Past
Kori's Point Of View
"Seryoso ka riyan, Tine?" Tanong ko sa kaniya na lumalaki ang aking mga mata. Hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng binili nitong tinapay. Ang dami no'n at ang lalaki ng bawat piraso nito. Hindi ko alam kung nabibiro lang ba itong kaibigan ko o talagang seryoso siya.
Lumingon naman sa akin si Tine at ngumiti, ibinigay na nito ang bayad sa panadero at hinintay na lamang ibigay ang mga tinapay.
"Bakit? Hindi naman lahat na 'yan ay para sa akin,"sabi ni Tine, "Bibigyan ko rin sila ina, hindi naman ako madamot. Ano ka ba." Ani ni Tine at umiiling na pumunta sa gilid.
Akala ko pa naman ay lahat nang binili nito ay para lamang sa kaniya. Hindi ko naman aakalain na para rin pala ito sa kaniyang ina. Napa-hinga na lang ako nang malalim at pumunta na sa harap.
"Pabili nga po no'ng bagong tinapay,"sabi ko.
"Ilan iha?" Tanong nang babaeng nagtitinda at ngumiti sa akin. Malaki ang tiyan nito na aakalain ko talaga ay buntis. Bigla kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang enerhiya na mula sa bata. Sa pagpikit ko ay nagulat ako ng makita ko ang bata na nasa loob nang tiyan ng babae. Naka-pikit ito at nakangiti. Isang babae pala ang kanilang magiging anak, napakagandang bata.
"Iha?"
Naibalik naman ako sa aking katawang lupa nang maramdaman ko ang paghawak ni Tine sa aking balikat, "Okay ka lang ba Kori?" Tanong nito na may pag-aalala.
Ngumiti naman ako sa kaniya at ganoon na rin sa babae, "Okay lang ako,"tugon ko at humarap sa nagtitinda, "Ang ganda po nang anak niyo."
Gulat na napatingin naman sa akin ang babae at halos mabitawan nito ang hawak-hawak niyang papel.
"Ganda?" Tanong nito.
"Opo,"tugon ko. Lumapit naman ang panadero sa kaniya at hinawakan ito sa balikat.
"Okay ka lang ba, mahal?" Tanong nito sa kaniyang asawa na nakatingin pa rin sa akin.
"O-okay lang ako,"sambit niya, "Ngunit, totoo ba ang sinabi mo na maganda ang anak ko? Ibig sabihin mo ba ay babae ang magiging anak namin?"
Tumango naman ako rito at ngumiti sa kaniya. "Nakita ko po itong nakangiti sa ilalim nang iyong tiyan. Isa po itong babae."
Lumingon ang babae sa kaniyang asawa na naluluha ang kaniyang mga mata. Hinawakan nang lalaki ang likod nito at hinaplos.
"Sa wakas mahal, magkaka-anak na rin tayo ng babae." Sabi nito, ngumiti naman ang kaniyang asawa sa kaniya at iginaya ito sa isang upuan.
"Magpahinga ka muna riyan,"sambit ng panadero. Kitang-kita ko ang paghawak nito sa kaniyang tiyan at parang may binulong pa ito.
Ilang sandali pa ay bumalik na ang panadero sa harap namin at napaka-seryoso nito. Akala ko ay titigil ito sa harapan ko ngunit bigla na lang ito dumeritso sa pinto nang kaniyang tindahan at binaliktad ang karatula na nagsasabing bukas.
"Hali kayo at maupo,"aya ng panadero at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa isang lamesa na nasa gilid. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Tine ngunit hindi na lang kami umimik. Umupo na kami sa sinasabi nitong upuan at hinintay itong bumalik.
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Tine sa akin.
"Hindi ko rin alam,"tugon ko.
"Paano mo pala nalaman na buntis iyong babae na 'yon? Akala ko ay ganoon na lang talaga ang kaniyang katawan,"bulong nito.
"Hindi ko alam, ang lakas nang enerhiya mula sa tiyan nito na naging dahilan ng paghila ng consciousness ko papasok doon." Paliwanag ko sa kaniya.
"Hindi ko man alam ang ibig mong sabihin ngunit siguro ay isa iyan sa mga kakayahan mo,"sambit ni Tine.
"Siguro nga." Nagkibit-balikat na lang ako at sakto naman ang pag-upo ng panadero sa harap namin.
"Totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng panadero sa akin at diretso akong tinignan sa dalawang mata.
"Bakit? May mali po ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang lalim nang pagbuntong hinina nito at tinignan ako sa mata.
"Hindi buntis ang asawa ko,"sabi ng panadero, "Hindi na siya pwedeng mabuntis pa sapagkat ilang beses na itong nakunan at sinasabing impossible na raw."
Nagulat ako sa nalaman ko sa sinasabi nito. Paanong hindi buntis ang kaniyang asawa kung sa katunayan niyan ay nakita ko pa ang anak nito sa kaniyang tiyan.
"Ganiyan na ang katawan ng asawa ko simula pa noong huli nitong pagbubuntis, kung kaya ay nagtaka ako nang sinabi mo na maganda ang anak namin na sa katunayan niyan ay impossible na itong magka-anak." Paliwanag niya.
Mali siya. Pwede pang magka-anak ang kaniyang asawa, oo nga at ilang beses na itong nakunan ngunit sa oras na ito ay ang lakas ng kapit ng bata sa tiyan ng kaniyang ina.
"Mali po kayo,"sabi ko, "May laman po ang tiyan ng inyong asawa. Kailan ba ang huling buwan na nagkaroon ng kabuwanan ang inyong asawa?"
"Anim na buwan na ang nakakalipas."
Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ang asawa nang lalaki na nakatayo sa aking likod. Seryoso lamang ito na nakatingin sa amin, habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.
"Noong una ay akala ko may mali lang sa matres ko, hindi ko naman inaakala na buntis na pala ako."
"Kung gayon ay totoo ang kaniyang sinasabi?" Tanong ng panadero.
"Possible."
"Pumunta na lang po kayo sa isang doktor at hayaan ito na magsabi kung buntis ka po ba talaga o hindi. Ngunit sinisigurado ko na talagang buntis ka po talaga." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Kung totoo man iyan, paano mo naman nalaman?" Tanong nang panadero.
"Ang kaibigan ko po ay may kakayahan na makapagpa-galing ng mga tao." Tugon ni Tine.
Nagkatinginan ang mag-asawa at halos mangiyak-ngiyak na nakatingin sa isa't-isa. Siguro ay dahil sa sinabi ni Tine ay naniniwala na ito na buntis talaga siya.
"Salamat sa inyo,"sabi nang babae, "Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko malalaman na mayroon na pala akong anak."
"Narinig ko po kanina na sinasabi niyo na sa wakas ay may anak na kayong babae? Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko rito. Nagpaalam naman ang panadero an may kukunin lang daw ito, naiwan lang kaming tatlo dito sa lamesa.
"Iyon ay halos lahat ng anak namin nang asawa ko ay puro lalaki. Anim na ang lalaki namin at gusto sana namin magkaroon ng babae, ngunit naka-ilang subok na kami ay panay lalaki lang talaga ang aming nakukuha." Paliwanag nito.
"Gano'n po ba,"sabi ko.
Naramdaman ko naman ang paghila ni Tine sa aking damit, napatingin ako sa kaniya at nakita itong ngumuso sa orasan na nasa gitna ng bayan. Mag-aalas singko na nang hapon, kailangan na namin umalis.
"Ayon lang po sana at aalis na kami,"sabi ko, "Baka hindi na namin makita ang daan pa-uwi."
"Ito," sabay-sabay na napatingin kami ni Tine sa panadero nang bigla nitong inilapag sa aming harapan ang isang malaking supot na sa tingin ko ay naglalaman ng maraming tinapay.
"Sana ay tanggapin mo ito bilang pasasalamat ko sa inyo,"paliwanag nito.
"Naku po, okay lang po." Sabi ko at umiling.
"Sige na,"ani nang panadero. Napatitig naman ako rito na nakangiting itinulak sa akin ang dala-dala nito. Bumuntong-hinga na lamang ako at ngumiti.
"Kung gayon ay tatanggapin ko po ito nang buong puso."
Tumango lang ang dalawang mag-asawa atsaka kami tuluyan na lumabas na ng panaderya.
"Grabe ang dami niyan,"sabi ni Tine, "Ano na gagawin mo sa perang binigay ni Sister Jai sa'yo?"
