"Deserve mo naman lahat ng mga bagay na ipinararamdam ko sayo, yung saya, efforts, love. kasi minsan ka lang dumating sa buhay ko. Kaya mas gagawin kong worth it yung pananatili mo."
--- Ym ---
Nong una kong makita ang picture mo
Nag alangan talaga ako
Ang suplado kasi ng dating mo
Lakas pa ng tindig at astig ang porma mo...
Nong sumali ka sa makata ng tambayan
Doon kita sinubaybayan at minatyagan
Binabasa bawat tula mo't ika'y aking hinahangaan
Tahimik lang akong nagmamasid sa bawat commento nyong puno ng kalokohan...
Ewan ko ba kung bakit kakaiba ang dating mo
Mga katangiang bihira ko lang matagpuan sa mga taong nakakasalamuha ko
Noon unti unting nabuo ang mga pangarap ko
Ang mga ilusyon ko na sana makasama kong taong espesyal na sa puso ko...
Salamat sa lahat lahat ng kabutihan mo
Sa pag aalaga pagpapahalaga sa isang tulad ko
Napabilib mo talaga ako ng husto
Wala kang katulad kung magpasaya sakin todo at bongga talaga ito...
Ayokong isipin na malayo ka saking piling
Mas masarap damhin yong ika'y kasama ko pa rin
Mga masasayang alaala na pinagsaluhan natin
Habang buhay ko na yong kasa-kasama at alalahanin...
Ikaw ang taong nagpapasaya sakin
May mga usapang mahirap iwasan at balewalain
Mga nakaraang nawaglit na sa isipan ko't damdamin
Pero bumalik lahat ng alaala ko ng diko napapansin...
Salamat pinagaan mong bigat sa dibdib ko
Mga pasakit at hirap na naranasan sa buhay kong ito
Isang salita lang ang narinig ko sayo
Parang nabuksan mong lahat ang mga nakatagong lihim saking pagkatao...
Nawa'y magtagal pang samahan nating ito
At sana dika magbabago
Kung ano ka at sino ka noong unang makilala ko
Isang may paggalang at respeto sakin, yan ay sapat ng pinanghahawakan ko...
"Masaya ako sa piling mo, kaya mananatili ako sa buhay mo."
-- Roselia --
?MahikaNiAyana