"THANK you so much, Dana." Nakangiting wika ni Chassy ng lapitan siya nito pagkatapos ng fashion show. Nakahinga si Dana ng maluwag nang sa wakas ay natapos na din ang show. "And you did a great job," dagdag pa na wika nito sa kanya. "Parang hindi mo first time noong rumampa ka," komento naman nito sa kanya. "Ang galing-galing mo. Para ka ding professional model. And the audience was mesmerized by your beauty." Hindi naman napigilan ni Dana ang pamulahan ng mukha sa sinabi nito. Nagpasalamat naman siya sa sarili na kahit na sobrang kaba ang nararamdaman niya ay hindi siya nagkamali sa pagrampa. Nakatulong din siguro iyong mga turo sa kanya ni Maggie kanina kung paano ang tamang pagrampa para magawa niya iyon ng maayos. "Salamat kay Maggie kasi tinuruan niya ako," sagot naman niya dit