Seraphine Rose “Dahan-dahan, mainit,” marahan na paalala ko habang dahan-dahan kong inaabot sa batang babae ang sopas na sinandok ko para sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang niya pero rito ako tumulong sa mga bata. May sariling pila kasi ang mga bata, at ang mga matatanda. May sarili rin pila ang mga buntis, senior citizen, at ang mga ibang may disability. Maraming tao na tumutulong kaya mabilis lang din na umuusad ang pila. Alas-otcho na ng gabi at nararamdaman kong mas lumalamig dahil na rin sa dala ng hangin. Ilang oras na kong nakatayo sa harapan ng pila ng mga bata para tumulong dahil hindi ko magawang umalis. Hindi ko kayang iwan ang ganito kahabang pila. Alam kong habang tumatagal mas nagugutom ang mga nakapila. Kung kaya ko lang silang sabay-sabay na pakainin,