Seraphine Rose “Seraphine, susunduin ka pa ba namin sa apartment mo?” Tanong ni Lexi mula sa kabilang linya. It’s Sunday and birthday ng Kuya ni Lexi. Invited kaming mga kaibigan ni Lexi dahil kilala naman kami ni Joshua. “No, mag-ta-taxi na lang ako,” sagot ko naman. Alam ko kasi na medyo wrong way kung susunduin pa nila ko lalo na’t malapit naman na sila sa club na pupuntahan namin ngayong gabi. Tinapos ko na rin naman ang mga gagawin ko na deadline na para sa Tuesday para makapag-enjoy talaga ko. Tsaka hindi ko naman problema ang trabaho ko dahil bukas pa ‘yon ng gabi. Mahaba pa ang oras para makapagpahinga ako. Nag-usap pa kami saglit ni Lexi at binaba ko na rin ang tawag pagkatapos. Ipinatong ko sa ibabaw ng vanity table ang phone ko at napatingin ako sa wall clock. It’s 7 pm at