ASTRILL Humahangos akong tumatakbo pasunod kay headmaster na nasa unahan ko at nang nasa panghuling ikot na lang kami bigla na lang siya naglaho sa harap ko. Kinurap kurap ko ang aking mga mata baka kasi namamalikmata lang ako pero talagang nawala bigla si headmaster. Kahit nagdadalawang isip ay nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ulit ako sa classroom na 'yon. "Zen!" Sigaw ko na agad naputol nang makita kong nakayakap si headmaster kay Zen. Nandito na pala ang headmaster? Kaya pala nawala siya bigla sa harap ko kanina. Kaya niya palang makaabot dito sa room agad, sumabay lang siya ng pagtakbo para makasabay ako. What a shame. Sa pagtawag ko sa pangalan ni Zen ay napalingon sila sa akin. Lumapit naman ako sa kanila. "Okay ka lang?" Habol hiningang tanong ko kay Zen.