Past "Anong nangyari sa kaniya?" Sigaw nang babae at lumapit dito. "Habang nasa kagubatan kami at nangunguha nang ilang tanim para sa gagawin namin na gamot ay bigla na lang may lumabas na napaka-laking lobo. Akala namin ay pwede namin itong libangin ngunit sobrang bilis ng kaniyang takbo at inatake na lang kami bigla,"paliwanag nito. Napatingin naman ako sa lalaki na ngayon ay namumutla na nakahawak sa kaniyang braso. Huminga naman ako nang malalim bago lumapit sa kanila at tinignan ang kaniyang sugat. Napaka-lalim nga nito. May ilang parte rin ng kaniyang katawan ang na butas, hindi ko alam kung anong klaseng hayop ang umatake sa kanila ngunit isa lang ang masasabi ko, napaka-mapanganib. "Pumunta ka sa mangagamot!" Sigaw nang babae na kumuha nang mga pagkain ko at binigyan nang isang