Unang Kabanata - Pagpigil

1015 Words
Makalipas ang sampung taon. . . . Year 2021 "Congratulations to those students who made it on top ten!" Dinig ni Selena ang mga palakpak ng kaniyang kaklase. Hindi siya pumalakpak kagaya ng mga ito kahit pa siya ang nag top one sa klase nila. Ang dahilan ay ang tila nakakapasong mga titig ng isa niyang kaklase, si Lucyflor, ang top two sa klase. Mabilis ng isinukbit ni Selena sa kaniyang balikat ang bag na dala at mabilis ng lumabas ng classroom nila. Nasa isang private school siya. Hindi dahil sa afford ng kaniyang mga magulang kundi dahil nabigyan siya ng scholarship sa eskwelahang iyon. Mula first year highschool hanggang fourth year highschool ay nanatili siyang top one sa dati niyang eskwelahan. At nang maka graduate nga siya bilang Valedictorian, isang full scholarship sa isang private school ang naibigay sa kaniya. At ngayon nga ay naroon na siya sa unang taon niya sa senior highschool. STEM ang strand niya at palagi siyang nangunguna sa klase. Bagay na napansin niyang ikinaiinis ng kaklase niyang si Lucyflor. "Ms. Silva!" Napatigil si Selena sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Teacher Rose Valdez, ang kaniyang adviser. "Selena, bakit ka ba lumabas kaagad. Sabi ko sa 'yo kakausapin pa kita, 'di ba?" nakangiting salubong ng guro sa kaniya. "Po?" tanging nasabi na lamang ni Selena. Napatawa na lamang ang guro kay Selena. Saka ipinaliwanag kay Selena ang nais sabihin na siya namang ikinagulat niya. Siya umano ang napiling maging muse ng basketball team ng department nila para sa nalalapit na intramurals. **** Titig na titig si Selena sa sariling repleksiyon mula sa salaming nasa harapan. Nakatirintas ng maliliit ang buhok niya na panay ribbon ang ginamit na panali. Nakasuot din siya ng pares ng jersey na akmang-akma sa katawan niya. Naka make-up din siya dahil na rin sa kagustuhan ng guro nila. Ang kaniyang ina ang nag-ayos sa kaniya at kita niyang proud na proud ito sa kaniya. "Selena, kanina ka pa hinahanap doon. Magsisimula na ang pagpapakilala sa inyo." Napalingon si Selena at ang kaklase niyang si Ellaine ang nakita niya. Tinanguan niya lang ito bago siya muling lumingon sa salamin. Nasa loob kasi siya ng CR ng classroom nila mula pa noong dumating siya. Ayaw niyang makihalubilo sa labas at hinihintay na lang talaga niyang matapos ang eksena niya. Hindi kasi siya nakatanggi kay Teacher Valdez dahil nahihiya naman siya lalo pa at scholar siya sa eskwelahang iyon. Maya-maya ay napahawak siya sa kuwintas na suot. Ilang taon na ang nakakalipas mula ng huli niya iyong tanggalin. At nangako siya sa sariling hindi na ulit iyon tatanggalin dahil sa trahedyang naidulot niya noon. Nang dahil sa kaniya, naging pilay ang kaniyang ama na kumupkup sa kaniya. Hinding-hindi na siya papayag na may masaktan pang muli nang dahil sa isinumpang kapangyarihan nilang mga sirena. Hindi na rin niya nakikita ang dating itsura sa tuwing tinatanggal niya ang kaniyang kuwintas noon. Kapag nasa anyong sirena kasi siya ay kulay asul ang kaniyang mga mata at naglalabasan din ang freckles sa kaniyang dalawang pisngi. Hindi katulad ngayon na nasa anyong tao siya, kulay itim ang kaniyang mga mata at makinis ang kaniyang mukha. "Hindi ka pa ba lalabas? Kanina ko pa kasi gustong gumamit ng CR at isa pa, kanina ka pa hinihintay nitong si Ellaine." Base sa boses at pananalita na narinig ni Selena, alam na kaagad niyang si Lucyflor iyon. Hindi na siya umimik pa at lumabas na nga kasama si Ellaine. Marami ang humanga kay Selena nang araw na iyon. Marami ang nagsasabing kakaiba ang gandang taglay niya at idagdag pa raw na matalino siyang babae. Halos hindi matapos-tapos ang palakpakan ng mga estudyante noong siya na ang naglakad sa gitna ng court bilang muse ng basketball team ng STEM department. Hapon na nang matapos ang lahat at tila hapong-hapo si Selena habang naglalakad pabalik sa classroom nila. Nagtaka pa siya nang makitang halos kumpleto pa ang mga kaklase niyang nasa loob ng classroom nila. Nagpahuli pa siya dahil nais niya sanang kakaunti na lamang ang tao roon. "I suggest, walang uuwi o lalabas sa classroom na ito nang hindi natitingnan ang lahat ng gamit o mga bag ng bawat isa." Si Lucyflor ang narinig niya nagsabi niyon at nagtaka siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari dahil nga kararating niya lamang. "Ellaine, anong nangyayari?" pagtanong ni Selena kay Ellaine. "Naku, Selena. Sina Lucyflor kasi at ang iba sa mga kaklase natin, nawawalan ng wallet at cellphone," saad ni Ellaine. Sa hindi malamang dahilan, tila nakaramdam ng kaba si Selena sa sinabi ni Ellaine. "Para matapos na ito, at para malaman din natin kung bakit may ganito, lahat ng bag ninyo ilagay na rito sa harapan," si Teacher Valdez. Isa-isang nagsipagkilos ang lahat. "Oh, Selena, wala ka bang narinig? Ang sabi ni ma'am, ilagay dito sa harapan iyong mga bag natin," pagpuna ni Lucyflor sa kaniya. Nang dalhin ni Selena ang bag sa harapan, alam na kaagad niyang may kakaiba. Hindi ganoon kabigat ang bag niya. At hindi nga siya nagkamali. Nang bag niya na kasi ang sinimulang buksan ni Teacher Valdez, napatingin ito sa kaniya. Pagkatapos ay isa-isang inilabas ang mga nawawalang cellphone at wallet ng kaniyang mga kaklase Umugong ang bulungan at nakaramdam ng panginginig si Selena. Paglingon niya kay Lucyflor ay kita niya ang mala-demonyo nitong ngiti. Alam niyang si Lucyflor ang may gawa niyon. Kanina sigurong busy ang lahat sa labas, ay doon ginawa ni Lucyflor ang lahat. "I knew it! Ikaw talaga ang pumasok sa isipan ko eh. Dahil sino ba naman ang poor dito sa klase kundi ikaw lang. Kaya ka lang naman nakapasok dito dahil sa scholarship," saad ng isa sa mga kaibigan ni Lucyflor na alam ni Selena na kasabwat din. "Ms. Silva..." malungkot na anas ni Teacher Valdez. Wala halos lumabas sa bibig ni Selena. Hindi nito alam kung paano dedepensahan ang sarili. Umaalon na rin ang dibdib niya sa galit kay Lucyflor pero wala siyang patunay na ito ang may gawa. Isa pa, pinipigilan niya ang sariling magalit dahil sa pangambang baka may mangyari na namang masama. Matapos ang pangyayaring iyon ay umuwing lumong-lumo si Selena. Ibinalita niya sa mga magulang ang nangyari at ang pagkakatanggal ng scholarship niya dahil doon. Hindi siya sigurado kung makakapagpatuloy pa siya ng pag-aaral dahil hindi na nila kakayanin ang tuition. "Gagawa tayo ng paraan, anak. Hindi ka titigil sa pag-aaral," buo ang loob na wika ni Felimon. "Oo, Selena, gagawa kami ng paraan ng tatay mo. Magpahinga ka na lang muna," ang sabi naman ng kaniyang ina. Nakaramdam lalo ng awa si Selena habang pinagmamasdan ang mga tumayo ng magulang niya. Hanggang ngayon din ay sinisisi pa ni Selena ang sarili kung bakit hindi na makalakad ang ama ng walang saklay. Kung maaari lamang sana siyang bumalik muli sa Sirenia ay ginawa niya na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD