Past Naka-ngiti naman akong lumabas nang guild at nakita ang ilang mga kasama ko na naghihintay na pala sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit sobrang saya ko nang sinabi ng hari na papayagan ako nito sa aking pina-plano at susuportahan niya ang gagawin kong pagbigay ng pagkain sa mga tao. Alam kong napaka-bait ng hari at gusto lamang nito ang makakabuti sa kaniyang mga mamayan. Bukas na bukas din ay magsisimula na kami sa misyon ko at kailangan ko ang tulong ng mga kasama ko. Nagmamadaling lumapit ako sa kanila na abala lamang sila sa pag-uusap. Hindi yata na pansin ng mga ito ang paglabas ko mula sa guild kung kaya ay gulat na gulat ito ng makita ako sa likod nila. "Nandito ka na pala,"saad ni Lauriel, "Kamusta ang pagu-usap niyo ng hari?" "Mabuti naman atsaka pumayag ito sa plano