Bivianne
"Bivianne Cordova," tawag ni ma'am Teresa na teacher namin sa Gen Math. "Mukhang occupied ka lately."
Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit nang makita ko ang grade ko sa exams last time ay napaawang ang bibig ko. Para akong natulis sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa papel ko.
"Two mistakes. Alam mong wala akong magagawa kapag tinanong ng mama mo ang tungkol sa grades mo, hindi ba?"
Napatulala lang ako at tinitigan ang dalawang bilog sa papel ko na para bang magbabago 'yon. Pero hindi. Two of my answers are still wrong. At kahit na anong basa ko sa mga tanong ay mali talaga ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko ang tamang sagot ngayon ay mali pa rin ang nasagot ko sa mismong araw ng exams.
Hanggang sa matapos ang klase namin sa buong araw ay nakatulala lang ako. There’s no use listening to the class. Dahil paniguradong makukulong na naman ako sa basement at sasaktan ni mama. Thinking about it makes me shiver.
Naalala ko noong huling beses na nagkaroon ako ng mababang grade. She dragged me to our basement at doon sinaktan. Wala siyang pinabababang kahit na sino maliban kay Cassady na nagdadala ng pagkain ko. I guess nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako ginugutom ni mama.
At mamaya pag-uwi ko, tiyak na nag-aabang na si mama. Wala akong magagawa kung hindi hayaan ‘yon at hintayin na lang ang parusa ko dahil ako rin naman ang may kasalanan. Siguro ay ito ang parusa ko dahil sa maaga kong pagtulog kagabi at hindi pag-re-review.
Nang makalabas ako sa room, naroon ulit si Oxem at naghihintay sa ‘kin.
Kailangan kong mag-isip ng palusot para hindi niya ako ihatid bukas. Hindi niya ako pwedeng makita. Hindi ko alam kung saan ako magkakasugat at magkakapasa bukas at tiyak na magtataka siya kung saan ko nakuha ‘yon. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoo at mas lalong hindi ko kayang magsinungaling.
Huminga ako nang malalim at sinubukang ngumiti sa kaniya. I don’t want him to feel that something’s bothering me. Ilang araw lang naman akong makakasabay sa kaniya. At kung hindi magiging malala ang pagpaparusa sa ‘kin, mas maaga kaming magkakasabay ulit pauwi.
”You don’t have to come pick me up tomorrow,” sabi ko habang naglalakad patungong bus station. Gaya ng nakagawian ay dala niya ang mga gamit ko.
“Why?”
“May review ako after class. Baka umabot ‘yon ng ilang araw kaya ilang araw din tayong hindi magkakasabay na umuwi.” Ngumiti ulit ako.
“I can take you there.”
Mabilis akong umiling. “It’s okay. Sinabihan ko na rin kasi si mang Kiko. At isa pa, may kalayuan ang review center na pupuntahan ko kaya baka gabihin ka sa daan.”
Tumango-tango na lang siya at hindi na umangal pa. Napunta sa iba ang topic namin kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. At least hindi na siya magtatanong pa. I didn’t want to lie to him, pero wala akong ibang choice. Pero sa tingin ko, hindi naman ‘to magiging kasinungalingan dahil tiyak na dadagdagan ni mama ang tutors ko.
“Napag-isipan mo na ba ang outing?” tanong niya. “Hindi sa pine-pressure kita, ah? Pero excited na kasi ako. Ngayon na lang ulit kami makagagala kaya gusto ko talaga sanang makasama. That’ll be our first trip together too.”
Napaiwas ako ng tingin. “Hindi ko pa sure. Hindi pa rin kasi ako nakapagpapaalam.” At mukhang hindi na ako papayagan dahil sa nangyari. “Nasabi ko naman sa ‘yong kailangan kong maghanda para sa college entrance exam, hindi ba?”
Napatango siya. “You told me about that. Miski naman ako ay naging busy rin before college. Pero tatlong araw lang naman ‘yon. Wala namang mawawala kung liliban ka saglit.”
“You’re right. Susubukan kong magpaalam kay mama. Pero ayoko lang kasing mangako. Baka mamaya hindi naman matuloy. Ayokong paasahin ka.”
Malawak siyang napangiti. “I’ll look forward to that.”
Mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Alam ko na sa sarili kong imposible pero ito siya at talagang umaasa kahit na sinabi ko nang baka hindi pwede. I don’t want to disappoint him. Pero paano si mama? Isang hindi lang ni mama ay tiyak na susunod ako at walang magagawa.
Nang makarating ako sa bahay, bumalik ang kaba sa dibdib ko. Saglit kong nakalimutan ang nangyari kanina dahil kay Oxem pero ngayong nandito na ako sa harap ng front door, gusto ko nang umalis. Gusto ko nang umatras at magtago.
“May problema ba?” Naabutan ako ni mang Kiko na nakatayo lang doon.
Napatingin ako sa kaniya pero agad ring napaiwas. Hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari kanina kaya wala siyang ideya kung ano ang pwedeng mangyari. Ayoko na rin kasing madamay pa sila. Baka kapag nalaman ‘to ni Cassady ay mapasama pa sa bata. Alam kong mag-aalala sila nang sobra kapag sinabi ko pa.
“Wala po, mang Kiko.”
Nilakasan ko na ang loob ko at pumasok na. Baka mamaya pa naman ang uwi ni mama dahil maaga pa. May pagkakataon pa ako para ihanda ang sarili ko.
Pero para bang sinalo ko lahat ng kamalasan nang magpaulan ang diyos. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko agad si mama na prenteng nakaupo sa sofa sa sala. Pinagpawisan ako nang malapot at bumilis ang paghinga ko.
“You’re late,” sabi niya nang hindi nakatingin sa ‘kin. “I told you to go home right after your class ends. Saan ka pa nagpunta?”
“Pasensiya na po, ma’am Zenith.” Si mang Kiko ang nagsalita. “Medyo traffic lang kaya na-late ng dating si Bivianne.”
Napataas ang kilay ni mama at naiwan sa ere ang kamay na may hawak na wine glass. “Bivianne?”
“A—Ang ibig ko pong sabihin, si ma’am Bivianne. Pasensiya na po ulit. Hindi na po mauulit sa susunod.” Napayuko siya nang bahagya.
Bumalik ang tingin ni mama sa ‘kin kaya napayuko rin ako. Pinanood kong manginig ang mga kamay ko habang naghihintay ng parusa ko. I need to go back to my room to study as soon as possible. Kailangan kong mabawi ang dalawang puntos na pagkakamali ko.
“At hindi ka lang late umuwi. Ang lakas din ng loob mo para umuwi matapos mong matanggap ang grades mo sa Gen Math. Care to explain that one, Bivianne?”
Para bang patalim ang boses niya nang banggitin ang pangalan ko. Nangatog ang mga tuhod ko. Ayokong umiyak sa harap niya pero automatikong nagtutuluan ‘yon sa pisngi ko. I’m so f*****g scared. Gusto kong depensahan ang sarili ko pero ano ang sasabihin ko? It’s my fault.
“I’m sorry, mama. It’s my fault. Hindi ako nag-review nang maayos.” Inangat ko ang ulo ko para salubungin ang nag-aalab niyang mga mata. “But I promise, I’ll do my best next time. Hinding-hindi na ako magkakamali. I swear.”
Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin. Ang tunog ng kaniyang takong na tumatama sa tiles ay para bang putok ng baril sa pandinig ko. Napapakislot na lang ako sa kinatatayuan ko. Her cold eyes bore into my skull.
“Siguraduhin mo lang, Bivianne. Once Yeshua becomes the valedictorian and not you, you don’t know what I’ll do.”
Mabilis akong tumango. “I know. I won’t fail you. I promise.”
Napangisi siya. “Good.”
Nang tumalikod na siya sa ‘kin ay nakahinga ako nang maluwag. Pero hindi rin ‘yon nagtagal matapos ang susunod niyang mga salita.
“You don’t want me to drag you in the basement myself. I don’t want empty promises. Kailangan kong makasiguradong hindi na ‘to mauulit pa. And I know just the right thing to do para hindi na mangyari ulit ‘to.”
Napaupo na lang ako sa sahig nang makaalis si mama sa harap ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at napahagulgol na ako. I thought I was spared. Hindi pala. I still need to get punished.
“Ma’am Bivianne…”
Napaangat ang tingin ko kay mang Kiko at pilit na ngumiti. “This is my fault, mang Kiko. I deserve this.”
“But…”
“I’m going to be fine. Huwag niyo na lang pong sabihin kay Cassadya ng tungkol dito. Hindi makabubuti sa bata kapag na-stress siya. This won’t take long.”
Pinilit ko ang sariling makatayo at dahan-dahang naglakad patungong basement. Pilit kong tinatagan ang loob ko para hindi na mag-alala si mang Kiko kahit na sa loob-loob ko ay para na akong mahihimatay sa sobrang takot at kaba.
Binaba ko na lang ang mga gamit na dala ko sa isang tabi. Mamaya ko na ‘yon bibitbitin pagkatapos ng parusa ko. Sa ngayon, kailangan ko munang paalalahanan at i-comfort ang sarili ko.
Mabilis lang ‘to. Saglit lang ay mawawala na rin ang sakit. Napagdaanan ko na ‘to kaya alam ko na kung ano ang aasahan. Ilang latay lang sa likod ang matatanggap ko. Ilang palo sa braso at binti na pwedeng-pwede kong itago gamit ang jacket bukas. ‘Wag lang sanang mainit ang panahon.
*
Dinilat ko ang mga mata ko nang tumama ang nakasisilaw na sinag ng araw sa mga mata ko. Muli akong napapikit ngunit hindi ko magawang takpan ang mga ‘yon dahil sa sobrang bigat ng katawan ko.
I’m now lying on my soft bed. My body is aching all over. Ni hindi ko na alam kung anong parte ang masakit. Ni hindi ko namalayan kung saang parte ako ng parusa nawalan ng malay. Basta ang naalala ko lang ay ang patuloy kong pagdarasal na sana matapos na ang sakit.
