"Salamat sa paghatid mo sa'kin," hindi ngumingiting tugon ko kay Orson. "Of course, obligasyon kong ihatid ka," sagot naman nito. "Kanina ko pa napapansin ang kakaiba mong ugali? May buwan ng dalaw ka ba ngayon?" panunudyo ko pa rito. Ngunit, hindi man lamang ako nito sinagot. Sabay kaming umibis mula sa kotse nito. "Pumasok ka na sa loob ng apartment mo," utos pa nito sa'kin. "Paano kung ayoko?" birong hamon ko rito. "Hahalikan kita, gusto mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula dito. Tila naman naalarma ako. What the! "Huwag mong gagawin 'yan, Mr. Acosta!" pagbabanta ko rito. Tila nabingi ako sa lakas ng kabog ng aking puso. "Then, matuto kang makinig. Hindi ako mangingiming gawin 'yon," sagot nito. Naglalaro sa mga labi nito ang pilyong ngiti. "Subukan mo at talag