"Syempre ay isasauli ko,"tugon ko rito, "May iba pa ba akong nararapat gawin bukod doon?"
Napa-iling na lang ako at nagsimula nang maglakad pauwi. Ngunit hindi pa nga lang kami nakaka-labas ng bayan ay biglang nagkagulo sa loob ng isang gusali. Napakaraming tao ang nakapalibot dito at nakatingin lamang sa mga taong nag-aaway.
"Anong mayro'n?" Tanong ni Tine at nagsimulang maglakad papunta roon.
"Tine, kailangan na natin bumalik,"sabi ko, "Baka lalo lang tayong magabihan sa daan."
Ngunit tila ba hindi man lang ako nito narinig at patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa mga tao. Gustong-gusto talaga nitong sumangkot sa mga ganitong bagay, habang ako naman ay gusto ko lumayo sa mga magulong tao. Huminga muna ako nang malalim bago ako sumunod sa kaniya. Sumiksik pa ako sa mga tao dahil iyon din ang ginawa ni Tine upang mapunta sa pinakaharap na bahagi.
"Hindi ba at wala ka naman talagang ibang ginawa kung hindi ay ang magpasikat?" Sigaw nang isang lalaki na nakas-suot ng magarang damit.
"Wala talagang silbi ang mga manlalakbay sa Guild na iyan, puro hambog at away lamang ang alam." Rinig kong sabi nang tao sa gilid ko.
Hindi na lang ako umimik at tumingin na lamang sa dalawang tao na panay ang palitan ng suntok sa isa't-isa.
"Tara na nga,"sabi ko kay Tine at hinila ang damit nito.
"Teka lang,"saad nito. Napa-irap na lang ako sa kawalan at binitawan siya.
"Bahala ka na nga,"sambit ko bago umalis doon at nagsimula nang maglakad pauwi. Ayaw na ayaw ko sa mga ganoong klaseng gulo ngunit tignan mo nga naman ang kaibigan ko. Nandoon pa rin at wala yatang balak umuwi hanggang sa hindi iyon matapos.
"Hintayin mo ko!" Rinig kong sigaw nang isang babae sa likod ko. Bahala ka nga riyan, gusto mo naman masangkot sa mga ganiyang bagay.
Hindi ko naman inaasahan na makaka-habol pala itong babaeng ito. Hinihingal pa si Tine nang makarating sa aking tabi at hinawakan ang aking braso.
"Teka muna,"utal na sabi nito at hinahabol ang kaniyang hininga.
"Bakit? Hindi pa naman tapos ang mga 'yon doon ah?" Tanong ko rito. Umiling lamang si Tine at itinaas ang kaniyang kamay na nagsasabing teka muna.
Hinayaan ko lang ito hanggang sa maging okay na siya.
"Pamilyar kasi sa akin ang isang lalaki doon,"sabi nito. Tumaas naman ang kilay ko at hindi makapaniwala na mapatingin sa kaniya.
"At sino naman iyon aber? Atsaka kung pamilyar man siya sa iyo ay wala ka ng pakealam." Sambit ko at napa-iling.
"Oo na,"tugon nito, "Tara na at baka lalo lang tayo magabihan sa daan."
"Iyan pa ang kanina kong sinasabi." Saad ko at nagsimula nang maglakad.
Tahimik lang namin tinatahak ang daan pauwi sa kaniya-kaniya naming bahay. Una namin madadaanan ang kanila bago ang simbahan.
"Mag-eensayo na naman ako bukas at hindi ko na alam kung hanggang kailan ako doon." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Mag-ingat ka roon,"sambit nito at yinakap ako, "Mamimiss kita."
"Mamimiss din kita,"tugon ko rito, "Babalik ako pangako."
Tumango lamang si Tine at ngumiti, nagpaalam na ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad patungo sa simbahan. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako dito at nakita si Sister Kara na nag-aabang sa harap.
Nang makita ako nito ay agad itong kumaway at naglakad papunta sa akin.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong nito at kinuha ang dala kong tinapay.
"Pasensiya na po kayo Sister,"paghihingi ko nang paumanhin, "Nag-usap pa po kami nang panadero sa bayan kung kaya kami ay natagalan. Pagkatapos ay may gulo pa sa Guild at ayaw paawat ni Tine, gustong-gusto nitong manood."
"Iyong bata talaga na 'yon, Oo." Sabi ni Sister Kara.
"Oh siya, hali ka na at kakain na tayo maya-maya." Saad nito, "Kanina ka pa hinahanap ni Sister Jai. Bakit ka raw natagalan. Nag-aalala iyon sa iyo."
Napangiti na lang ako sa kaniya at tumango. Dumeritso na kami sa kusina at tumulong na ako sa paghahanda ng mga pagkain. May ilang ulam na hindi pa naluluto kung kaya ay inilagay ko na lang sa lamesa ang ilang pinggan na gagamitin namin at nagsalin nang tubig sa isang pitsel.
"Buti naman at nakabalik ka na,"sabi ni Sister Jai na kakapasok lamang sa loob ng kusina.
"Magandang gabi po Sister Jai,"bati ko at ngumiti, "May nangyari lang po sa bayan kaya medyo kami ay natagalan sa pag-uwi."
"Ano naman iyon?" Tanong nito at umupo na sa kaniyang upuan.
"Nag-usap pa po kami nang panadero sa bayan tungkol sa kaniyang asawa,"sabi ko.
"Ano naman ang tungkol sa asawa niya? May nangyari ba?" Nag-aalala nitong tanong, umiling naman ako sa kaniya at ngumiti.
"Hindi naman po,"sabi ko, "Nalaman ko lang na buntis pala ito kaya ay sinabihan ko lang sila."
Gulat na napatingin naman sa akin ang lahat nang tao na nasa loob ng kusina at hindi makapaniwala na tinignan ako.
"Buntis ang asawa nang panadero?" Tanong ni Sister Jai. "Hindi ba at hindi na iyon makaka-anak?"
"Opo, iyon din ang iniisip nila ngunit mali ang mga ito. Ngayon ay buntis po siya at ang ganda-ganda po nang kanilang anak."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong nito.
"Habang naroroon ako ay bigla na lang ako hinila nang enerhiya nang kaniyang anak sa loob ng tiyan. Doon ko nakita ang anak nang panadero na naka-ngiti. Ang mas magandang balita pa ay babae po ito, Sister." Sabi ko.
Napangiti naman si Sister Jai at idinikit ang kaniyang palad na tila ba nagda-dasal. Hindi na lang ako umimik at umupo na rin sa aking upuan. Sunod-sunod na nagsisidatingan ang lahat na mga madre sa loob nang kusina at ilang sandali pa ay sinimulan na namin mag-dasal, bago nagsimulang kumain.
"Wala pa rin po ba si Sister Mayeth?" Tanong ko kay Sister Kara na nasa tabi ko lang at kumakain.
"Ayaw yata nitong kumain,"tugon ni Sister Kara at bumuntong hininga, "Inaya ko na ito kumain ngunit ayaw ako nitong pansinin at patuloy lamang ito sa pagsulat sa kaniyang diyornal."
"Susubukan ko po itong dalhan nang pagkain mamaya, baka sakaling ako ay kausapin niya." Sabi ko. Ngumiti naman si Sister Kara sa akin at tumango.
"Mabuti nga at iyon na lang ang gagawin mo iha,"sabi nito, "Salamat."
Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya. Nagpatuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa mapunta sa akin ang atensyon ni Sister Jai at nagtanong tungkol sa mangyayaring pagbabalik ensayo ko bukas.
"Ano na ang plano mo Kori?" Tanong ni Sister Jai.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ba at babalik ka na sa pag-eensayo bukas?" Tanong nito, "Impossible naman kung wala ka binabalak kapag bumalik ka na sa ibang mundo."
Sa katunayan niyan ay wala talaga akong balak bukas. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin o may dapat ba akong gawin.
"Siguro po ay magpapatuloy lamang ako sa aking pag-eensayo sa loob nang Daloy ng Enerhiya doon sa karagatan. May ilang palapag pa naman ang gusali na iyon at magba-baka sakali na lang ako na sana ay mas lalong tumaas ang aking stage." Sabi ko, "Gusto ko sana matungtong ang pinaka-tuktok nang gusali na iyon at titignan kung hanggang saan ang kaya nang aking kapangyarihan."
Napatingin naman ako sa lahat nang makita itong masayang nakatingin sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam na suportado nila lahat ang ginagawa ko. Inaabangan nila ako sa pag-uwi at lagi silang nandiyan sa tuwing kailangan ko sila. Lalong lalo na sina Sister Jai at Sister Kara.
"Kung gayon ay nararapat lang na magpahinga ka nang maaga ngayong gabi,"sabi ni Sister Jai.
"Pagkatapos ko po ihatid kay Sister Mayeth, itong hapunan niya ay magpapahinga na po ako." Sabi ko. Tumango lamang si Sister Jai sa akin at ngumiti.
Nagpaalam na ako sa mga ito at kinuha na ang isang plato na may lamang mga pagkain. Nagtungo na ako sa silid ni Sister Mayeth at kumatok muna ako bago pumasok.
"Bakit?" Tanong nito habang nakatalikod sa akin.
"Sister Mayeth." Tawag ko rito, napatigil naman ito sa kaniyang ginagawa at lumingon sa akin.
"Kumain na po muna kayo,"sabi ko, "Hindi niyo pa raw po ginagalaw ang mga pagkain niyo simula no'ng dumating tayo rito."
Inilagay ko muna sa isang tabi ang plato at kutsara atsaka tinidor, bago iniligpit ang mga papel na nasa harap ni Sister Mayeth. "Masama po ang magpapa-lipas ng gutom."
"Pasensiya ka na sa abala Kori,"sabi nito. "May gumugulo lang talaga sa isip ko."
"Okay lang po ba kung sabihin niyo ito sa akin? Makikinig po ako,"sabi ko at kinuha na ang plato atsaka inilapag ito sa kaniyang harapan.
"Tungkol ito sa pinuntahan mo na lugar sa ibang mundo,"sabi ni Sister Mayeth.
"Ano po ang tungkol doon?" Tanong ko rito.
"Mababait ba ang mga sirena na mga nakilala mo?" Tanong ni Sister Mayeth sa akin.
"Sa katunayan niyan po ay Oo,"tugon ko, "Bakit po?"
"Ayon sa aking nalalaman ay hindi nakikipag-kaibigan ang mga sirena sa mga taong may mga mahihinang kapangyarihan. Noong mga panahon na nag-eensayo ako at napadpad ako sa isla na sinasabi mo, ay isang sirena ang kalaban ko noon na naging dahilan nang aking pagkatalo." Paliwanag nito.
"Mababait po sila, paano po kayo naging magka-away?" Tanong ko rito.
"Wala akong ginawa sa kanila noong mga panahon na iyon, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nila ako inatake at sinaktan." Sabi nito, "Kung kaya ay labis ang pagka-gulat ko noong malaman ko na biniyayaan ka nila na makaka-hinga ka sa ilalim nang karagatan at talagang dinala pa sa kanilang kaharian."
"Baka ay dahil tinulungan ko po ang isang prinsesa. Kung hindi ko iyon ginawa ay maaring namatay na rin po ako roon,"sabi ko. Umiling lamang si Sister Mayeth sa akin at bumuntong hininga.
"Impossible na iyan ang dahilan, siguro ay may kapangyarihan ka na mas malakas pa sa mga sirena kung kaya ay iyon lamang ang pagsubok na ibinigay nila sa iyo." Paliwanag ni Sister Mayeth atsaka ito tumayo, "Lahat ng pagsubok mo sa mundong iyon ay magbabase sa iyong kapangyarihan. Tila ba may sariling pakiramdam ang mundong iyon na dinadala ka nang kusa sa isang lugar na nababagay ang kapangyarihan mo."
"Kung gayon bakit sa dagat ako nito dinala?" Tanong ko rito.
"Iyan ang inaalam ko, sapagkat ang Karagatan ang pinakamahirap na pagsubok sa lahat ng mga lugar sa mundong iyon. Iyon din ang huling lugar na napuntahan ko bago tumigil sa pag-angat nang aking stage."
Natahimik naman ako sa sinabi ni Sister Mayeth at nanatili lamang ako ng ganoon sa loob ng isang oras. Paano ako mapupunta sa lugar na iyon kung ang kapangyarihan ko lang naman ay ang magpapagaling? Hindi kaya ay mas makapangyarihan ang Healing Magic kaysa sa ibang mahika sa mundo? Napaka-impossible rin kung ganoon.
"Huwag mo na isipin iyon, magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas."