Seraphine Rose Hindi lang sa labas maganda ang office ni Zachary dahil pati sa loob. Kanya lang din ang buong top floor ng kumpanya niya at may sarili rin siyang elevator kaya hindi naman gano’n karaming tao ang nakasalubong namin. Karamihan ay ‘yong mga empleyado niya lang sa lobby. Mukhang busy rin ang kumpanya niya dahil lahat ng tao ay talagang may ginagawa. “Saan ka mas madalas? Sa warehouse mo na puro eroplano o rito sa kumpanya mo?” tanong ko kay Zachary na nakaupo na sa swivel chair niya habang palakad-lakad naman ako sa office niya. May mini fridge siya, may couch na may glass center table. At may dalawang pinto rin dito sa loob ng office niya na hindi ko pa alam kung ano. Bukod do’n ay may bar counter din siya at sa tabi ng bar counter ay isang eroplano na kasing laki ng fou