Patuloy sa pagtunog ang alarm ko sa side table. Pinilit kong bumangon upang patayin ‘yon kahit na sumisigaw ang buong katawan ko sa sakit. Napapangiwi ako sa tuwing nabubunggo ang mga pasa at sugat ko sa katawan. Pero nabigla ako nang makitang may benda na ang kanang balikat ko gayong hindi ko naalalang nakapaglagay pa ako n’on.
Tipid akong napangiti. “Cassady…”
Iika-ika akong dumeretso sa banyo upang makaligo. Maaga ang pasok ngayon kaya kailangan ko nang mag-asikaso. Hindi ko kakayanin ang isa pang parusa kapag nalaman ni mama na na-late ako ng pasok.
Halos maiyak ako sa sakit habang naliligo. Lahat ng madaluyan ng tubig ay parang humihiyaw. Ni hindi ko magawang lagyan ng sabon ang ilang parte kaya nagtiis ako sa tubig lang. Kailangan ko na ‘tong magamot dahil baka magpeklat pa ang ilan sa mga ‘to. Mahirap na.
Nang makapagbihis ako at magamot ang mga sugat ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano ay nawala na ang sakit maliban sa kanang balikat ko na mukhang napilayan pa yata. Tiyak na darating ang family doctor namin mamaya sa bahay para tingnan ang lagay ko.
Napabuntonghininga ako matapos kong makita ang sarili sa salamin. Kahit na naka-jacket na ako ay may ilan pa ring mga pasa at sugat ang nakikita sa kamay ko. Kahit sa leeg ko ay mayroon din kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magsuot ng turtle neck.
Naka-air condition ang room namin mamaya dahil sa AVR kami magkaklase. Pero hindi ako sigurado kung makakatagal ako kapag nasa labas na. Sobrang init pa naman ng panahon ngayon. Talagang ubos na ubos na ang swerte ko.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Dahan-dahan namang lumitaw si Cassady na bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha. Mukhang kagagaling din niya sa iyak. Hindi ko alam kung sinabi ni mang Kiko sa kaniya o baka nakita niya ako. Pero mukhang wala na akong magagawa.
“Dinalan kita ng agahan,” ani niya. “Dinagdagan ko ang luto dahil hindi ka nag-dinner kagabi. Nag-pack din ako ng lunch mo para hindi ka na lumabas ng room niyo.”
Nilapag niya ang isang tray sa lamesa ko at pinatong ang lunch box sa tabi ng bag ko. Nakatalikod siya sa ‘kin kaya hindi ko siya makita. Pero nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng mga balikat niya.
Napabuntonghininga ako. “Sabi ko naman kay mang Kiko, huwag nang sabihin sa ‘yo.”
Suminghot siya at nagpunas ng luha sa pisngi bago ako hinarap. “Hindi sinabi sa ‘kin ni Kiko pero alam ko kung anong nangyari. Dinalan kita ng pagkain kagabi pero wala ka rito. Nakita ko ang bag mo malapit sa basement kaya roon na ako nagkahinala.”
Napaiwas ako ng tingin. “I’m okay.”
Mas lalo siyang napaiyak dahil sa naging sagot ko. “Hindi ka okay. Alam ko ‘yon. Nakikita ko ‘yon. Kung may magagawa lang ako, Bivianne. Kung meron lang. Pero kinasusuklaman ko ang sarili ko dahil wala akong magawa para sa ‘yo.”
Napasinghal ako. “You prepared my food, and you bandaged my shoulder. You don’t have to cry for me. That’s enough.”
“Kaya kong gamutin lagi ang sugat mo sa katawan pero hindi ang sugat mo sa puso, Bivianne.”
“I said, enough!” bulalas ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at nagsimula na namang uminit ang ulo ko. “I said, I'm okay. You can leave now.”
Mabilis akong tumayo at inabot ang bag ko kahit na iika-ika pa rin. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang dinala niyang pagkain at lumabas na sa kwarto ko. Hinabol niya ako dala ang lunch box pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa parking.
Nang magpumilit siya ay natabig ko na lang ang lunch box sa kamay niya kaya nahulog ‘yon sa sahig. Napabuntonghininga na lang ako at sinubukan pakalmahin ang sarili ko. I reminded myself na buntis si Cassady at hindi pwedeng ma-stress. Baka kapag may nangyari sa bata ay kasalanan ko pa.
“Kunin mo lang ang lunch box, Bivianne. Iyon lang ‘tapos hindi na kita kukulitin. Hindi ka pa kumakain magmula kagabi.”
Hinablot ko na lang ‘yon at dali-dali nang pumasok sa sasakyan. Baka ma-late pa ako lalo dahil sa kakulitan niya.
I can feel mang Kiko’s gaze in the rear view mirror pero hindi ko siya pinansin. I really hate the two of them. Alam kong nagiging mabait ako sa kanila nitong mga nakaraan pero masyado nilang inaabuso. I really hate when people pity me. At sa ginagawa nila, mas lalo lang nilang pinamumukha ang kaawa-awa kong kalagayan. I really hate it!