Seraphine Rose Paano na lang kung gawin sa akin ang ginawa kay Angelina? Bigla na lang akong kunin at bugbugin tapos ipadala sa bahay ng walang kahit na anong saplot tapos pagkakaguluhan pa ng media. Paano kung ako ang makaranas no’n? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ni Zachary sa akin? ‘Yong ibang tao na nakakakilala sa akin na pwedeng-pwede na maniwala. Alam ko naman na si Zachary lang ang maniniwala na hindi ako ‘yon. Iniisip ko pa lang, takot na takot na ko lalo na’t alam ko naman na wala talaga kong maling ginawa. Kahit kailan hindi ko gugustuhin na manira ng relasyon ng ibang tao lalo na ‘yong may mga anak na. “Baby, stop thinking about it.” Naputol ang malalim na pag-iisip ko dahil sa pagsasalita ni Zachary sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa buhok ko habang m