Seraphine Rose Hindi ako nakatulog nang maayos sa kakaisip sa kung ano ang nangyari kagabi. Hindi ako nagtanong kay Zachary dahil simula nang makauwi kami, naging busy siya sa telepono niya dahil sa dami niyang kausap. Nakatulog na nga rin ako na wala siya sa tabi ko. Mukhang may nangyayari talaga na gusto kong alamin. Maaga rin akong nagising dahil may pasok pa ko sa university. Nang magising ako, wala rin si Zachary sa tabi ko. Kaya naman paglabas ko ng banyo pagtapos kong maghilamos, lumabas agad ako ng kwarto. “Prepare my rest house as soon as possible for tonight.” Humakbang ako papunta sa kusina dahil doon ko narinig ang boses ni Zachary. Pagpasok ko sa kusina, tama nga ko. Nakita ko siya na suot ang apron habang magulo pa ang buhok niya. Hawak niya ang pinggan sa kanang kamay ni