-kilala ako ng isa o mahigit na bilang ng mga sirena sa kalagitnaan ng aking pag-eensayo. Oo nga pala, si Sister Mayeth. Ano kaya ang nangyari sa kaniya at ganoon na lamang ang kaniyang naging reaksiyon noong nalaman niya na nasa Karagatan ako dinala ng bato?
"Alam ko naman na posible iyon, ngunit isipin mo, bihira lang ang makakakita ka ng sirena o ang mas nakaka-mangha pa ay talagang naka-usap mo pa ito." Paliwanag niya at humarap sa akin. "Kwento mo sa akin kung ano ang hitsura ng kaharian nila, dali."
Natawa na lang ako at ibinaba na ang aking kamay. Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang kaharian nang Hari at mga Princesa.
"Iyon na yata ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko." Sabi ko at napangiti, "Hindi ko inaakala na sa buong buhay ko ay makakasaksi ako ng ganoong klaseng kastilyo. Mga dingding na gawa sa kristal, mga mamahaling perlas na naging dekorasyon lamang doon, magagandang halaman ng dagat at bulaklak na doon ko pa lang nakikita at iba pa. Hindi ko rin inaasahan ang magandang buntot na binigay ng Prinsesa sa akin."
"Teka, binigyan ka nila ng buntot?" Gulat na tanong nito.
"Oo sapagkat lagi ako nahuhuli at hindi masiyadong maka-galaw ang aking katawan sa ilalim." Paliwanag ko.
"Kung sabagay, mahirap naman talaga maglakad o lumangoy sa pinaka-ilalim ng dagat." Tugon nito.
"Nakilala ko rin ang iba't-ibang prinsesa ng kaharian. May iba't-ibang kulay ang kanilang mga buhok at buntot na sa tingin ko ay nagba-base ito sa kanilang kapangyarihan." Sambit ko.
"Magaganda ba sila?" Tanong ni Tine at umusog papalapit sa akin. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa aking katawan at ang hininga nito sa aking leeg.
"Hindi, malayo ang mukha nito sa mukha natin. Ang mukha ng mga ito ay parang isda kung kaya ay 'wag mo ng isipin na ang gaganda ng mga sirena." Sabi ko at tinulak ang kaniyang mukha. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at inayos ang aking higaan.
"Magpapahinga na ako, dito ka ba matutulog?" Tanong ko sa kaniya, umiling lamang si Tine at tumayo na.
"Kailangan ako ni ina mamayang madaling araw, kailangan ko itong tulungan sa kaniyang mga paninda. Pupunta na lang ako rito sa hapon,"sabi ni Tine at naglakad na papunta sa pinto ng aking kwarto.
"Kung gayon ay gusto mo ba mamasyal sa bayan bukas ng hapon? Mukhang hindi pa naman ako babalik sa pag-eensayo bukas." Sabi ko, lumawak naman ang ngiti ni Tine at patakbong lumapit sa akin bago ako yinakap.
"Gustong-gusto! Puntahan natin ang panaderya nila Manong Aning, sabi nila may bago raw silang klase nang tinapay at gusto ko iyon subukan."
"Sige, kailangan ko rin tumulong dito sa simabahan. Ingat ka pauwi."
Tuluyan ng lumabas ng kwarto ko si Tine at kasabay nito ang pagsarado ng aking pintuan. Humiga na ako sa aking kama at tinakpan ng kumot ang aking katawan.
Sa wakas at makakapag-pahinga na rin ako, hindi ko naman inaakala na talagang ganoon kahirap at nakakapagod ang pag-eensayo sa pagtaas ng aking stage.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang aking sarili na makatulog na.
Umaga na ng magising ako. Ang ingay ng kampana at sa tingin ko ay nagsisimula na ang misa sa simbahan. Bumangon na lang ako sa pagkakahiga at nag-unat.
"Panibagong araw, panibagong pagsubok." Sambit ko at kumuha na ng tuwalya. Kumuha rin ako ng ilang damit upang gamitin ngayong araw.
Lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa banyo. Nagsimula na akong maligo hanggang sa ako ay matapos na. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa banyo na basang-basa ang buhok at matiwasay ang pakiramdam.
"Iha?"
Tinignan ko ang tumawag sa akin at nakita si Sister Kori na nakangiti na papalapit sa akin, "Buti naman at na gising ka na," sambit nito.
"Kakagising ko lang po,"sabi ko, "Dumeritso na ako sa pagligo at bababa na sana."
Tumango lamang si Sister Kara. "Tapos ka na ba?" Tanong nito.
"Opo Sister Kara,"tugon ko.
"Kung gayon ay hali ka na at pumunta sa kusina nang sa ganon ay maka-kain ka na." Saad nito.
"Hindi po ba kayo dumalo sa misa?" Tanong ko sa kaniya.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kusina at napapansin ko ang tahimik atsaka walang katao-tao na pasilyo. Siguro ay nasa loob ng simbahan ang lahat na Sister at dumadalo sa misa, ngunit ano kaya ang ginagawa ni Sister Kori dito?
"Utos ni Sister Jai ang tignan ka,"sambit nito at hinila ang kaniyang saya pataas, "Gusto nitong masigurado na kakain ka ngayon umaga sapagkat kailangan mo ng lakas. Bukas na bukas din daw ay babalik ka na sa pag-eensayo."
"Ganoon po ba,"tugon ko.
Bukas na pala kami babalik, ang bilis lang talaga ng oras. Kahapon lang ay kakatapos ko lang mag-ensayo at tumuntong sa pangalawang stage, ngayon naman ay tignan mo nga naman sinasabihan na akong maghanda dahil babalik na naman ako bukas sa batong iyon, at sa mundo ng mga sirena na iyon.
"Nasaan po pala si Sister Mayeth?" Tanong ko sa kaniya.
"Simula noong bumalik kayo rito ay lagi na lang itong nakikita sa kaniyang maliit na silid-aklatan. Hindi namin alam kung ano ang kaniyang ginagawa roon sapagakat ayaw na ayaw nitong may pumasok doon." Paliwanag ni Sister Kara, "Sabihin mo anak, may nangyari ba habang nag-eensayo ka?"
"Wala naman po Sister,"tugon ko at binuksan na ang pinto papunta sa kusina, "Sinabi ko lang naman sa kaniya na napunta ako sa ilalim ng karagatan at tinulungan ako ng mga sirena na mapunta sa stage na ito. Pagkatapos no'n ay bigla na lang siya umakto ng ganiyan."
"Kaya pala,"saad nito.
Napalingon naman ako kay Sister Kara na ngayon ay umiiling na, "Umupo ka na riyan at ako na bahala sa pagkain mo."
Dumeritso na lang ako sa isa sa mga upuan ng mahabang lamesa na ito at tinignan si Sister Kora.
"Ano po ang ibig niyong sabihin? May nangyari ba kay Sister Kori sa karagatan?" Tanong ko. Hindi man lang umimik si Sister Kora sa akin. Abala lamang ito sa pagkuha ng pagkain, hanggang sa naglakad na ito papalapit sa pwesto ko at nilapag sa harap ko ang isang plato na puno ng gulay.
"Mas mabuti na siya na lang ang magpaliwanag sa iyo tungkol sa nangyari sa kaniya noong mga panahon na iyon." Tugon nito, "Diyan ka muna at kumain, babalik din ako."
Tinapik ni Sister Kara ang aking balikat at umalis na ng kusina.
May nangyari nga kay Sister Mayeth noong nag-eensayo pa siya sa ilalim ng karagatan? Kung gayon hindi kaya ang Daloy ng Enerhiya na iyon ang dahilan kung bakit tumigil ang pagtaas ng kaniyang stage? Kung iyon nga ay naiindintihan ko na kung bakit ganoon na lang ito kung umakto noong nalaman niya na napunta ako roon. Nag-aalala siguro ito dahil sa nangyari sa kaniya sa panahon na iyon, ayaw lang yata nito maulit ang nangyari.
Kumain na lang ako at hindi na lang ito pinansin. Hahayaan ko na lang muna si Sister Mayeth sa kaniyang ginagawa. Siguro naman ay sasabihin naman nito sa akin ang rason kung bakit ganoon na lang siya kung maka-asta, hindi ba?
Ilang sandali pa ay patapos na sana ako ng bumukas ang pinto ng kusina. Pumasok silang lahat at gulat ng makita ako na kumakain.
"Gising ka na pala iha,"sabi ni Sister Jai at umupo sa kaniyang pwesto.
"Pasensiya na po kayo at hindi ako naka-dalo sa misa,"sabi ko at yumuko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sister Jai at ang iba pang mga Sisters na nandito sa loob ng kusina.
"Okay lang iyon, naiintindihan naman namin lahat na pagod ka. Mangako ka lang na magda-dasal ka mamayang gabi, maliwanag?" Saad nito.
"Opo, Sister Jai." Tugon ko sa kaniya.
"Itaas mo na 'yang ulo mo,"utos nito, itinaas ko naman ang aking ulo at nakita silang lahat na nakatingin sa akin, ngumiti lamang ako sa kanilang lahat at nagpatuloy sa pagkain. "Anong plano mo ngayong araw iha?"
"Balak ko po sana pumunta ng bayan?" Sabi ko.
"Anong gagawin mo sa bayan?" Nagtatakang tanong ni Sister Jai.
"May usapan kami ni Tine na susubukan namin ang bagong tinapay ng isang panadirya doon sa bayan." Paliwanag.
"Ganoon ba? Kung gayon ay maari mo ba kaming bilhan? Bibigyan naman kita ng pera."
"Okay lang naman po sa akin Sister Jai, wala po iyong problema." Sabi ko at ngumiti. Tumango lamang si Sister Jai at patuloy na nakikipag-usap sa iba pang mga Sister.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kusina at nagtungo na sa aking kwarto. Lilinisin ko muna itong kwarto ko bago ako pumunta ng bayan.
Kumuha na ako ng walis at pamunas sa mga kabinet. Ang dami na talagang alikabok nitong kwarto ko, ang dumi-dumi na rin ng sahig.
Nagsimula na akong maglinis at magligpit ng mga gamit. Pinunasan ko rin ang ilang dekorasyon sa aking kwarto at ganoon na rin ang ibabaw ng mga kabinet na naririto. Kumuha rin ako ng panibagong kumot at iniligay ito sa aking kama.
Ilang sandali ng paglilinis at na tapos na rin ako sa wakas. Hindi ko aakalain na ganito pala kapagod ang paglilinis sa isang napaka-liit na kwarto na katulad nito.
"Anong ginagawa mo?"
Napatingin naman ako sa pinto ng makita ko si Sister Kara na nakatakip sa kaniyang ilong at napatingin sa paligid.
"Kaya pala, akala ko kung anong ingay ang nandito sa kwarto mo. Naglilinis ka lang pala." Dugtong nito.
"Malapit na po ako matapos,"sabi ko, "Pasensiya na po."
"Okay lang,"tugon nito, "Dalian mo na riyan at naghihintay na ang kaibigan mo sa labas ng simbahan. Hindi ba at may usapan daw kayo ngayong hapon na pupunta kayo ng bayan?"
Gulat na napatingin ako kay Sister Kara at napa-dungaw sa bintana. Tinignan ko ang orasan na nasa harap ng simbahan at nakitang alas-tres na nang hapon.
"Hindi ko na pansin!" Sigaw ko at dali-daling itinabi ang ginamit ko na walis at kumuha ng panibagong damit at nagbihis.
Umalis na si Sister Kara at sinabing pupuntahan niya lang daw si Tine. Siguro naman ay hindi pa ganoon katagal simula noong dumating siya diyan.
Dali-dali na akong nagbihis at tumakbo na papunta sa kaniya pagkatapos.
"Ang tagal mo,"bungad nito at inirapan ako. Nakangiti lamang si Sister Kara sa akin ng makita ako.
"Hindi ko na pansin ang oras, masiyado akong nakatuon sa paglilinis ng aking kwarto." Tugon ko.
"Ang linis na ng kwarto mo tapos lilinisin mo pa? Nakakaloka,"saad ni Tine at inirapan ulit ako.
"Pasensiya ka na," sabi ko, "tara na nga at baka magabihan pa tayo."
