Chapter 11

2123 Words
"How's your life going?" I was at the prison again, visiting Marcus, hoping he would answer my questions this time. Ayoko na sana itong bisitahin nang paulit-ulit dahil ayokong makita ang pagmumukha ng pumatay sa mommy ko, but I couldn't do anything since I was searching for answers. "Sinabi ko nang wala kang mapapala sa'kin at kahit lumuhod ka pa sa kakatanong, wala akong sasabihi," sambit nito sa 'kin. Napalunok ako. "Bakit ba ayaw mong sumagot? Nakulong ka na rin lang, bakit ayaw mo pang umamin?" "'Yon na nga. Hindi pa ba sapat na nakulong na ako para matahimik ka na? I've surrendered already, hindi ka pa rin ba masaya?" "Of course I'm not happy." My tears started to fall through my cheeks. "Kahit pa mamatay ka sa loob ng kulungan, hindi pa rin ako masaya. Bakit? Kasi kahit na anong mangyari, hindi na babalik si Mommy." He didn't speak. "Hindi ka naman Diyos, pero bakit mo binawi ang buhay niya? Bakit kailangan mong gawin sa kaniya 'yon? Hindi ka na ba naawa?" Again, he didn't speak. "Simpleng sagot lang naman ang hinihingi ko, bakit hindi mo nasagot? Gusto ko lang malaman kung bakit mo pinatay si Mommy." He looked at me sharply. "Because she deserved it! Nothing more and nothing less." He stood up and planned to leave. "BAKIT BA ANG HILIG MONG UMALIS KAHIT HINDI PA TAPOS ANG USAPAN?" tanong ko. All the people inside were looking at me. Some of them even started gossiping. Hindi na rin bago sa akin dahil sa halos lahat ng pupuntahan ko ay pinag-uusapan ako ng mga tao. Wala na nga silang magandang idinulot sa buhay ko, nagawa pa nila akong pagbulungan. Siguro naaawa sila sa'kin, pero halata naman sa iba nag alit ang ibinubuntong sa akin dahil daw sa kapabayaan ko sa aking ina. Who were them to judge? Bago pa man ako masiraan ng bait ay pinakalma na ako ng isa sa mga pulis, ngunit hindi ako nagpapigil. Sinubukan kong sundan si Marcus, pero hinarangan ako ng mga pulis. Alam kong sa kahit anong oras ay puwede akong masiraan ng bait, kaya sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "I'm leaving," pagdaka'y naiinis kong sabi, saka nagtungo sa labas kung saan naghihintay si Psalm sa 'kin. "Kumusta?" agad na tanong niya nang makita ako. I let out a sigh. "Wala pa rin." He asked me to get in the car first because it was hot outside. "Wala pa rin?" he asked then. "Tinanong niya ako kung hindi pa raw ba sapat na nakakulong na siya. He told me that he won't say anything." "Don't worry, I'll ask for the help of the police regarding this." "How?" "You'll see." He started driving. Since it was Sunday and we had no classes, he asked me for a treat in our favorite coffee shop. Isa pa, gusto niya raw na ipahinga ko muna ang utak ko at sarili ko. Hindi na rin ako tumanggi kasi sino ba naman ang tatanggi sa libre? "Ang hilig mo talaga sa black coffee, 'no?" sambit ni Psalm habang humihigop ng kape. "Gusto ko kasi talaga 'yong matapang, 'yong kaya kang ipaglaban." He chuckled. "Got some jokes there, huh?" "Hindi joke 'yon, totoo 'yon," irap ko. "Ikaw ba gugustuhin mo 'yong puro tamis lang? Walang tapang, gano'n? Mahina, hindi ideal." "Syempre gusto ko 'yong matapang pero hindi gaano. Dapat 'yong may konting tamis din para balance. Ang pangit naman kasi 'di ba na sobra ka sa isang bagay pero sa isa walang-wala ka. Tandaan mo, lahat ng sobra nakakasama at lahat ng kulang ay nakakasama rin." "Sabagay may point ka, pero kahit na anong sabihin mo, black coffee pa rin ang favorite ko." "Sana sa susunod makahanap ka na rin ng favorite person mo, 'yong matapang din at kaya kang ipaglaban," alik-ik niya. "Soon siguro, pero hindi muna ngayon. Busy pa sa case ni Mommy, eh. Pero sinasabi ko sa 'yo, as soon as nag-close na ang kaso, hahanap na ako ng daddy ko." "Sinong niloko mo, Ms. Sarbien?" Hinampas ko siya sa braso. "Sabayan mo naman trip ko!" "Ang pangit naman kasi ng trip mo," aniya. "Si Margot maghahanap ng lalaki? Baka ikamatay niya pa 'yon." "Hoy hindi ah, parang 'di mo naman ako kilala. May hinahabol din naman akong lalaki." "Kye na naman? Eh hindi ka nga pinapansin n'on." "Mas okay na 'yon kaysa 'yong pinapansin ako. Nakakawalang-gana kasi kapag crush ka rin ng crush mo, like walang thrill. If na-ge-gets mo ako." "Alam mo hindi ko kayo maintindihan na mga babae. Sobra kayo kung magkagusto, pero kapag ginusto naman kayo pabalik eh ayaw n'yo na. Lakas ng trip n'yo, no?" "Feeling ko hindi naman sa lahat. Meron kasi 'yong mga tao na kapag mas nakikilala naming, na-tu-turn off kami. Nakilala naming silang gan'to pero hindi naming alam may gan'to pala siyang side. Naiintindihan mo ba ako?" "Medyo..." "Hays, palibhasa kasi ikaw, binibigyan mo ng motibo lahat ng nagkakagusto sa 'yo. Hanggang kailan mo ba paglalaruan ang mga babae, Mr. Iverson?" "Grabe naman sa pinaglalaruan, pero siguro kapag nahanap ko na talaga 'yong para sa 'kin ay saka ko magseseryoso." "Baka pumuti na lahat ng buhok ko n'on." "Ewan ko sa 'yo, Ms. Sarbien," singhal niya. Pagkatapos ng ilang minute ay umalis na rin kami ni Psalm sa shop. Pero bago kami umuwi ay naglibot-libot muna kami sa mga mall. Bumili kami ng mga damit at sapatos. Naglaro din kami sa Quantum at kung anu-ano pang mga kalokohan ang ginawa naming. I was so happy; kahit ilang oras lang ay nakalimutan ko rin ang problema ko. After the trip with my best friend, I was alone again at the house. Habang tumatagal ay unti-unti na rin akong nasasanay. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa bahay; it was peaceful. I was glad because Mom might be at peace now. It was close to midnight and I was still rushing my homework. I was scolding myself sometimes for cramming. Hindi rin talaga maganda, pero patuloy ko pa ring ginagawa. While working on it, I was playing the acoustic version of Country Roads, which was Mom's favorite song. She was always singing this whenever she'd go. As the chorus came, the wind arose. There was a cold touching of wind at my skin. Kahit nasa loob ako ng bahay at nakasara lahat ng pinto at bintana ay ramdam ko ang paghawi ng hangin sa aking hanggang balikat na buhok. Saglit akong napahinto sa pagsusulat at napatingin sa kurtinang hinahampas ng hangin. There was no rain, but the wind was strong. May bagyo kaya? Ilang araw na rin kasi akong outdated sa mga pangyayari sa bansa. I stood up and went to the window to have a glimpse outside. Looking there helped me find rest for some time, not until a shadow caught my attention. Tiningnan kong maigi ang anino na iyon na nasa bandang gilid ng kalye. Street lights were still open, that was why. But, whose shadow was that? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang gumalaw nang bahagya ang anino. There was a tree beside the shadow so I couldn't see the owner. But I assumed it was possessed by a man. I planned to call Psalm because I was a bit scared, but I realized my phone was broken. Minsan ko pang tiningnan ang aninong iyon, ngunit paglipas ng ilang segundo ay nawala rin ito. Dahil doon ay napakalma naman ako kahit papaano. I made sure all the doors and windows were locked before I finished up my homework and go to bed. When I arrived at the room, napansin ko agad ang nakabukas na bintana. I was sure I locked it before I went down to finish my requirements, but how was it opened? Nagtungo ako sa bintana at isinara iyon. My heart was beating rapidly, thinking that someone might have entered my room when I was not there. I checked on my things baka kasi nanakawan na ako, pero nalibot ko na ang buong kuwarto ko ay wala naman akong napansing nawawala. "Sinara ko ba talaga 'tong bintana?" I though to myself; baka kasi sa sobrang stressed ko ay madali na akong makalimot sa mga bagay-bagay. I went to my bed after locking the window, but then again something made me pucker my eyebrows. There was a white envelope on my bed, so I picked it up; I opened it and read the letter inside: "Please, be safe." Because of curiosity, I wasn't able to sleep. Nakatulog lamang ako nang mag-uumaga na, kaya late na naman ako sa first class ko. "Good morning, Sir!" bungad ko sa professor kong nasa harapan at nag-di-discuss. "Sorry, I'm late." He looked at me, pissed off. "Who told you to interrupt me during my class, Ms. Sarbien?" he asked. "S-sorry po, Sir..." "Go now to your chair," he said. When I finally took my seat, he spoke again. "How many times would I tell you, class, na kapag alam n'yong nag-di-discuss ako, ayoko nang naiistorbo. If you're late in my class, just stay outside and wait for your second subject. Are we clear?" "Yes, Sir," sabay-sabay na sabi ng buong klase. "Please lang, ayoko nang maulit 'to." He let out a sigh. "Saan na nga ba ulit tayo?" The class told him where he stopped, and the discussion continued. Psalm asked me why I was late again, but I refused to answer. When lunch time came, doon ko lang sinabi sa kaniya lahat, mula sa aninong nakita ko hanggang sa letter na nasa ibabaw ng kama ko. "Sa'yo ba nanggaling 'tong letter?" I asked him. "Of course no," he said. "Ba't naman ako magsasayang ng oras na sulatan ka?" "Okay fine, edi hindi na ikaw. Ang simple ng tanong, ang dami-dami mo pang sinasabi." "Hala ang sungit," tawa niya. "Sorry na, nagbibiro lang." "Ayan ka na naman kasi sa mga biro mong hindi naman nakakatuwa," I glared. "Sorry na nga," sambit niya. "So 'yan ang dahilan kung bakit late ka na naman ngayon?" I nodded. "I've encountered lots of strange things last night. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa aninong nakita ko." "Baka naman taga sa inyo lang naglalakad-lakad, gano'n." "I guess no. Sa tinagal-tagal ko na sa amin, ngayon lang ako naka-encounter ng gumagala pa sa daan nang alas dose na ng madaling araw." "Aba anong malay natin, 'di ba? Besides, it's possible." I moved closer to him. "Hindi ba kaya multo 'yon?" He chuckled. "Naniniwala ka talaga sa multo? Alam mo kumain ka na lang, kung anu-ano nang naiisip mo. Baka mamaya baliw ka na." "Eh hindi kasi 'di ba ano..." "Ano?" I moved my chair away from him. "Wala. Hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko." "Eh kasi multo naman 'yong sinasabi mo. I don't even know if it really exists. 'Yong nakita mong shadow kagabi, baka sa tao lang din 'yon. Huwag kang masyadong nag-o-overthink." "Paano naman 'yong nakabukas kong bintana? Sigurado akong isinara ko 'yon. Well in fact, minsan ko lang i-open 'yon kapag gusto kong titigan ang mga bituin sa itaas." "Baka nakalimutan mo lang isara 'yon. Baka akala mo lang talaga ay isinara mo kahit hindi naman." "And how about the letter? Sabi mo hindi galing sa'yo 'to." I showed him the letter. "Kung hindi sa'yo, kanino?" "'Yan ang hindi ko alam," tugon niya. "May kakilala ka bang ganyan ang penmanship?" I frowned. "Wala." "Do you want me to report it to the police?" he asked. "No," mabilis kong sabi. "It would be better if we'll just keep it to ourselves. Isa pa, hindi ka-report-report sa police 'to. Look at the message: Please, be safe. I don't think they will find any problem with this. Well, in fact, the message is giving me a warning na dapat akong mag-ingat. It's actually helpful." "Yeah, but do you think it's still good kung 'yang nagbigay niyan ay basta na lamang pumasok sa kuwarto mo nang hindi mo nalalaman? Parang akyat-bahay 'yon." "That's the bad part. But, wait..." "What?" "C'mon and think of this, hindi ba kaya 'yong tao sa likod ng shadow na nakita ko ay siyang pumasok sa bintana at naglagay ng letter sa kama ko?" He paused for a moment. "What a bright idea," he said. "I didn't think of that." "'Di ba?" "Yeah, right. But the question is: sino 'yong taong 'yon at ano siya sa'yo?" I let out a sigh. "I don't know. I don't even know if he's a danger or a blessing to me. Pero sana kung sino man siya, humarap siya sa'kin balang-araw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD