CHAPTER 1

1178 Words
2 years later     ASTRILL   Nagising ako dahil sa isang mahinang tapik sa aking balikat. Huminto na pala ang tren na sinasakyan ko at tinapik ako ng isang ale. Agad kong inayos ang bag pack na dala ko at mabilis na umimbis ng tren. Isa akong dayuhan sa lugar na ito. Iginala ko ang aking paningin at mabilis na pumara ng taxi na paparating. "Terminal 138, manong." Agad na napatingin sa'kin sa salamin ang taxi driver. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa akin kung sinabi ko lang naman ang terminal na maghahatid sa akin sa Underworld Realm city.   Inilagay ko ang headset at tumingin sa labas ng bintana. Isa akong exchange student galing Stratford University at ngayon ay lilipat ako sa D University na sa pagkakaalam ko ay dating tinatawag na Dark High dalawang taon na ang nakakalipas. Buong isang taon ng pasukan ako mamamalagi sa Underworld Realm City. Huminto na ang taxi kaya nagbayad na ako ng buong isang libong pesos. Talagang mahal ang bayad papuntang 138 Terminal dahil sa iilan lamang ang mga taxi driver na nangahas na maghatid ng pasahero dito. O mas tamang sabihin na iilan lang ang may alam sa lugar na ito. May posibilidad kasing maaari silang matambangan ng mga may masasamang loob. Nang malapit na ako sa bus ay hinarang ako ng isang mala bouncer sa laki na lalaki. Tulad ng nasa instruction ay pinakita ko ang braso kong may tattoo ng isang dragon na kulay itim. Mabilis na umalils sa pagkakaharang ang lalaki. Ang tattoo ay simbolo na nagmula ako sa angkan ng mga Terrian na nasa ilalim ng pamunuan ng Mercenaries Society. Pumwesto ako sa pinakadulong bahagi ng bus malapit sa bintana at agad na tumanaw sa labas. Labis akong namangha nang pumasok na ang bus sa tunnel. Nang pumasok na kami sa gate ay dumoble ang pagkamangha ko dahil tuluyan nang nalantad sa paningin ko ang buong syudad ng mga mamamatay tao. Kumpleto sa mga pasilidad at base sa obserbasyon ko ay mas makabago pa nga ang Underworld Realm City kesa sa Metro Manila. Sa bawat daang nadadaanan ko ay wala akong nakitang pulubi. Organisado ang paligid at ang mga taong hindi tanggap ng lokal na pamunuan ng gobyerno ay malayang naninirahan dito. Huminto na ang bus sa tapat ng malahiganteng gate at wala pa akong natatanaw na school building.  "Wow," mahina kong sambit nang sa pagtingala ko ay direkta kong nakikita ang superficial sun. Ramdam ng balat ko ang init na nagmumula dito tulad ng init ng totoong araw. Mas maliit na bersyon nga lang 'to. Ito ang nagsusupply ng solar energy sa mga tanim dito. Isinasayaw din ng hangin ang buhok ko. Base sa nabasa ko kaya nagkaroon ng hangin sa ilalim ng tunnel ay dahil sa air pipes nila at mga windmills na nakapalibot sa buong Underworld Realm City. Nakakabilib talaga ang Dark Family. "Hoy miss! Pumasok ka na!" Sigaw ng guard. Hindi ako nagpasindak at kalmadong naglakad lang papasok sa unibersidad. At tulad ng palagi kong ginagawa ay inalisan ko ng emosyon ang ang buo kong pagkatao. Sa mundong ganito, ang sinumang magpakita ng emosyon ay talo.   ZEN   Tumunog na ang pangalawang bell na ang tunog ay tulad ng sa isang grandfather's clock. Hindi ako natinag mula sa kinauupuan kong sanga ng kahoy habang kumakain ng berdeng mansanas. Akmang kakagat ulit ako nang may isang kunai na tumusok sa mansanas kaya nawala ito sa aking pagkakahawak. "Skipping classes again, aren't we Miss Zen Nakahara?" Tinapunan ko lang ng isang nauumay na tingin ang matandang hukluban na siyang may kagagawan kung bakit wala na akong kinakain ngayon.  "It's not skipping Lady Sandy it's what you called resting." Sagot ko ng may bahid ng sarkasmo at ngumiti ng matamis pagkatapos. Namula naman sa galit ang mukha ng Statistics professor namin na si Lady Sandy. Ang pinakaterror na guro sa buong D University. Bago pa niya ako tapunan ng mga kunai ay tumalon na ako mula sa punong kinauupuan ko at mabilis na humarurot ng takbo papuntang gate bago pa ito tuluyang magsara. Natatawang liningon ko ang kinaroroonan ni Lady Sandy kaya hindi ko napansin ang isang babaeng kasalubong ko. Ang resulta? Edi nabunggo ko siya at sabay kaming napamura. Sabay na bulalas namin. Mabilis akong nakatayo kaya tinulungan ko siya sa pagtayo. "Sorry miss." Dali-dali akong tumakbo at baka maabutan ako ng pagsasara ng gate. Isang metro na lang ang kulang at magsasara na ang gate kaya ang ginawa ko ay nagpadaosdos ako sa lupa para makaabot ako. Saktong pagsara ng gate ay nakalusot na ang ulo ko.    “Muntik na ako do'n ah!" Nakalingon kong saad habang nakangisi at nakatanaw sa saradong gate ng D University. Saka ko pa lang naalala ang nabunggo kong babae. Hmm bagong mukha so bagong student. Bibihara lang magkaroon ng mga transferee sa D University. Napangisi na lang ako sa aking naisip.   ASTRILL Naiinis na pinagpagan ko ang sarili habang nakatanaw sa papalayong imahe ng babaeng bumunggo sa'kin. What will I expect? Walang Values na  subject ang university ng mga mamamatay tao. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Mukha kasing mahaba-habang lakaran pa 'to bago ko makita ang school building. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Madaming pine trees kaya mahamog ang nakapalibot sa university. Mga nagtataasang mga puno sa paligid. May natanaw akong matandang babae na papasalubong sa gawi ko. Mukhang  strikto siya dahil sa tabas ng kanyang mukha at korte ng salamin. "Ikaw ba ang exchange student na si Astrill Terrian?"  "Oo," maikling sagot ko. "Follow me." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman siya habang patuloy akong nagmamasid sa paligid. Sumakay kami sa isang school service at nang huminto ito matapos ang dalawampung minuto na byahe ay saka bumungad sa'kin ang isang Spanish inspired building. May natatanaw na akong mga estudyante nang pumasok na kami sa dambuhalang arko na siya palang pinto. Dumaan kami sa mga maraming hagdan hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na 'Headmaster Office'. Kumatok ang gurong kasama ko na napag-alaman kong Lady Sandy ang pangalan.  "Bukas 'yan," isang baritonong boses ang sumagot na nakapagpatuwid ng tayo ko. Pumasok na kami sa opisina at nakita ko ang lalaking nakaupo na may hawak na kopita. Yumukod si Lady Sandy kaya gumaya na lang din ako. May kakaiba sa lalaking 'to. Pinaupo niya kami na agad naming ginawa lalo na at nangangalay na ang binti ko kakalakad.  "Welcome to D University Miss Terrian. Si Prof Sandy na ang bahala sa'yo." Dismissal ang tono niya kaya tumayo na kami para magpaalam ng bigla siyang nagsalita.   "Pumasok ba si Miss Nakahara?" Magaan ang boses niya kung ikokompara sa malamig na aura niya kanina kaya naging interesado ako sa pakikinig.  "Tumakas na naman siya Headmaster." Magalang na sagot ni Lady Sandy habang nakayuko. Tumakas? Biglang pumasok sa isap ko ang babaeng nakabunggo ko kanina. Possible kayang siya 'yon?   "Bigyan mo siya ng type A na parusa." Seryoso naman ang boses niya ngayon.  "Opo headmaster," binuksan na ni Lady Sandy ang pinto pero bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko muna ang pangalan ng headmaster na nakasulat sa ibabaw ng mesa niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko pagkabasa ko ng pagalan niya at hindi ko alam kung bakit.   'Headmaster Ciel Loong'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD