Chapter 6

1881 Words
HINDI mapigilan ni Dana ang mapakunot ang noo ng pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nakita niyang may tatlong paperbag na nakalapag sa ibabaw ng kama niya. Saglit siyang nakatitig sa mga paperbag hanggang sa nilapitan niya iyon para sipatin. Kanino kayo ito? At saan galing? Tanong niya sa isipin. Tiningnan ni Dana kung may pangalan na nakalakip sa paperbag kung para kanino iyon o kung sino ang nagbigay pero walang siyang nakita. Napanguso siya habang nag-iisip siya kung kanino iyon galing. Pero sumasakit na ang ulo niya at wala pa din siyang maisip hanggang sa sumuko na lang siya. Ipinatong niya ang bag na hawak sa ibabaw ng kama at lumabas ulit siya ng kwarto para tanungin ang Mama niya kung saan galing ang mga paperbag na iyon. For sure, para sa kanya ang mga iyon dahil nasa kwarto niya. Gusto lang niyang malaman kung kanino galing iyon. Buong araw kasi si Dana na wala sa bahay. Nag-job searching kasi siya. Halos lahat ng hospital sa bayan nila ay pinuntahan niya para magpasa ng resume. Kailangan kasi niyang makahanap ng trabaho para sa kanila. Kailangan niya ng trabaho para may pambili siya ng mga gamot ng Papa niya. At hindi pa alam ng mga magulang ang tungkol sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Hindi naman sa gusto niyang magsinungaling sa mga ito, ayaw lang niyang dagdagan ang problema at stress ng mga ito nitong mga nakaraang araw. Lalo na at kalalabas lang ng Papa niya sa ospital. Nakita ni Dana ang Mama niya na nasa kusina at abala sa pagluluto. "Ma," tawag niya sa atensiyon nito. "Oh, nandito ka na pala, Dana." Wika ng Mama niya ng lingunin siya nito. "Opo," magalang naman na sagot niya. "Hmm... Ma, itatanong ko lang po. Kanino po galing iyong mga paperbag sa kwarto ko?" Tanong niya. "Ay, oo nga pala. Dumating iyan kanina. May nag-deliver, para sa 'yo daw. Nilagay ko na do'n sa kwarto mo," sagot ng Mama niya. "Sino po nag-deliver?" Tanong muli niya. "Delivery boy, eh." simpleng sagot ng Mama niya. "Hindi na ako nagtanong pa do'n sa nag-deliver. Baka in-order mo. Nakalimutan mo lang." Ngumuso naman si Dana. Iniisip kung may in-order ba siya online? Pero kahit na anong gawin niyang pag-iisip ay hindi niya maalala na may in-order siya online. "Hmm.. sige po, Ma. Tingnan ko lang," paalam niya dito. Tumango naman ito. "Okay. Magpahinga ka na at mamaya ay kakain na tayo." "Sige po." Naglakad na si Dana pabalik sa kwarto. Umupo siya sa gilid ng kama katabi ng mga paperbag. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang isang paperbag at inilabas ang laman niyon. Napakurap-kurap siya ng mga mata nang makita ang isang puting sapatos iyon. Kinuha ulit niya ang isang paperbag at inilabas ang laman niyon. Nakita niyang isang white dress iyon. Kinuha niya ulit ang isa pang paperbag. Ang laman naman niyon ay mga box na kulay pula. May naka-engrave pang pangalan ng isang sikat na jewelry store do'n. At nang buksan niya ang box para tingnan ang laman niyon ay hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang makita mga mamahaling alahas ang mga iyon. Kompleto iyon, mula sa earrings, kwentas at bracelet. Nang buksan niya ang isang maliit na box ay nakita niya ang isang singsing at kumikinang ang bato nito. Mukhang diamond pa! Muntik na niyang mabitawan iyon, mabuti na lang at nasalo niya ang singsing. Dahil kung hindi? Ahh, darn! Alam niyang hindi iyon basta-basta bato lang. It was diamond ring. At sa laki ng bato ay nasisiguro niyang milyon ang halaga niyon. At alam din niyang hindi basta-basta ang halaga ng mga sapatos at ang white dress na laman ng paperbag. Nakita kasi niya ang name tag niyon at kilalang brand abroad ang tag niyon. Maingat na ibinalik ni Dana ang laman niyon sa loob ng paper bag. Natatakot siyang magasgasan or hindi kaya marumihan iyon. At may ideya na din siya kung kanino galing iyon. It's from Franco. Naalala kasi niyang tumawag ito sa kanya kahapon. At tinatanong nga kung ano ang size ng daliri niya. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatitig siya sa mga paper bag na dala na nasa tabi niya. Iisa lang kasi ang ibig sabihin niyon, talagang tuloy-tuloy na ang kasal nila ni Franco. Wala pa namang sinasabi ang lalaki kung kailan mangyayari ang kasal nila. Hindi na niya din ito tinanong dahil sinabi naman nito sa kanya na tatawagan siya nito para ipaalam sa kanya kung kailan at saan ang kasal nila. At tungkol naman sa kinakailangan sa pagpapakasal nila ay sinabi nitong ito na ang bahala sa lahat. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag. Saglit siyang napatitig sa hawak na cellphone. Nagdadalawang isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Franco o hindi. Mayamaya ay nagulat siya ng biglang tumunog ang ringtone na hawak. At nanlaki ang mga mata niya nang makita at mabasa kung sino ang tumatawag sa kanya. Mukhang na psycho nito na gusto niya itong tawagan. Ilang sandali din siyang napatitig sa cellphone hanggang sa sinagot niya ang tawag. "Hello," bati niya, nagpasalamat siya at hindi pumiyok ang boses niya. "Why did you take so long to answer my call?" Mababakas sa boses nito ang iritasyon. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakakunot ang noo nito. "Sorry," hingi naman niya nang paunmanhin sa lalaki. "I was about to call you pero nagulat ako no'ng bigla kang tumawag. Hindi ko agad nasagot," paliwanag naman niya. Saglit namang hindi nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. "And why are you calling me?" Mayamaya ay tanong nito. Napatingin siya sa paperbag na ipinadala nito. "Gusto ko lang sabihin na natanggap ko na ang mga pinadala mo," sabi niya. "Hindi-- "It's not enough?" Putol ni Franco sa gusto pa niyang sabihin, mababakas ulit sa boses nito ang disgusto. "Kulang pa ba ang mga binigay ko?" Umiling-iling naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin," wika niya kay Franco. "Sa totoo lang ay hindi ko kayang isuot ang mga ito. Masyadong mahal. At...hindi ako nagsusuot ng ganitong kamamahal na mga gamit." Nakakatakot talagang isuot ang mga bigay ni Franco. Lalo na iyong mga alahas na bigay nito. Baka kapag isuot niya iyon ay ma-holdap pa siya. Madadagdagan pa ang utang niya dito kung sakali. "Those are your dreams, right?" Mayamaya ay wika nito sa kanya. "Iyong makapagsuot ng mamahaling damit at mga alahas? So, I'm giving you your dream." Kinagat naman ni Dana ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Nasaktan kasi siya sa sinabi nito. Para kasing sinasabi nito na mukha siyang pera. Na pera lang ang mahalaga sa kanya. Well, sa kabilang banda ay hindi naman niya masisisi ito kung mag-isip ito ng ganoon sa kanya. Akala siguro nito ay katulad siya ng Ate Doreen niya. Siyempre, mag-iisip ito nang ganoon dahil iisang dugo lang ang nananalantay sa katawan nila. Mabilis na pinunasan ni Dana ang luhang pumatak sa mata niya sa sandaling iyon. Tumikhim din siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. "Hindi ko naman pangarap na magsuot ng mga ganoon," hindi niya mapigilan ipagtanggol ang sarili dito. "No need to explain. Nothing will not change." Mukhang sarado na ang isip nito. Hindi na din niya ipinagtanggol pa ang sarili sa paghahamak nito sa pagkatao niya. "O-okay," sabi na lang niya, hindi din niya napigilan ang pagpiyok ng boses. Saglit namang hindi nagsalita si Franco mula sa kabilang linya. "Anyway, the wedding is already set," wika nito mayamaya. Pagkatapos niyon ay sinabi nito kung kailan at kung saan gaganapin ang kasal. Kahit na kinahakabahan ay pilit niyang tinatandaan ang sinasabi nito. "And I warn you, don't try to run away with me. Masama ako magalit," warning nito sa kanya. "Hindi mo alam kung ano ang pwede ko gawin." "H-hindi naman ako tatakbo," sagot niya dito. Alam niya kung paano ito magalit kaya ayaw niyang kantihin ang pasensiya nito. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo," sabi nito, pagkatapos niyon ay nawala na ito sa kabilang linya. Sa halip naman na makahinga ng maluwag si Dana nang mawala sa kabilang linya si Franco ay lalo yatang nanikip ang dibdib niya sa isipin na sa susunod na linggo na ang kasal nila ng lalaki. **** YOU CAN do it, Dana. Nagpakawala si Dana ng malalim na buntong-hininga bago niya kinuha ang atensiyon ng Mama niya na abala sa pagtutupi ng mga damit. Ang ama naman ay nasa kwarto ng magulang at nagpapahinga na. "Mama," tawag niya dito. Inalis naman ng Mama niya ang atensiyon sa pagtutupi nito ng damit at inilipat iyon sa kanya. "Bakit?" Tanong nito. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "Hmm... Ma, alam niyo naman po siguro iyong tungkol sa nangyari kay Ate Doreen," umpisa niya. "Tungkol sa malaking halaga na kinuha niya sa kompanya na pinagta-trabahuan niya," pagpapatuloy na wika niya. Tumango naman ang Mama niya. "May balita ka na ba sa Ate mo?" Tanong nito, mababakas sa mata nito ang pag-alala. Umiling naman siya bilang sagot. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya ma-contact ang ate niya. Hindi din nito nire-replyan ang mga mensaheng ipinapadala niya dito araw-araw. "Ano po kasi, Ma. N-nakausap ko po ang may-ari ng De Asis Empire," pag-uumpisa niya. "Hmm... nakiusap po ako sa kanya na kung pwede ay magta-trabaho ako sa kanya para kahit papaano ay mabawasan po ang utang ni Ate," pagsisinungaling niya. Lord, patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko. Hindi kasi madali para kay Dana ang magsinungaling sa mga magulang. Pero kinakailangan niya iyong gawin para sa kapanan din ng mga ito. Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng Mama niya sa sinabi niya. "Bakit ikaw ang magbabayad sa ginawa ng Ate mo? Hindi naman ikaw ang may kasalanan," wika ng Mama niya. Kinagat naman niya ang ibabang labi. Iyon din ang laging tanong ni Dana sa isip. Bakit siya ang magbabayad, eh, hindi naman siya ang may kasalanan. Bakit siya ang kailangang magsakripisyo? "Mama kailangan ko po itong gawin para hindi mawala sa atin ang bahay at lupa natin," sagot niya sa Mama Carolina niya. Ibayo ding control ang ginawa niya huwag lang siyang umiyak sa harap nito. Gusto kasi niyang ipakita sa Mama niya na gusto niya ang ginagawa na hindi labag iyon sa kalooban niya. Nginitian niya ang Mama niya. "Huwag po kayong mag-alala sa akin. Kayang-kaya ko po ang trabaho do'n," sabi niya dito. "Oh, Ma, bakit kayo umiiyak?" Tanong niya nang makita ang pagtulo ng luha sa mga mata ng Mama niya. "P-pasensiya ka na anak," wika ng Mama niya. "Dapat kami ang mag-trabaho dahil kami ang magulang pero... Hindi na natapos ng Mama niya ang iba pa nitong sasabihin ng hawakan niya ito sa kamay at pinisil. "Ma huwag kayong humingi ng pasensiya sa akin," sabi niya. "Kaya ko naman, eh. Para namang pong hindi niyo ako kilala? Kaya ko lahat ng trabaho," dagdag pa na wika niya na nakangiti. "Kaya huwag na po kayong umiyak, ha." Pinunasan naman ng Mama niya ang luhang namalibis sa pisngi nito. "Salamat, anak. Huwag kang mag-alala. Tutulong din ako sa pagbabayad ng utang ng ate mo," sabi din nito sa kanya. Isang ngiti lang naman ang isinagot ni Dana dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD