Chapter 2

1048 Words
                “Hindi namin alam kung sino ang nag-iwan sa’yo sa harap ng simbahan, ginawa namin lahat upang mahanap ang mga magulang mo pero lagi lang kaming nabibigo,”malungkot na paliwanag ni Sister sa kaniya na naging dahilan ng pagyuko nito. Tahimik lang na nakikinig si Kori sa kaniyang sister at iniisip kung hindi ba siya mahal ng kaniyang mga magulang kung kaya siya iniwan ng mga ito.                 “Sister,” malungkot na tawag ni Kori. Napalingon naman si sister sa kaniya at nakita naman nito ang pagtulo ng mga luha ng bata kung kaya ay agad siyang nag-alala. Nilapitan niya si Kori at niyakap habang hina-haplos ang likod nito.                 “Bakit?” malambing na tanong nito kay Kori, kumalas naman si Kori sa pagkakayakap at tinignan siya ng malungkot. “Ayaw po ba ng mga magulang ko sa akin?” naiiyak na tanong ni Kori sa kasama nito. Ngiting tinignan naman ito ng kaniyang Sister, “Hindi naman sa ganoon, siguro may dahilan naman ang mga magulang mo kung bakit nila ito nagawa iha,” pagpapaliwanag ni Sister kay Kori. Umiwas naman ng tingin ang bata at umiling.                 “Hindi po ba nila ako mahal?” tanong nito at tuluyan na siyang umiyak. Yinakap si Kori ng kaniyang Sister habang hinahaplos ang likod nito. “Huwag kang mag-isip ng ganiyan iha, lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may rason. Alam ko na bata ka pa para maintindihan ang mga bagay-bagay,” sabi nito habang yakap-yakap si Kori. “Ngunit lagi mong tatandaan na walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak. Huwag kang mag-aalala tutulungan kita hanapin ang mga ito at sasamahan kita na malaman ang rason kung bakit ka nila iniwan,” tugon nito atsaka binuhat ito.                 Umiiyak lang si Kori ng ilang minuto bago ito umalis sa pagkaka-buhat niya at hinarap si sister. “Okay ka na ba?” Nag-aalalang tanong ni Sister sa kaniya, ngumiti naman ito atsaka pinunasan ang mga luha. “Opo, malalaman ko rin po ‘yong rason sa tamang panahon,” nakangiti ngunit may bahid na lungkot na tugon nito, “Sa ngayon, magta-tapos lang po muna ako ng pag-aaral at tumulong dito sa simbahan,”                 Napangiti naman si Sister sa lawak ng pag-unawa ng batang kaharap niya. “Simula ng dumating ka sa simbahan na ito ay labis ang saya na naidulot mo sa amin,” sabi ni Sister atsaka tumayo at inilahad nito ang kamay kay Kori na agad naman nitong tinaggap.                 Nagsimula na silang maglakad patungo sa loob ng simbahan, “Sabi po ni Sister Jai, Anghel po daw ako na ibinigay sa inyo,” sabi ni Kori.                 Napalingon naman si Sister sa kaniya at nginitian ito bilang tugon ng pagsang-ayon.                     Lumipas ang ilang araw ay mas lalong naging aktibo si Kori sa pagtulong sa mga Gawain sa simbahan. Naging mas determinado itong matuto ng mga bagay-bagay patungkol sa kanilang mundo. Kung wala itong ginagawa sa simbahan ay pumupunta ito sa isang pampublikong silid-aklatan sa bayan na malapit sa simabahan upang magbasa. Ang simbahan na kung saan na namamalagi si Kori ay tinatawag na “Church of Sola,” na kung saan sinasamba ng mga tao ang haring araw.  Ang araw ang nagsisilbing diyos para sa kanila sapagkat ito ang nagbibigay sa kanila ng pangkabuhayan. Ang Bayan ng Sola, ay masagana sa agrikultura at mga alagang mga hayop. Sa bayan na ito ay walang kinikilalang mayayaman o mahihirap sapagkat ang ginagamit na pangbayad ng mga ito ay tanging ang mga produkto lamang o serbisyo nila.   Siyam na taon na ang nakakalipas ay masayang namamalengke si Kori sa bayan, ng makarinig ito ng malakas na pagsabog na nagmumula sa isang bahay hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Agad naman siyang tumakbo papunta roon at inalam kung ano dahilan ng pangyayari. “Hindi rin namin alam,”sagot nito sa kaniya habang nakatitig sa bahay na nasa harapan nilang dalawa, “Dumaan lang ako rito dahil kaga-galing ko lang sa palengke pero nagulat nalang ako ng biglang makarinig ako ng pagsabog na nagmula diyan,”paliwanag nito sabay turo sa bahay nila Sarya. “Ganoon ba? Ano kayaa--,”hindi na natuloy ni Kori ang sasabihin ng biglang nakarinig na naman sila ng malakas ng pagsabog mula sa isang bahay na naging dahilan ng pagyuko ng lahat, at kasabay nito ang pagkalat ng apoy sa bubong ng nasabing bahay. Halos lahat ng tao sa paligid ay nataranta at kaniya-kaniyang hanap ng mapagkukunan ng tubig, nagulat naman siya ng makita ang isang babaeng papalabas ng nasusunog na bahay. Hawak-hawak nito ang braso na sa tingin ni Kori ay nasunog. Tinapon ni Kori ang hawak-hawak na basket nito atsaka tumakbo papalapit sa babaeng sugatan. Narinig pa nito ang mga sigaw ng mga tao na huwag magpatuloy sapagkat delikado pero determinado itong tulungan ang babae, Nang tuluyan na siyang makalapit ay agad nitong kinuha ang isang kamay nito at pina-akbay sa kaniya at hinay-hinay na dinala sa isang ligtas na lugar. Pina-upo niya ito sa isang upuan na nasa ilalim ng puno at tinignan ang sugat nito. Napa-ngiwi sa sakit ang babae na kinikilala bilang si Aria, ang nag-iisang anak ni Sarya. Natataranta naman si Kori kung ano ang dapat nitong gagawin, sapagkat wala siyang kaalam-alam kung paano gamutin ang mga ganitong aksidente. Nagsisi-lapitan na ang mga taong nanonood kanina at naaawang nakatingin lang ito sa naghihirap na Aria. Sa kasamaang palad, wala sa bayan ang mangga-gamot sa kanilang bayan kung kaya labis ang pagpo-problema ni Kori kung ano ang dapat nitong gagawin. Lumapit siya rito at sinubukan na hawakan ang braso na nasunog kay Aria ngunit kaunting dampi palang nito ay duma-daing na si Aria sa sakit na nararamdaman niya. Wala ng ibang naisip si Kori kung hindi ay pumikit at magdasal sa kanilang diyos. Labis naman ang gulat ng mga tao sa paligid ng biglang sumigaw ng napaka-lakas ni Aria habang si Kori naman ay naka-pikit na hinaplos ang braso nito, na sa bawat paghaplos niya ay unti-unting nawawala ang sunog na balat ni Aria sa kaniyang braso. Patuloy na pag-sigaw ang ginawa ni Aria ngunit tila ba nabingi si Kori at hindi man lang niya ito marinig. Ngunit labis naman ang kanilang pagka-gulat ng tuluyan na talaga mawala ang marka ng pagka-sunog sa balat ni Aria. Kung titignan mo ang kaniyang braso ay wala kang makikitang kahit anong bakas na tila ba wala lang talagang nangyari sa kaniya. Habang si Kori naman ay bigla nalang nawalan ng malay na agad naman pinagtulungan ng mga tao na dalhin pabalik sa simbahan.                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD