Penelope POV
Nandito na ako sa condo ni Mr. Lopez. Kailangan ko siyang makausap. Papakiusapan ko siya, kung puwede lumuhod ako para lang huwag niyang tanggalin kung pwede lumuhod ako huwag lang niya ialis sa akin ang scholarship ko. Parang pamilyar ang lugar ng condo parang napuntahan ko na ito. Pinindot ko na ang botton. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ano ang mangyayari sa scholarship ko.
Bumukas ang pinto bumungad sa akin ang nakahalf naked na lalake at nakaboxer lang. Bigla akong binundol ng kaba. Dahil kilala ko ang lalaking ito.
" Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng pailalim.
" I'm here to talk to Mr. Lopez. Is he here?" sabi ko sa kinakabahang boses.
Napangisi ito sa akin. Inilahad nito ang palad, pinapapasok niya ako. Nag-alangan ako kung papasok o hindi. Ngunit sa huli pumasok ako. Naisip ko ang scholarship ko. Kailangan ko talagang makausap si Mr. Lopez.
Siya lang makakatulong sa akin para maipagpatuloy ko pa ang pag-aaral ko. Pumasok ako ngunit nanatili lang akong nakatayo. Lumingon sa akin ang lalaking ayokong makita.
" Have a sit, honey." binundol na ako ng kaba sa dibdib ko.
Sa tono ng boses nito feeling ko may hindi gagawing mabuti. I know him may naririnig akong kuwento ng mga estudyante sa campus kung paano niya paglaruan ang mga babaeng nagugustuhan nito. Pagkatapos magsawa iiwan na lang parang basura. Ayokong mangyari sa akin iyon.
" Can I talk to Mr. Lopez, nandiyan ba siya?" tanong ko muli.
Hindi ito nagsalita tinalikuran niya ako. Sinundan ko ng tingin ang lalaking bastos. Nagpunta ito sa kitchen. Ilang saglit lang bumalik at may dala na itong juice at cake. Inilipag niya ito sa center table.
"What's the point of still standing there? Relax and take a seat. I'm not going to eat you. Perhaps later?" He stated that with a smirk.
I'm unable to look him in the eyes. It bothers me since he was half-naked and only wearing boxer shorts. " Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to talk to Mr. Lopez. Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito." kahit kabado nilakasan ko ang loob kong maging matapang. Kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Napatingin ito sa akin na para bang may nasabi akong masama. Umupo at nag-cross leg ito habang ang dalawang braso nakapatong sa headrest ng mahabang sofa. Napailing iling ito at natatawa pa.
Nagsalubong ang kilay ko. Wala akong panahon makipaglokohan sa kanya.
" You're talking to Mr. Lopez already." napaawang ang labi ko.
Siya si Mr. Lopez. No it can't be. Bakit ko nga ba hindi naisip na iisang tao lang sila. Dito siya nakatira.
" B-bakit mo ba ginagawa sa akin i-ito?" lakas loob kong tanong.
"Simply, I like you. You have no choice except to do what I say." Sabi nito.
Tumingin ito na parang inaangkin na ang buong pagkatao ko at pati na kaluluwa ko.
"What if I turn down your offer?" With a serious voice, I stated. Kailangan kong maging matatag sa harapan niya. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.
Napangisi ito sa sinabi ko at umarko pa ang isang kilay nito.
" Madali naman akong kausap. If you don't want my offer mawawala ang scholarship mo." tumaas ang sulok ng labi nito.
Gusto ko siyang gawaran ng sampal. Ginigipit niya ako. Ginagawa niya ang lahat para mapapayag ako sa mga gusto niya.
Nanatiling nakatutok ang mata ko sa kanya. Napakasama niyang tao. Bakit niya ba ginagawa sa akin ito?
Kumuyom ang kamao ko. Nanginginig ang mga kalamanan ko sa galit.
"Ms. Diaz, what is your decision? You only have two choices. If you decline my offer, your scholarship will be jeopardized. Instead, be my woman in bed and you may keep your scholarship. Remember that you will be graduating this semester." napatitig ito sa akin.
Natigagal ako sa options niya. Is he playing me around? Mayaman ito at kaya niyang paikutin ang mga taong nasa paligid niya. At ako ang isa niyang biktima.
Nangilid ang luha ko.Wala akong choice. Hawak niya ako sa leeg. Wala akong magawa. Napaka demonyo niya! Oras na tinanggihan ko ang alok niya na maging babae niya, mawawala sa akin ang scholarship. Paano na ang pangarap ko na makatulong sa magulang ko.
He is evil! Pinigilan kong sumabog sa galit. Nagtagis ang bagang ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko. Matagal ako sa ganoong posisyon.
Iminulat ko ang mata ko, nasalubong ko ang mga mata nito na puno ng pagnanasa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
" P-pumayag na ako." nag-init ang sulok ng mata ko at tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinimas niya ang pisngi ko.
He gave me the shivers as he grinned at me.
" Good decision honey." anito, bumaba ang ulo nito at hinagkan ang labi ko. He kissed me aggressively.Copyright©2021 by coalchamber13