Kaharap ko ang sariling laptop ngunit ang utak ko ay wala sa aking trabaho. Kundi naglalakbay. Iniisip ko parin kung ano'ng relasyon meron sina Ms. Suarez at Orson? Napasimangot ako. Ano bang pakialam ko? Napangalumbaba ako sa aking mesa. Wondering kung tama ba na paunlakan ko ang imbitasyon ni Mr. Tan. Napasubo lang naman ako kanina. Argh! Nagsisi tuloy ako sa agarang pagpayag ko. Napaigtad ako nang marinig ang katok sa aking pinto. Napalingon ako do'n. Nagpakawala ako nang marahas na hininga. Ipinilig ang sariling ulo. I turn on the intercom. "Yes, come in," saad ko. Bumukas ang pinto at iniluwa doon ang matikas at matipunong binata. His eyes bore into mine. Damn it! Tila tumalon sa gulat ang aking puso. What the! "Hi, it's time for lunch. Tara na," saad nito sa seryosong anyo.