Past Lumipas ang ilang buwan at na tapos na rin ang aking misyon dito sa Kaharian ng Floridel. May ilang tao na rin akong nakilala at sa bayan na ito. Karamihan sa kanila ay mga ordinaryong mamamayan lamang at ilang mga maharlikang katulad ko. Mamaya ay aalis na ako sa bayan na ito upang magsimula na muling maglakbay patungo sa ibang bayan. Alam na ng mahal na hari at ng dalawang prinsesa ang tungkol sa pag-alis ko mamay, ganoon na rin ang iba pang mga tao sa bayan. Labis ang kanilang pagkalungkot ng malaman nila ito ngunit suportado naman nila ang pangarap ko. Napapa-ngiti na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang masasaya nilang mukha sa tuwing mayroong pagdiriwang sa tindahan ni Aling Cita. Siya ang may-ari ng tindahan na iyon at siya rin ang nagha-hatid ng mga pagkain sa kaniyang mga su