“Baron, pwede ko bang makausap ang tatay ko kahit saglit lang?” untag ko kay Baron isang umaga na. Noong isang gabi lang ako pumayag na magkasama kami sa silid pero ng mga sumunod na araw ay hindi na talaga ako pumayag. Wala si Lola Bebe sa bahay dahil mas maagang umalis sa amin patungo sa kanyang doctor. Check-up niya ngayon para malaman ang lagay ng kalusugan niya. Nagsabi nga ako kung nais niyang samahan ko siya pero huwag na raw at baka ma stress daw ako kapag inaaway niya ang doctor niya. Ngunit parang wala siyang narinig at nagtuloy lang sa hapag kainan para mag-almusal. “Hoy! Kinakausap kita, ha? Bakit parang hindi mo ako naririnig?” untag ko sa kanya ngunit ayaw pa rin niya akong pansinin. Tuloy lang siyang kumuha ng mga pagkain at nilagay sa kanyang plato at maganang kumain.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books