ASTRILL Kahit sa nanginginig na binti ay pinilit ko ang aking sarili na humakbang papunta sa kinaroroonan ng bangkay at ni Zen. Nang makalapit na ako ay iniwasan kong mapatingin sa gawi ng bangkay at napansin ko ang panginginig ng kamay ni Zen habang ineenspeksyon ang paligid nito. Tinawag niyang 'First' kanina ang lalaki, ang ibig sabihin no'n ay myembro ng Spiders ang bangkay na natagpuan? Wala sa sariling napabaling ako ng tingin sa bangkay. Nahihintakutan akong napatakip sa bibig ko at umaatras palayo kay Zen at sa bangkay. "Astrill!" Biglang sambit ni Zen kaya napatalon ako sa gulat na naging dahilan na matapilok ako paupo. "H-ha?" Nagkandautal-utal ako sa pagsagot kay Zen. "Find a help from anybody!" Sigaw niya sa'kin, naging alerto naman ako nang maramdaman ko ang mga kakaiba