"Sino ba ang may kasalanan kung bakit ang tagal-tagal mo ah?" Tanong nito. Inirapan ko na lang ito at hinila na paalis.
"Paalam mo po Sister Kara,"sabi ko at aalis na sana nang hawakan nito ang aking kamay.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Sabi ni Sister Jai ay ibigay ko raw ito sa iyo,"sabi ni Sister Kara at inilagay sa palad ko ang mga pera, "May inutos ba si Sister Jai sa iyo?"
"Opo, gusto niya rin po tikman ang bagong tinapay sa bayan." Tugon ko, "Aalis na po kami."
Tumango lamang si Sister Kara at kumaway.
"Aray naman,"reklamo ni Tine.
"Reklamo ka ng reklamo diyan, dalian na natin." Sabi ko.
"Ikaw na 'yong matagal dumating, ikaw pa galit. Nasa utak mo na ba ang kapangyarihan mo at nagiging ganiyan ka?" Tanong nito at inirapan ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Naka-usap mo na ba si Sister Mayeth?" Tanong nito.
"Hindi pa nga eh, ayaw yata nitong kausapin siya nang kahit na sino." Tugon ko at napa-buntong hininga.
"Paano mo naman na sabi?"
"Iyon ang sabi ni Sister Kara, ngunit, bahala na nga!"
Nanahimik na lamang si Tine at hindi na umimik pa. Namiss ko talaga ang pumunta sa bayan, ngayon lang yata ako nakakabalik simula noong nasabi nilang paglabas ng aking kapangyarihan sa aking katawan.
Napaka-presko ng hangin at napaka-tahimik nang paligid. Tanging huni lamang ng mga ibon at paghampas ng mga dahon sa isa't-isa ang naririnig ko.
"Baka ubos na ang tinapay nila,"sabi ni Tine at narinig ko na lang ang pagtunog nang kaniyang tiyan. Napatingin naman ako rito na hawak-hawak ang kaniyang tiyan at tumawa.
"Alam ko! Gutom lang ako!" Sigaw nito, "Hindi ko kumain ng tanghalian dahil akala ko maaga kami matatapos nila ina ngunit mukhang ubos na yata ang tinapay doon."
"Paano mo naman na sabi?" Tanong ko at napapa-iling na lang sa kaniya.
Alam naman nito na tinutulungan niya ang kaniyang ina sa pagtitinda, at masiyadong napakarami nilang mga kustomer at suki. Tapos malalaman ko lang na hindi ito kumain? Nakaya niya ba na 'wag kumain habang ang mga paninda nito ay mga kakanin?
"Hapon na ngayon, at umaga pa lang ay marami na nakapila sa kanilang tindahan. Impossible naman siguro na hanggang ngayon ay may natitira pa, hindi ba?" Tanong nito at napa-simangot na lang.
"Hindi natin alam, 'wag ka mawalan ng pag-asa. Makaka-kain din 'yang mga bulate mo sa tiyan,"sabi ko at tumawa ng malakas.
Hindi na lang umimik si Tine at nanatiling naka-simangot.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bayan. Napaka-daming tao dito na abala sa kani-kanilang ginagawa. Hindi ko nga alam kung kasya pa ba kami sa dami ng tao dito. Nagsimula na kaming maglakad papasok, habang nakatingin ako sa mga tao.
May iba na may dala-dalang mga basket. May iba na nagtitinda ng kung ano-ano sa tabi-tabi at iba pa. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang may marinig akong isang iyak. Iyak nang isang bata?
"Narinig mo 'yon?" Tanong ko kay Tine at tumigil sa paglalakad. Napalingon naman si Tine sa akin na nakataas ang kaniyang isang kilay.
"Ang alin?"
"Shh,"saway ko, "Makinig ka nang mabuti."
Tumahimik lang si Tine at pinakinggan din ang paligid. Gulat na napatingin ito sa akin at tinignan ang paligid.
"Walang bata sa malapit kung kaya ay napaka-impossible na may umiiyak. Saan ito galing?" Tanong ni Tine.
Pinikit ko ang aking mga mata at sinundan ang pinagmulan ng pag-iyak na iyon. Ilang sandali pa ay dinala ako nang aking mga paa papunta sa isang tabi na kung saan nakatago ang isang batang puslit na may sugat ang kaniyang mga binti.
"Panginoong Sola!" Sigaw ni Tine sa gulat.
Napaka-daming dugo na ang lumabas sa binti ng bata at sa tingin ko ay kinagat ito nang isang hayop. Lumapit ako sa kaniya ngunit mas lalo lamang lumakas ang pag-iyak nito.
"Huwag po!" Sigaw nito at yinakap ang kaniyang mga binti.
Napaka-dami na nitong dugo sa sahig at patuloy pa rin ito sa pag-agos. Walang tigil, at preskong-presko pa.
"Kinagat ba siya nang isang aso?" Tanong ni Tine.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan,"sabi ko at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang binti at tinignan ang kagat nito, isa itong kagat nang mas malaki pa sa aso, ngunit hindi ko matukoy kung ano.
"Hindi ito aso,"sabi ko habang naka-kunot ang noo.
"Kung hindi 'yan aso, ano 'yan?" Tanong ni Tine at tumabi sa akin.
"Hindi ko rin alam ngunit kailangan na itong magamot,"sabi ko.
"Namumutla na ang bata, baka mahimatay na ito sa loob lamang ng ilang minuto. Paano natin ito magagamot? Ang layo nang doktor dito,"sabi ni Tine at halos hindi na mapakali.
Sa kadahilanan na natataranta na ito sa nangyayari ay nakalimutan yata niya ang kapangyariha ko. Napa-iling na lang ako at pinikit ang aking mga mata. Hinayaan kong dumaloy ang aking enerhiya patungo sa aking kamay, hanggang sa maramdaman ko ang pag-init nang aking palad.
"Farmakeftikós." Bulong ko at kasabay nito ang paglabas ng kulay berde na hugis bilog at may tatsulok sa gitna sa ibabaw nang sugat ng bata.
"Ngayon ko lang naalala,"rinig kong bulong ni Tine. Ilang sandali pa ay unti-unti ko nang iminulat ang aking mata at nakita ang sugat na kusang naghilom. Nawala na rin ang mga dugo na nakakalat sa sahig kanina at bigla na lang bumalik ang kulay ng bata.
"Ang galing." rinig kong sabi ni Tine.
Gulat na napatingin ang bata sa kaniyang binti at hinaplos ito. Napatingin ito sa akin at tumayo sa pagkaka-upo, at bigla na lang akong niyakap.
"Salamat po ate,"sabi nito.
"Walang anuman, mag-ingat ka na sa susunod," sabi ko at ngumiti. Tumango lamang ito at umalis na.
"Tara na,"aya ko sa kaniya at tumayo. Pinagpag ko ang aking damit dahil sa dumi na kumapit nang yakapin ako ng bata at tinignan ang kasama ko na gulat na gulat.
"Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin makapaniwala na may kapangyarihan na ako?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman ito at tumayo na rin. Tinalikuran ko na lang si Tine at nagsimula nang maglakad, "Pareho lang naman tayo." Bulong ko.
"Ang galing mo!" Sigaw ni Tine at kumapit sa aking braso.
"Ano? Bumalik na sa iyong katawang lupa ang kaluluwa mo?" Tanong ko at napa-iling. Hinampas naman nito ang aking balikat at masama akong tinignan.
"Ano?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang sama mo talaga sa akin, tignan mo oh. May sugat din ako,"saad nito at itinaas ang kaniyang daliri na may maliit na hiwa.
"Katangahan mo na iyan,"sabi ko.
Ibinaba na nito ang kaniyang kamay at kumalas sa akin. Gumuhit lamang ako nang hugis bilog at ibinulong ang katagang "Farmakeftikós." sinigurado ko na hindi ako na pansin ni Tine na ginawa ko iyon. Ang tanga talaga nang babaeng 'to.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa panaderya, sakto naman na kakalabas lang mula sa hurno ang isang tinapay na amoy pa lang ay sobrang sarap na.
"Ayan 'yong tinutukoy ko!" Sigaw ni Tine at lumapit sa nagtitinda.
"Pabili nga po sampu."
Gulat na napatingin ako sa kaniya.