Chapter 50

1681 Words

Seraphine Rose “Zach, nandyan ‘yong dalawang tauhan mo sa sala,” ani ko sa kanya paglabas na paglabas niya ng bathroom. Tanging ang puting tuwalya lang ang nakabalot sa bewang niya at kahit ang buhok niya ay basa pa na tumutulo papunta sa balikat niya pababa sa dibdib. Inangat ko agad ang mga mata ko sa mukha niya at kitang-kita ko naman ang ngisi niya na alam kong may pang-aasar. “Si Kiefer at Ty,” dagdag ko pa at naupo sa paanan ng kama namin na maayos na dahil pina-cleaning agad-agad ni Zach habang nasa bathroom kami. Hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa babae na gustong gamitin nila Ty para lang sa akin. Hindi ako papayag sa gano’n dahil ayokong gumawa ng isang bagay na makakasama sa inosente at makakabuti sa akin. Kasi kung papayag ako parang wala na rin akong pinagkaiba sa Dad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD