Chapter 1

1061 Words
    Patuloy lang sa pagtakbo si Kori palayo sa bayan ng Esmeralda na kung saan siyay hina-habol ng isang taong nakasuot ng isang balabal at maskara. Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit siya hinahabol at muntikan na ring patayin. Mahimbing lamang siyang nagpa-pahinga sa isang parte ng gubat malapit sa bayan ng Esmeralda ng biglang sumulpot ang taong naka-sunod sa kaniya na may dala-dalang mga matutulis na patalim.      Kahit labis na ang pagod na nararamdaman ni Kori ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo ng mabilis, maraming galos na ang natamo niya at patuloy na umaagos ang dugo sa preskong sugat niya sa braso na natamaan ng isa sa mga matutulis na patalim na dala-dala ng taong humahabol sa kaniya.     Minsan na rin itong nadapa ngunit agad siyang tumatayo at nagpatuloy sa pagtakbo. Kahit wala na siyang lakas at nararamdaman na niya na kahit anong oras ay pwede siyang mahimatay, hindi pa rin siya tumigil sa pag-iisip ng paraan upang makatakas sa paningin ng taong humahabol sa kaniya. Labis naman ang saya na naramdaman niya ng makakita ng isang malaking puno malapit sa isang talon kung kaya ay agad niyang lumiko papunta roon at nagtungo sa likurang bahagi nito na kung saan ay may maliit na kuweba sa likod na halos natatabunan na ng mga d**o.     Agad na pumasok siya rito at nagtago habang pinipigilan ang kaniyang paghinga. Hindi na siya nag-abala pa na tignan kung ano ang nasa loob ng kweba sapagkat ang tanging nasa isipan nito ay ang makapagtago lamang sa taong may masamang balak sa kaniya. "Sino ba kasi 'to," tanong niya sa kaniyang isipan habang tinatakpan niya ang kaniyang bibig.      Hindi naman ganoon katagal ay may narinig siyang ingay sa labas na tila ba may tumatakbo papalapit sa kinaroroonan niya. Napa-pikit na lang siya sa takot dahil baka sakaling siya ay mahanap nito at patayin.     "Masiyado pang maaga para kunin ako," sabi nito sa sarili at yumuko.      Habang ang tao naman na nasa harap ng puno na pinagtataguan ni Kori ay abala sa pagtitingin-tingin sa paligid at hinahanap kung saan siya nakatago. "Hindi pa 'yon nakakalayo," bulong nito sa sarili niya. Aalis na sana ito sa lugar na iyon upang magpatuloy sa paghahanap ng mahagip nito ang mga bakas ng mga paa patungo sa malaking puno. Nakangiting lumapit ang tao na ito papunta sa puno na kung saan nagtatago si Kori habang si Kori naman ay kinakabahan na naka-pikit lamang sa likod ng puno habang patuloy na nagda-dasal na sana ay 'wag siya nitong mahanap.     Napalingon naman ang lalaki sa isang puno ng makarinig ito ng mahinang kaluskos mula rito at agad itong tumakbo papunta roon. Iniisip na maaring iyon ang babaeng hinahabol niya, nakahinga naman ng maluwag si Kori at hinay-hinay na binuksan ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim habang dinadaing ang mga sakit na nagmumula sa mga sugat nito.     Gustohin man nitong gamutin ang kaniyang sarili ngunit labis na siyang nanghihina kung kaya ay napa-pikit nalang ito at hinayaan na lamunin siya ng kadiliman.   Past     "Magandang Umaga, Sister!" Bati ng masayahing bata na si Kori habang hawak-hawak niya sa kanang kamay ang paborito niyang laruan. Naka-suot ito ng isang puting damit na hanggang paa ang haba at naka-tali ang mahabang buhok nito. Ngumiti naman ang babaeng tinatawag niya na sister at inanyayahan niyang umupo sa kaniyang tabi.     "Ang aga mo naman yata magising Kori," nakangiting sabi ni Sister sa kaniya at saka sabay haplos sa kaniyang buhok. Umayos naman ng upo si Kori at inilagay sa katabing upuan ang dala-dala nitong laruan bago humarap kay sister. "Maaga po ako natulog kagabi," tugon naman ni Kori na naging dahilan ng pag-ngiti ng mga tao sa loob ng kusina.     "Mas maaga ka pa nagising kay Sister Jai,"natatawang sabi naman ng isa pang sister na abala sa paghahanda ng mga pagkain sa hapag kainan. "Si Sister Jai po kasi matagal natutulog at saka matanda na po," inosenteng sabi nito at saka ngumiti na naging dahilan ng pagtatawanan ng mga tao sa loob.     Pumasok naman ang isa pang sister na nakasuot ng habit at medyo may katabaan at may dala-dalang bibliya. "Narinig ko 'yon," nakangiti nitong sabi habang papunta sa kaniyang pwesto at umupo. Nahihiyang yumuko naman itong si Kori at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. "Okay lang iha, totoo naman iyon. Magdasal na muna tayo bago tayo kumain,"anyaya nito sa lahat.          Umayos na ng upo ang iba pang mga sister at nagsimula ng magdasal ang mga ito habang si Kori naman ay patagong kumukuha ng ubas sabay subo at pikit.      Ilang sandali pa ay natapos na silang magdasal at nagsimula na itong kumain.     "Sisters may tanong po ako," sabi ni Kori atsaka uminom ng tubig. Napalingon naman sa kaniya ang sister na katabi nito at tinanong kung ano iyon.     "Paano po ako nakarating sa lugar na ito?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya habang deritsong nakatingin sa mga mata ni sister na katabi niya.  "Iyon ba? Sige, ipapaliwanag ko sa iyo mamaya lahat. Sa ngayon, kumain ka muna," nakangiting tugon naman nitong sister atsaka nagpatuloy na sa pagkain.         Lumipas ang ilang minuto ay natapos na silang kumain, tumulong si Kori sa pagliligpit ng mga pinagkainan bago nagtungo sa hardn sa likod ng kanilang simbahan.     "Hali ka, maupo ka sa tabi ko,"anyaya ng kaniyang sister, lumapit naman itong si Kori.     "Gusto mong malaman kung bakit ka napunta sa amin, hindi ba?" nakangiti nitong tanong kay Kori na ngayon ay yakap-yakap na laruan nito. "Opo,"malambing na tugon nito sa kaniya.     "Ganito iyan, isang napaka-lamig na gabi noon sa buwan ng Hulyo. Abala kami lahat sa paghahanda para sa gagawing misa kinabukasan,"pagsisimula nito. "Ngunit nabigla kaming lahat ng makarinig kami ng iyak ng sanggol mula sa labas, noong una labis pa ang pagtataka namin sapagkat paano magkakaroon ng sanggol sa isang simbahan kung kaya ay agad kaming nagtungo sa pintuan ng simbahan at doon namin nakita ang pinaka-magandang bata sa buong buhay namin,"natatawang sabi nito atsaka pinisil ang magkabilang pisngi ni Kori.      "Aray po,"daing ni Kori atsaka hinihimas ang kaniyang pisngi. "Nasa loob ka ng isang medyo may kalakihan na basket na kung saan nakabalot ka ng makapal na tela at suot-suot iyang kwentas mo ngayon," pagpapatuloy nito. Napa-hawak naman si Kori sa pendant ng kwentas niya na kung saan isa itong pilak na letrang 'K'.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD