Danna(POV) Pagadating namin sa bahay ay agad nilang kinabit ang maliit na freezer sa solar panel. Tapos kinatay ang karne. Pinamigay ni Nanay ang ibang karne sa mga nagkatay. Tinulungan ko si Nanay sa paglagay ng karne na nahati-hati sa freezer Ziplock. Napatingin ako sa mga manok na susunod na katayin. "Nay ano kaya kung alagaan ko nalang ang mga manok?" "Pwede din anak, sakto may rooster tayo na nabili. Mag pagawa na lang tayo ng kulungan at pag itlugan ng inahing manok." "Yay! O sige po inay pero tulungan mo po ako. Ngayon lang po ako makahawak sa personal ng manok na buhay." Natawa siya sa sinabi ko. Isang buwan na ang nakalipas na hindi ko namalayan. Nawili ako dito sa pagtuloing kay Nanay sa pagtuturo at pag aalaga ng mga manok. Isang inahin ko na ang nangingitlog na. Medyo