(Zandro POV)
Kailangan makuha ko ang babaeng iyon. I already marked her. So she is mine!"
Tumaas ang sulok ng labi ko.
I have my ways kung paano ko siya mapapaikot sa palad ko. Naglakad ako patungo sa Director's office ng school. May kailangan akong gawin. Napangiti ako na parang demonyo. Pumasok ako sa loob ng opisina. Nagulat pa nga ito sa biglaan kong pagpasok.
"Good morning Mr. Lopez what can I do to you?" Sumenyas siyang umupo ako.
Naupo ako sa silya na nasa harapan ng table nito.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I want to have a favor, I hope you will grant my request Mrs. Romana Francia." I said.
"What favor you are asking, Mr. Lopez?" she said.
I know she will grant my request. "Sabihan mo si Ms. Penelope Diaz na mawawalan siya ng scholarship." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng sumingit si Mrs. Francia.
"I can't do that Mr. Lopez. Wala naman problema sa mga grades ni Ms. Diaz. Actually siya ang outstanding among the scholars here in our campus. Kaya hindi ko magagawang alisin siya sa scholarship. Baka magreklamo siya at i-report ang school natin sa nakakataas." she reason out.
Binigyan ko ito ng masamang tingin. "Do what I said! Or ikaw ang aalisin ko sa pagiging Director mo! Or aalisin ko ang scholarship ng ibang student dito. Mamili ka ikaw or siya? Madali naman ang pinapagawa ko. Ikaw lang naman ang nagpapahirap ng situation, Mrs. Francia. Madali naman akong kausap." tumayo na ako upang lumabas nang opisina nito.
"Wait, Mr. Lopez. Okay, I will grant your request."I grinned at her.
May kinuha akong business card. "Here give it to Ms. Diaz. Expect your cheque in your salary," I said.
I storm out of the room with a wide smile. You'll be mine, Penelope. You can't escape anymore!
Penelope POV
" Pene, pinapatawag ka sa Director's office. About yata sa scholarship mo," sabi ng bestfriend kong si Heidi.
" Para saan kaya iyon? Okay, naman ang mga grades ko wala naman akong bagsak." paliwanag ko sa kanya.
Nagkibit balikat lamang ito. Nagpasya akong pumunta sa Director's office. Baka naman may importante lang na sasabihin sa akin. Naglakad na ako patungong office ng Director. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Come in," narinig kong sabi ng Director na si Mrs. Francia.
" Good morning po Ma'am Francia. Bakit niyo po ako pinapatawag?" bati ko sa Director namin.
Pinaupo niya ako. Umupo ako sa silya doon na nasa harapan ng table nito. Pinagsiklop ko ang mga palad nakaradmdam ako ng takot. Wala akong idea kung ano'ng sasabihin niya. Sana naman hindi bad news.
" Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, Ms. Diaz. Nagkaroon kasi ng problema sa mga numbers ng mga scholarship dito sa University. Kailangan naming magbawas," napabuntong hininga ito.
Napatingin ako sa kanya at para itong naawa sa akin. " Ayoko sanang gawin ito, dahil deserving ka naman sa pagiging scholar mo. Kailangan ko lang talaga gawin kung hindi madami ang maapektuhan," kumunot ang noo ko.
Ano naman kinalaman ko sa maapektuhan? Siya na rin ang nagsabing deserving ako sa pagiging scholar.
"Ma'am maawa naman po kayo kailangan ko po makatapos ng pag-aaral. Kung aalisin niyo pa po ang scholar ko, hindi na po kaya ng magulang kong pag-aralin ako. Kaya lang po ako nakapag-aral dahil sa scholarship," umiiyak na pakiusap ko.
" I am sorry Ms. Diaz, hindi kita mapagbibigyan sa kahilingan mo. Kung gusto mong maayos ang lahat kausapin mo si Mr. Lopez about sa scholarship mo. Here, puntahan mo siya diyan sa address na iyan. " may binigay ang Director namin na isang papel na maliit nakalagay doon ang address ni Mr. Lopez.
" Sige ho Ma'am pupuntahan ko po ito," sabi ko.
Nabuhayan ako ng loob. Sana naman maayos ang problema ko. Itong tao lang na ito ang makakatulong sa akin. Lumabas na ako ng Admin. Nakatingin lang ako sa papel na hawak ko. Dito nakasalalay ang pag-asa kong maipagpatuloy ang scholarship ko.
Habang papunta ako sa room namin wala ako sa sarili. Paano na ito kung maalis ako sa scholarship. Paano kung hindi mapagbigyan ang hiling ko ni Mr. Lopez. Nangilid ang luha ko. Bigla ko itong pinahid ng nakita kong papalapit sa kinauupuan ko si Heidi.
"Oh, anong nangyari sa pag-uusap niyo ng Director?" umupo ito sa tabi ko.
"Wala naman binati lang niya ako sa pagiging outstanding scholar. Hindi ba wala siya noong nag-announce ng mga top sa school?" pagrarason ko.
"Ganoon ba? Akala ko naman kung ano na. Buti naman," napahinga ako ng maluwag ng maniwala ang kaibigan ko.
Dumating na ang professor namin. Hindi ako maka concentrate sa pagtuturo nito, lumilipad ang isip ko. Sana matulungan ako ng Mr. Lopez na iyon. Natapos ang klase namin na wala akong naintindihan. I-review ko na lang ang mga notes namin ngayon. Kailangan ko ring puntahan ngayon si Mr. Lopez. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng oras. Ayokong mawala ang scholarship ko. Ayokong biguin ang mga magulang ko. Umaasa sila na makaka-graduate ako sa kolehiyo.
"Mauna ka na muna umuwi Heidi. May kukunin lang ako sa Director's office." sabi ko.
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko."Ano ang kukunin mo doon?" napalunok ako.
Ano nga ba ang kukunin ko doon? Bakit iyon pa ang dinahilan ko.
"May ibibigay daw sa akin. Sige pupuntahan ko na aalis daw kasi si Mrs. Francia. Baka hindi ko maabutan," sabi ko. Naglakad na ako hindi na din nagpumulit si Heidi.
"Umuuwi kaagad ha?!" pahabol na sabi nito.
"Oo uuwi din ako kaagad!" sagot ko. Nang Makita kong palabas na ng campus si Heidi. Ako naman dumaan sa may likurang bahagi ng campus. Doon na lamang ako sasakay ng jeep papunta sa address ni Mr. Lopez. Sana naman mapakiusapan ko ang taong iyon. Habang nasa loob ng jeep hindi ko maiwasang kabahan. Bumuga ako ng hangin dahil para akong nawawalan ng hangin.
Pagkababa ng jeep. Napatingala ako sa building na mataas. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Hindi ba dito din nakatira si Zandro? Hindi ako nagkakamali dito niya ako dinala.
Diyos ko hindi naman sana magkrus ang landas namin dito. Bahala na kung anong mangyari. Kailangan kong makausap si Mr. Lopez. Nakasalalay sa kanya ang kinabukasan ng scholarship ko. Kahit may alinlangan pumasok na ako sa loob.