Past "Ngunit, paano sila?" Tanong nito. "Dadalhin ko sila rito,"sabi ko at tumayo na. Nakita ko ang paglipad ng dragon pataas at hindi ko alam kung ano ang gagawin nito. Maaring may pina-plano na naman itong atake, kung kaya ay kailangan kong magmadali upang maprotektahan ko ang mga kaibigan ko. Paisa-isa kong dinala ang mga ito papunta sa kung nasaan si Treyni. Ilang sandali pa ay na dala ko na rin silang lahat atsaka ako huminga ng malalim. Napa-hawak pa ako sa aking braso dahil sa bigat ng mga ito. Medyo nangangalay na talaga ang mga braso ko ngayon. Tinignan ko naman ang dragon sa itaas at nakita itong humihigop ng hangin at ginagawa itong lason. Ipinikit ko ang aking mga mata at itinuon ang aking mga kamay sa gawin nila. Kailangan ko munang magamot ang mga ito bago ko sila protek