CHAPTER 5 - KISS ME

1409 Words
Naghilamos si Amara nang matapos siyang gumamit ng banyo pero hindi sapat iyon para mawala ang hilo na nararamdaman niya. God! Ito na ba 'yun tipsy na sinasabi nila? Napahagikhik siya habang pinagmamasdan ang kaniyang hitsura sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. Tiningnan niya ng maiigi ang sarili at pati ang kurba ng kaniyang katawan. Maganda naman pala siya, eh. Bakit ang nakuhang girlfriend ng kapatid niya ay... Hindi. Mas maganda siya period. Lamang lang ito dahil matured na sa edad samantalang siya ay nasa desi pa lang. Huh! Ang landi pa ng nakuha nitong babae. Ito ba ang papakasalan ng walang hiyang kapatid niya? Well, ngayon pa lang sinasabi niya hindi siya dadalo sa kasal nito tulad nang hindi nito pagsipot sa araw ng kaarawan niya. Isa lang ang nasisigurado niya, hindi niya gusto ang babaeng girlfriend nito. Ito na siguro 'yun panahon na sasagutin niya si Theon at Herrence. Natawa siya sa kalokohan naisip. "Okay lang, gwapo naman si Theon, eh. Sasagutin ko na nga siya." Parang tangang kausap niya sa sarili kahit ang totoo hindi naman nanliligaw sa kaniya ang binata. "So nanliligaw pala sa'yo ang gagong iyon?" Imbes na magulat sa presinsya ni Azael na biglang sumulpot sa dambana ng pintuan at walang ka-emosyon ang mukha, ay hagikhik ang kaniyang tugon. Teka, paano ba ito nakapasok? Ah, nga pala nakalimutan niyang isara ang pintuan. "Hi! Gagamit ka rin ng banyo? Later na. Kinakausap ko pa sarili ko, eh." "Lasing ka na Amara." "Hindi ah!" mabilis niyang tanggi na sinulyapan pa ang mukha sa malaking salamin ng malaking banyong iyon. Namumula na ang magkabila niyang pisngi at halatang namumungay na nga ang kaniyang mata. "Ihahatid na kita sa bahay." madilim na saad nito pero hindi niya binigyan ng atensyon. "Ayuko nga. Gusto ko si Theon my baby o kaya si hubby Herrence ko!" Malakas niyang tanggi at nagpasyang lagpasan itong nakaharang sa pintuan. Pero hindi siya nakalabas ng tuluyan nang hilain nito pabalik ang kaniyang braso ng mariin. "What did you say?" "Theon my baby..." "f**k Amara! Lasing ka na." Sinimangutan lang niya ang sariling kapatid at lakas noong binawi ang braso na hawak nito. Hindi nga niya ramdam na madiin pala ang pagkakahawak nito pero binitawan naman siya. "Siguro naman pwede na akong mag-boyfriend, 'di ba?" humagiksik siya saka tuluyan bumalik sa tabi ni Theon. Kumakanta pa rin ito at lahat nagkakasiyahan na. Iyong isang babae ay nasa hita na ni Herrence at nakakandong. Ang pinsan niyang si Cuhen at Florae ay lambingan lang na parang nasa luneta park na magjowa. Walang alinlangan umupo siya at kumuha ulit ng panibagong maiinom. Walang sabing tinungga niya iyon na parang tubig. Ang sarap! Parang nakalaya siya sandali kahit hindi naman siya nakakulong. Ganito pala kasaya kapag kaya mo gawin lahat ng gusto mo pero hindi pwede dahil sa asungot niyang kuya. "Babe," rinig niyang malanding tawag ng babae kay Azael na sumunod pala sa kaniya pabalik. "Hmm?" Ayaw niyang makinig pero ang talas yata ng pandinig niya at mula sa peripheral vision ni Amara, lumapit ang babae rito at kumandong sabay yakap. Nasusuka siya. Ang bastos naman nito! Nandiri siya nang maghalikan ang mga ito. Parang gusto niyang sumigaw samga puntong iyon! May bata at inosenteng nilalang sa mga harap ng mga ito pero wala man lang itong pakialam? Nakakataas dugo! Pabagsak niyang nilapag ang pangatlong bote saka siya dumampot ng panibago. Pang-apat niya na at mukhang matutuluyan na siya nito. "Hey Amara baby, its not water for your information." natatawang saad ni Theon. Alam niya. Humalakhak siya at namumula ang pisnging tinampal ang balikat nito. Lasing na nga siya at kailangan niya ng umuwi bago pa siya makapag-isip na awayin ang walang kwenta njyang kuya na mas inuna pa ang kalandian nito. Hinila niya ang kwelyo ng binata at marahan bumulong sa teynga nito na alam niyang imposibleng marinig dahil malakas ang music. "Ihatid mo na ako. Ayuko matulog sa bahay na ito kahit kapatid ko pa may ari." Ilang segundo muna ang nagdaan bago nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Napatango-tango ito at tumayo na siya. Nagpaalam siya ng maayos sa kabila ng kaniyang mundong umiikot na uuwi na siya at si Theon maghahatid. Sa kalasingan niya, sinabi niyang itatanan na siya ng binata na nauwi sa tawanan ng nga ito pero hindi ang kapatid niya. Natulak nito ng deritso ang kawawang girlfriend. Nasa labas na sila ng mansiyon at nakaagap sa kaniya ang binata para hindi siya maduwal nang maramdaman niyang umangat ang kaniyang katawan sa ere. Napapikit siya, binuhat ba siya ni Theon? Ang gentleman talaga ng pokpok na lalaking ito. Dahil sa kalasingan at wala na sa hwesyo, kumapit siya sa leeg ng binata at siniksik ang sarili sa dibdib nito. Napangiti siya nang maamoy ang mabangong amoy nito. Lalaking lalaki at hindi masakit sa ilong. Nakakainlove! Kinikilig siya sa isipin iyon lalo na't kaamoy nito ang pabangong gamit ni Azael. Mas lalo niyang siniksik ang sarili rito at inamoy amoy ang leeg. "Ang bango mo. Gusto tuloy kitang halikan." bumungisngis siya. Narinig niya ang malakas na pagbuntunghinga nito at nagsimula ng humakbang. Naramdaman ni Amara na marahan at dahan dahang nilagay siya nito sa passenger seat at nilagyan ng seat belt. May pag-iingat bawat galaw ng kamay nito at kahuli-hulihang haplos sa kaniyang pisngi. Nakapikit siya pero gising pa ang lasing niyang diwa. Pumasok na ito sa drive seat at kasabay nang pagsirado ng pintuan ng sasakyan ay narinig niyang sabi nito. "Sleep my princess," anito saka hinaplos ulit ang kaniyang pisngi. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Theon na humaplos sa kaniya. "K-kiss me." "Amara!" Hindi niya na hinintay ang sasabihin nito, agad niyang hinila ang kwelyo ng binata at walang sabing hinalikan ito ng mariin sa bibig. Dahil na rin siguro sa napapanood na mga teleserye, natuto siya kung paano humalik. Niyakap niya ang braso sa leeg nito at walang balak na pakawalan ang labi ng binata. God! Gusto niyang kiligin sa subrang lambot ng labi nito. Narinig niyang huminga ito ng malalim pero ilang segundo lang ay gumanti ito ng halik sa kaniya. Kung hindi sa alak na kaniyang nainom, hindi siya magiging ganito. Nagpalitan sila ng halik at nag-iinit na ang kaniyang buong katawan. Ganito pala iyon? First time niyang makipaghalikan at lasing pa talaga siya. Hindi niya alam kung ano ang sumunod. May sariling isip ang kaniyang kamay na humaplos sa dibdib nito at mas lalong lumalim ang halik nila. Ah, Theon is really a good kisser at ang sarap pa. Naramdaman niyang dinama nito ang dibdib niya at marahan humaplos doon. Napaungol siya. "Oh Theon!" Sa binanggit niya, bigla itong natigilan at napamura ng malakas at bumitaw sa kaniya. "f**k that man! f**k! f**k!" Gusto niyang magmulat ng mata at tingnan kung anong nangyari rito pero tuluyan na siyang hinila ng kaniyang diwa para matulog at sa sumunod na pangyayari, wala na siyang maalala. Nagising siyang masakit ang ulo kinabukasan at mataas na ang sinag ng araw. Pinilit niyang alalahanin ang pangyayari nung nakaraan araw pero wala siyang maalala maliban sa nagpunta sila sa mansiyon ng kaniyang kuya at nag-inuman, pagkatapos no'n hindi na niya alam. Naligo siya para mawala ang sakit ng ulo saka tila birong naalala niya ang halikan nila ni Theon. "Omo?!" Napatakip siya sa bibig at biglang namula. "Totoo ba? Wait..." pinilit niyang inalala at unang rumehistro sa utak niya ay siya ang nag-insist na halikan siya at unang humalik. "My God, Amara!" natitilihan sigaw niya at hiyang hiya sa kagagahan ginawa. Anong mukhang ihaharap niya sa lalaki? s**t, s**t! Nakakahiya! Nawalan na siyang gana na lumabas ng bahay at pumasok. Nagpasya siyang aabsent na lang tutal late na rin naman siya. Sinabunutan niya ang sarili sa kagagahang ginawa. Bakit niya ginawa iyon?! Hindi sila mag-jowa ng lalaki at ano na lang ang iisipin nito kapag nagkita sila? Wala na siyang mukhang ihaharap pa. Most embarrassing ever! Parang dama pa niya ang labi nito... Pero infairness, kinikilig siya deep down pero hindi pa rin pwede! Isa siyang dalagang pilipina, yeah! "Hindi ka ba papasok? Late ka na." Mommy niya ang bumungad sa kaniya sa kwarto. Namula siya. Paano ba niya sasabihin dito na lumandi siya kagabi? "My, ano oras ako hinatid ni Theon kagabi?" "Theon?" "Upo," "Si kuya Azael mo ang kasama mo kagabing umuwi. Hinatid ka na niya sa silid mo dahil napasubo ka raw sa inuman niyo at lasing. Pinagalitan ko nga at bakit sinama ka but he promise me its the first and last." nakangiting saad nito saka tumalikod. "Bumaba ka na at mag-almusal." Kung kanina ay natitilihan siya, ngayon ay nagimbal siya sa balitang si Azael ang naghatid sa kaniya. Hindi kaya... Nanlaki ang kaniyang mata at napatakip ng bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD