Kabanata 8

1050 Words

"Ano nang balak mo ngayon?" tanong ni Orson sa'kin habang sakay kami ng naturang Tractor. Honestly, parang ayoko ng bumalik pa sa siyudad at manatili na lamang sa DFF. Mas gusto ko pa yatang manatili rito, dahil sa payapa ang aking isip at tila ba kay ganda sa pakiramdam ang lugar na ito. Nakamasid ako sa malawak na lupain. Saka ako napasulyap sa lalaking kausap ko. "Hindi ko alam. Gusto ko nalang yatang magbakasyon muna rito. To refresh my frustrated mind. I guess, I need a break, Mr. Acosta," tugon ko rito, ibinaling ko ang tingin sa ilang mga baka na pinapakain ng ilang mga manggagawa. "Well, kung 'yan ang nais mo. Pwede naman kitang samahan dito," sagot nito dahilan para mabato ako sa aking kinauupuan. Totoo ba ang naririnig ko? Gosh! "You're kidding, right?" takang-tanong ko rit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD