PROLOGUE

731 Words
Nasa bisig ko ang babaeng minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko sa pang habang buhay. Nasa bisig ko siya at saksi ako sa pagkalagas ng buhay niya bawat segundong lumilipas. Sa bawat pagpatak ng segundo ay ang sarili ko naman ang unti-unting namamatay. Wala akong masabi kun’di tanging pangalan niya lang. Tanging pangalan niya lang. Nabigla ako sa lahat ng pangyayari dahil aminin ko man o hindi ay binibigyan ko lang siya ng sugat na alam kong kaya niyang tiisin. Ayoko siya mamatay. Gusto ko lang siyang mawalan ng malay at matalo sila. Galit ako sa kaniya, oo, ang pakiramdam na pinagtaksilan at pinagkaisahan ay hindi sapat para mabura ang pagmamahal ko sa kaniya. Pero gumawa ng atake si Nana na hindi ko inaasahan. Tumalon siya sa taas at inatake ko naman siya. Tantiyado ko ang atake pero bigla siyang umikot at hinawakan niya ang dulo ng espadang hawak ko. Huli na nang mahulaan ko kung ano ang gagawin niya, itinusok na niya 'to sa dibdib niya.  Tigagal ako sa mga pangyayari pero nagawa niya pang yakapin ako na naging dahilan para mas tumaop sa katawan niya ang espada. Nawalan ako ng lakas kaya hindi ko siya mayakap. Ayokong tanggapin ang susunod na mangyayari. Mabilis na pumatak ang mga luha ko na animo'y isang dam na ngayon lang nabuksan. Dinig ko rin ang paghikbi ng aking mahal. Madaming sana. Sana narinig mo ang huli kong sinabi. Sana hindi na lang tayo pinagtagpo kung ganito na lang din naman ang magiging kinahihinatnan ng lahat. Sana hindi ko hinayaang magkatagpo ang mga mata natin. At sana, hindi na lang kita minahal. Pero huli na. Hulog na hulog na ako sa babaeng 'to. Minahal ko siya sa unang pagkikita namin kahit sa kaalamang kalaban siya. Minahal ko siya ng palihim. Minahal ko pa rin siya kahit ibang 'ako' ang mahal niya. Minahal ko siya kahit pilit kong tinitikis ang kasalanan niya sa inakala kong patay ko ng kakambal.  Minahal ko siya dahil siya ay si Luciana Shiranui, isang babaeng tanging humaplos sa malamig kong puso. Ang tanging babaeng nagpatibok nito.  Tahimik akong lumuluha, nahihirapan akong yumakap pabalik sapagkat nagtatalo ang isip at puso ko. Ayokong tanggapin na mawawala siya sa'kin. Na hindi ko na maririnig ang boses niya. Na hindi ko na malalasap ang init ng kanyang pagmamahal. Si Luciana Shiranui. Maihahambing siya sa isang puting rosas. Isang babaeng kinakatakutan ng marami. Lalayuan mo dahil maraming tinik pero kung titingnan mo ng mabuti ay kasingganda at kasingtangi siya ng puting talutot ng bulaklak nito. Isa rin siyang babae na pinatibay ng panahon at kalungkutan. Masakit man aminin pero nakalimutan ko ito. Nang nagsalita siya, hiniling ko sa unang pagkakataon sa kung Sino man ang nasa taas na 'wag kunin ang mahal ko. Na gagawin kong tama ang lahat. Pero hindi Niya binigay ang hiling ko, bumagsak si Nana at maagap ko siyang sinalo. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan niya nang haplusin niya ang aking pisngi. Unti-unti siyang nawawala sa harap ko mismo at wala man lang akong nagawa. Muling nagtagpo ang mga mata namin na pawang luhaan. Hindi man kami nagsasalita ay ang mga puso na namin ang nag-uusap. At sa nanginginig kong kamay ay hinaplos ko ang duguan niyang pisngi. Tinuro niya ang sugatan niyang dibdib at pagkatapos ay dinala niya ang kaniyang kamay sa dibdib ko. Hindi man niya sabihin ay naintindihan ng puso ko ito. Mahal niya ako.  Hindi na niya narinig ang sinabi ko. Wala na siya. Hindi man lang siya nakapaghintay.   Sumigaw ako sa gitna ng kaguluhan. Isang sigaw na namumukod tangi. Isang sigaw ng pagkatalo at pighati. Niyakap ko ang katawan niya habang ang mga kamay niya ay nakalaylay. Ayoko siyang bitawan. Gigising pa siya, 'yan ang nasa isip ko pero isang tapik ang nakapagpabalik sa'kin sa realidad.  Nang lumingon ako ay ang kakambal ko ang aking nakita. Ni hindi ko na naisip na kalaban ang turing ko sa aking kakambal dahil okupado ng aking isip at puso ang pagkawala ng babaeng mahal ko. May sinabi siya pero hindi ko 'to maintindihan. Wala akong narinig maliban sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alintana ang pagsabog ng paligid.   Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga. Ang pangyayaring 'yon na naman ang napanaginipan ko. Kahit malamig ang paligid dahil sa aircon ay pinagpapawisan pa rin ako. Bumangon ako at kumuha ng malamig na tubig kaya 'di sinasadyang nakita ko ang kalendaryo,   Dalawang taon na rin pala ang nagdaan mula ng araw na 'yon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD