Chapter 20

2430 Words

NANG KAPUWA maging busy na ulit sina Karizza at Zi ay halos sa gabi na lamang sila nagpapangitang mag-asawa. Minsan, nagkakasabay naman sila sa dinner ng kaniyang asawa. Minsan, hindi. Nakakatulugan na lamang niya ang paghihintay rito sa kanilang silid. Kapag hindi pagod si Zi, at kapag naabutan siya nitong tulog na, gigisingin naman siya nito sa pamamagitan ng pagdama sa kaniyang katawan. At kapag nagising na siya, awtomatiko na mauuwi sila sa isang mainit na tagpo. Isang hapon ay maagang umuwi si Zi sa mansiyon. Lihim pang nasurpresa si Karizza dahil kadalasan ay dilim na kung dumating ito. “Maaga bang natapos ang trabaho mo?” tanong pa niya nang salubungin niya ito sa may salas. “Yes,” tugon ni Zi na hinagkan lang siya sa pisngi bago nagpaalam na pupunta muna sa silid nila para san

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD