Prologue

571 Words
Isa akong ilusyonada, assuming kumbaga. Mapangarapin at mataas ang pangarap na maging manunulat. Kaso sa dinami dami ng contest na aking sinalihan, ni 3rd place di man lang ako makasungkit ng trophy. Ano kayang mali sa mga script ko? Ano kayang kulang sa mga sinusulat ko? Magaling naman akong gumawa ng tula, yan ang comment ng mga nakakabasa saking mga akda. Ang tanong ko eh, bakit kapag sa contest nako sumasali, laging failure ang result ng script ko? Takteng buhay 'to? Ano kayang diskarte ang dapat kong gawin? makakuha lang ako kahit fifth place na lang, para may maipagmalaki naman ako kila Popsy at Momsy, ng hindi na nila ako pigilan sa pagsali sali ko sa mga contest. "At ang ating first place winner ay si... Mr. Ym Xian Dryke! Congratulations.." Nanlulumo akong tumalikod at lumabas ng school gymnasium namin. 'Hay.. palagi na lang syang nananalo? Ano kayang magic ang pinaggagawa nito at perfect writer ang tawag sa kanya dito?' Matamlay akong nakihalobilo sa aking mga kaibigan, na nakatambay di kalayuan sa gym kung saan ginanap ang Tambayan writing contest. Mga tanong kaagad ang sumalubong sakin, ng umupo ako sa tabi ni Ashley. "Girl! Anu ng result? Nanalo kana ba! ha?" "Base sa looks mo.. Talo kana naman ano! b***h? hahaha." "Eh, kung daanin na lang kaya natin sa pustahan, para malaman natin ang secret nyang si Mr. Perfect Writer na yan, hmm.." "Game ako dyan.. Ano munang premyo?" "A pair of shoes and LV bag, sa mananalo.. Ano game na ba kayo?" Usapan yan ng mga kagrupo kong Bad Girls.. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, dinamdam ko talagang aking pagkatalo. "Hoy! b***h! anuna, ha? magpapatalo kana lang ba palagi sa lalaking yun? Gamitin mong kalandian mo, para mahulog sayong kagandahan ang Mr. Perfect Writer na yun." 'Ting! Biglang umilaw ang utak ko, sa suggestion ni Ashley. Mabilis na naglakbay ang aking isipan.. Nagpaplano kung anong diskarte ang aking gagawin, mapalapit lang ako sa Ym Xian na yun.. 'Ano kaya kung i stalk ko sya? Kasi sa ganung paraan malalaman kong mga pinaggagawa nya. Tama! yun ngang gagawin ko simula bukas.' Napatayo ako bigla sa naisip kong magandang idea, sabay sabing... "Oh yeah! b***h will rock your world Ym Xian, aka Mr. Perfect Writer! Sige, I'm in..! Bitches." "Yeheeyy.. Exciting ito! hoy! R'joy anong rules? Sayo manggagaling ang premyo, kaya dapat ikaw ang magbigay ng rules sa pustahang ito." "Dika masyadong halatang excited Rowena, kalma ka lang.. tingnan mo si Claire at Mabel, behave ang drama, pero mas madalas pang manalo sa pustahan kesa sayo! hahaha." "b***h! Ikumpara ba ako sa isang nerd at nice girl, malamang di ako mananalo sa diskarte ng dalawang yan!" Pangiti ngiti ko na lang na sinulyapan ang mga katropa ko. Kapag kasama ko sila gumagaan ang pakiramdam ko, ang kaninang pagka depressed ko ay kaagad napalitan ng excitement sa naiisip kong idea, makuha ko lang ang pinakamimithi kong trophy, ako ng pinaka masayang b***h na nabubuhay sa mundo ng mga ilusyunada. I'm Roselia Delsy... Sixteen... Malihim... Malandi... Mataray. I'm a 'b***h' in the eyes of others, but to the people who knows me better.. I'm a special b***h in their lives... Nag-iisang anak ng mga magulang ko... Bad Girls cheer leader kapag nagkakagulo at napapaaway ang aming grupo... Espesyal na 'b***h' sa puso ng lalaking tumupad sa aking mga pangarap sa buhay ... ang maging isang Miss. Perfect Writer. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD