Seraphine Rose Sumama ako sa mga body guard ni Mr. Hofs kahit wala akong ideya kung saan kami pupunta. Pasilip-silip lang ako sa labas ng sasakyan at hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Nahihiya naman ako magtanong sa bodyguard niya na nakaupo sa harapan habang ako nasa back seat. Napaigtad ako nang bigla naman mag-ring ang phone ko na nasa loob ng purse ko. Kaya naman agad-agad kong binuksan ang purse ko. Kinuha ko ang phone ko at napatingin ako sa pangalan nang tumatawag. Pangalan ni Mr. Hofs ang lumabas kaya agad kong sinagot. “How are you, my angel?” he asked sweetly. Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa lambing ng boses niya. Ibang-iba ang epekto niya sa akin kumpara kay Mr. Watanabe. Parang may nagwawala na kung ano sa loob ko dahil sa lambing ng bose