Chapter 30

2324 Words
Sandali akong hindi gumalaw dahil titig na titig ako sa mga dugong nasa upuan. Sigurado ako sa nakikita ko dahil malansa ang amoy sa loob. Nanginginig nang husto ang buong katawan ko at hindi ko na magawang magsalita. Ayokong mag-isip nang kung ano, ngunit hindi ko maiwasang mag-alala sa kaibigan ko dahil baka kung ano nang nangyaring masama sa kaniya. Mayamaya'y sinimulan ko nang pasukin ang kotse, nagbabakasaling nasa likuran lamang si Psalm, ngunit tiningnan ko na ang bawat sulok ay wala talaga siya. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Sa sobrang kaba ay naisipan ko nang tawagan si Tita Danara. Ni hindi ko na rin magawang mag-type nang maayos dahil hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabuti na lamang at nag-ring ito at sinagot agad ni Tita ang tawag. "Hello, Tita," nagingiyak na sambit ko. "Hija, kasama mo na ba si Psalm?" nagmamadaling tanong nito. "Tita, 'yon na nga po, wala pa rin po siya, pero nandito po 'yong kotse niya," sagot ko. "May mga dugo po dito sa loob. Tita, kinakabahan po ako." "Dugo? Anong dugo?" "Dugo po, dugo ng tao siguro. Tita, hindi ko alam gagawin ko dito. Wala po ba talaga diyan si Psalm?" "Diyos ko, my goodness, Psalm is not here! Wala siyang text or call sa akin. Nasaan na ba 'yong batang 'yon!" "Tita, I'll try calling him again." "Hija, a-ano ba 'yang dugong sinasabi mo diyan?" I was still about to speak when I heard her shouted. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kabilang linya, basta pagtingin ko sa phone ko ay napatay na pala ang tawag. What the hell did happen? Mabilis akong lumabas sa kotse ng kaibigan ko at isinara iyon. Lumipat ako sa sasakyan ko, saka nagtungo kay Tita. Hindi ko na alam kung sino bang unang aasikasuhin ko sa kanilang dalawa ni Psalm dahil mukhang nasa panganib silang pareho. Maging sa pagmamaneho ay hindi ako mapakali. Kahit anong oras ay puwede rin akong mapahamak sa mga kamay kong ito na sobra pa rin sa panginginig. Sobra pa akong nairita dahil sobrang bagal ng daloy ng trapiko. Sa oras na hindi gumalaw ang kotse ko ay naisipan kong tawagan muna si Tita, ngunit hindi ito sumasagot. Kung mayroon lang akong pagsisisiksikan, ginawa ko na. Ilang minuto pa ay medyo lumuwag na rin ang daan hanggang sa makarating na rin ako sa wakas sa bahay ni Tita. Katahimikan ang sumalubong sa akin doon. Walang tao sa ibaba, kaya nagtungo ako sa itaas. Pagbukas ko ng kuwarto ni Psalm ay laking ginhawa ko nang makita ko ang dalawa. "Tita, Psalm," agad na tawag ko, saka tumakbo papunta sa kanila. After hugging Tita tight, I turned my gaze at Psalm. Nakahiga siya at mahimbing na natutulog. Naalarma naman ako sa mga sugat nito sa katawan. "Ano pong nangyari?" tanong ko. "Hija, I'm sorry for not telling you this right away. Kanina noong kausap kita, biglang dumating si Psalm na punong-puno ng dugo," iyak nito. "I was so worried, so I ran immediately to him, kaya pati phone ko ay nabitawan ko." I covered my mouth with my hands as I took a seat beside Psalm. I couldn't believe seeing him with this. Saan niya nakuha ang mga sugat na ito? "Tita, did he tell you what happened?" "Unfortunately, no," she answered. "Pagkalapit ko pa lang sa kaniya ay bumagsak na siya. Mabuti na lang at nasalo ko agad siya." Awang-awa pa rin akong tinitigan ang kaibigan ko. Posible kayang sa kaniya rin nanggaling ang mga dugong nasa kotse niya? Kung tumakbo siya pauwi, posible rin bang sinugod siya sa sasakyan ng gumawa nito sa kaniya? I was still in the middle of confusion when Tita Danara spoke again. "Hintayin na lang natin ang paggising niya," dagdag nito, "and when he's finally okay, we can ask him about this." Pilit akong tumango. "Eh, 'yong mga s-sugat niya po, nagamot na po ba?" She nodded. "Pero kailangan pa rin nating gamutin para mas maaga ang panggaling nila," sambit niya. "We'll talk about this later, okay? Kukuhanan lang kita ng pagkain mo. I know you're tired." I thanked her before she left. Nang dalawa na lamang kaming natira ni Psalm sa loob ay inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan niya. Hindi lang marami ang mga sugat na natamo niya kundi malalalim din ang mga iyon. I looked closely at his wounds, trying to define how did he get them. Mukhang kinalmot ang parteng kamay niya dahil pahaba ang mga sugat niya rito. Ganoon din ang mga nasa paa niya. Mayroon din namang mga maliliit na bilog sa bandang hita niya maging sa leeg niya. What did he do to deserve all of these? Ilang minuto pa ay nakabalik na rin si Tita dala-dala ang isang tray ng pagkain at inumin. She offered me the food, at dahil gutom na ako ay hindi ko na rin iyon tinanggihan. "I wonder where did he get these wounds and scratches," Tita said as he sat down beside me. Habang ngumunguya ng pagkain ay iniisip ko pa rin kung saan nga ba niya talaga nakuha ang mga ito. As far as I know, walang kaaway ang kaibigan ko at wala siyang nakukuwento sa akin na mayroong may hinanakit sa kaniya. For all my life, ngayon ko lang siya nakitang ganito, kaya hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Dahil alam kong wala siyang kaalitan, napaisip na rin ako kung pinagtangkaan siyang nakawan o hold-up-in sa daan. "Don't you have any idea, Tita?" I asked. She shook her head. "Wala. As in wala talaga. Wala naman siyang kaaway. Mabait na bata 'yang si Psalm at ni minsan sa buhay ko, wala akong narinig o nabalitaan na nakipag-away siya. Napaka-imposible niyan." Bumuntong-hininga ako. "If only I knew this would happen, sana sinamahan ko na lang po siya sa pupuntahan niya or sana tinanong ko man lang siya kung anong gagawin niya para kahit papaano ay nagawa ko po siyang pigilan, pero wala. Wala man lang po akong ginawa, hinayaan ko lang siyang umalis." Tita held my hands. "No, this is not your fault, you don't have to be guilty. Ang gumawa nito sa kaniya ang dapat sisihin, hindi ikaw. Well, in fact, you're doing everything. So, there's no way of blaming yourself," she said. "Please, stop it, Margot." Bahagya akong yumuko. "Sorry, Tita." I put down then the drink I was holding. "Siguro nangyari po ito sa sinabi niya sa aking pupuntahan niya. Kasi kung sa campus ito nangyari, dapat may mga nakakita na po sa kaniya, eh. Dapat napigilan na po ito, pero hindi. Ang ipinagtataka ko lang po ay 'yong mga dugong nakita ko sa kotse niya." Tita looked at me with her face worried. "Have you really seen blood there?" I nodded. "And perhaps that blood came from him, pero sabi ko nga po kung sa school ito nangyari, sana may nakakita na at nakapag-report, pero wala po." "Then, how about the blood?" "I don't know, Tita. Ang gulo po. Maybe we just have to wait for him to wake up. Sa kaniya lang po natin makukuha ang sagot." Tita looked down. "All I thought, the killing is now over, pero parang hindi pa yata." "W-what do you mean, Tita?" Ibinaling nitong muli ang tingin sa akin. "Don't you think the killer inside your campus came back and trying to find his prey again?" Natigilan ako. She actually had the point. The killer have might come back again, but why did he attack my friend? Was he trying to change his victims? Sana hindi. Sana mali ang hinuha namin. "I don't believe the killer came back, Tita," I opposed. She asked me why, but I didn't answer a certain thing; all I guessed was there was something different in this. Lumipas ang mga oras hanggang sa tuluyan nang magdilim ay hindi pa rin gumigising ang kaibigan ko. Halata na sa mga mata ni Tita ang pagod, kaya sinabihan ko na itong pumunta sa kuwarto nito at magpahinga. "Paano ka, Hija?" nag-aalalang tanong nito. "I can manage, Tita," I smiled. "Ako na po ang bahala kay Psalm. Kaya sige na po, magpahinga na po kayo." Labag man sa kalooban nito ay pumayag pa rin ito sa huli. Nang maiwan na ako sa kuwarto ay unti-unti na rin akong dinalaw ng antok. I shouldn't be supposed to be sleeping, but I couldn't control myself, kaya sa huli ay nakatulog din ako. I could see no color. Everything was black. Para akong isang bulag na walang kaalam-alam sa mga nangyayari, ngunit hindi isang bingi upang hindi marinig ang mga kaluskus sa likod ng katahimikan. I could sense there was something wrong going on, but I didn't know it. Not until... The lights were switched on. I wandered my eyes in every corner of the place I was sitting in. I was in a small room, tied in an opened coffin. I was trying to resist, but I just couldn't because I was tightly bound by thick ropes. Hindi ako nagkamali, mayroon talagang mali. Kaya pala iba ang pakiramdam ko, kaya pala parang may masakit, dahil pala sa mga lubid na ito. There was a long table at the center of the room, on top of it was a glass of red wine, I guessed so. The place was also filled with spider webs. "Where am I?" I whispered in the mid-air, then I sneezed. The smell of the room was so unpleasant. It seemed like it was already decades since the last time it was cleaned. Sobrang kati na ng ilong ko, pero hindi ko 'yon makamot. Argh! I really didn't know kung nasaan ako at kung paano ako napadpad dito. I was shouting for help, but no one was answering. Maybe I was just the only person in here. "Stop shouting, no one's gonna help you," a voice said out of nowhere. Lumingon ako sa may pintuan, and there I saw a guy wearing an all-black-attire. When I saw his face, my eyes automatically billowed. What was he doing in here? "Hi," he smiled at me. Nagkunot-noo ako. "A-anong ginagawa mo dito at bakit ako nakatali?" agad na tanong ko. Imbes na sagutin ako ay tumawa lang ito nang malakas. He was like a devil smirking at me. Akala ko'y wala na itong balak na magsalita, ngunit mayamaya'y may ipinakita ito sa akin. "Did you miss me?" he asked as he raised a person's heart he was holding. Gusto ko mang sagutin ito ay hindi ko na nagawa nang magising ako. Mula sa pagkakahiga ay bigla na lamang akong napabangon. Hingal na hingal ako na para bang ilang oras akong nagbuhat ng mga mabibigat na bato. After all, everything was just a dream? Hawak-hawak ko ang puso ko habang iniisip ang mga nakita ko sa aking panaginip. Bakit naroon ang lalaking iyon at anong ibig sabihin nito sa pusong hawak-hawak nito? Unti-unti kong nilingon ang katabi kong si Psalm at laking gulat ko na lamang na gising na pala siya. He was looking at me, unemotionally. He looked so pale and even though he didn't talk, I could see the pain in his eyes. "Kanina ka pa gising?" tanong ko. He shook his head. "Ilang oras na ba akong tulog?" "Ewan," kibit-balikat ko. "Mga ilang oras na rin, eh. Simula nang makauwi ka dito eh, nakatulog ka na, ayun ang sabi sa akin ni Tita." Hindi siya nagsalita. Balak ko sanang tanungin kung ayos lang siya, pero halata naman na kasi na hindi. Gusto ko rin sanang tanungin siya tungkol sa nangyari, pero mukhang hindi pa siya handa. "Nagugutom ka ba?" tanging tanong ko na lamang. He shook his head. "Nauuhaw?" Muli ay humindi siya. "Okay. Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin, ha? Pagsisilbihan kita ngayon nang buong puso." Nagpilit siya ng ngiti. "Where's my car?" "Uhm, nasa school pa. Hindi ko rin naman mapaandar 'yon kasi wala sa akin ang susi. But don't worry, hindi naman mawawala 'yon doon," sambit ko. "Ano ba kasing nangyari?" hindi ko na mapigilang tanong. Gaya ng inaasahan ko ay hindi siya sumagot. Inilibot niya lang ang kaniyang paningin sa kabuuan niya. Marahil ay maging siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga natamo niyang sugat. "Masakit pa ba? Gusto mo pahiran ulit natin ng gamot?" pag-aalok ko sa kaniya. "No, I can handle it," he said. "Hindi naman na gano'n kasakit. Saka hindi naman mga sugat ko ang kumikirot kundi 'tong katawan ko." Bumuntong-hininga ako. "Alam mo, hindi ko dapat sinasabi sa 'yo 'to ngayon dahil diyan sa napala mo, pero nakakainis ka. Pinag-alala mo ako nang sobra, akala ko kung ano pang mas malala ang nangyari sa 'yo. Tawag ako nang tawag sa 'yo kanina, pero hindi ka sumasagot." "Required ba talagang pagalitan ako ngayon?" marahan niyang tawa. "Oh, tapos tatawa-tawa ka ngayon?" irap ko. "'Yong totoo, ipinanganak ka bang abnormal?" "Galit na galit ka kasi, eh. Daig mo pa si Mommy." "Sino ba namang hindi magagalit? Hindi mo nga sinabi sa akin kung saan ka pupunta, siyempre nahiya naman na akong magtanong kasi mukhang nagmamadali ka kanina. Saka kung alam mo lang kung gaano nag-alala si Tita sa 'yo." "Okay, stop it. Hindi ko naman ginusto 'to. Wala sa atin ang may gusto na mangyari 'to." Umayos ako sa pagkaka-upo. "Ano ba talaga kasing nangyari?" Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "What if I told you some of our assumptions are right?" Nagkunot ako ng nood. "W-what do you mean?" Mula sa pagkakahiga ay umupo siya. "I don't know if you'll gonna believe me, but somebody just attacked me inside my car." My eyes widened. "Who the hell?" He looked at me directly in the eye. "Margot, it's Kye Vonnier. It's him after all."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD