Danna(POV) Pagkatapos naming magpabili ng aking mahigaan ay pumunta kami sa bahay ng guro. Sakto na breaktime ng mga bata at nag uwian sila at babalik din. Hindi naman kasi tulad ng regular na school na may nagtitinda ng merienda para sa mga bata. "Teacher Mery!" sigaw ni Ate Carmen Lumabas naman si Teacher Mery at sa akin siya nakatingin. "Teacher, Mery! " nagsalita ulit si ate Carmen pero sa akin parin siya nakatingin. "Nagandahan din kayo sa kaibigan ko ano teacher." Sabay tapik sa balikat nito at doon parang natauhan ang guro. "Oh Carmen, ikaw pala. Kailan ka dumating?" "Kahapon po Teacher pero aalis din ako bukas." "Bakit ang bilis naman?" Sa akin siya ulit nakatingin. "Inihatid ko lang ang kaibigan ko dito, siya muna ang titira sa bahay. "Ganun ba mabuti naman kung ga