Bivianne
Napabuntonghininga ako nang makaalis ang teacher namin sa Earth Science. Tapos na ang klase namin sa buong araw kaya makauuwi na ako.
Ilang araw na ang nakalipas magmula noong game nina Yeshua pero fresh pa rin sa 'kin ang mga kaganapan. Paanong hindi ko makalilimutan, eh, nandoon si Oxem.
Muli akong napabuntonghininga.
Ilang araw na ring siya ang laman ng utak ko. Laking pasasalamat ko na hindi naman naaapektuhan niyon ang pag-aaral ko. Pero after my eighteen years of existence, ngayon lang ako ginulo ng isang lalaki. At least 'yong utak ko.
Marami namang nagparamdam sa 'kin kahit noong junior high school ako pero wala ni isa sa kanila ang natipuhan ko. Nagkaroon ako ng crush pero hindi ganito kalala na lagi ko pang iniisip kahit saan ako magpunta. I was just so focus with my studies before na wala na akong oras para sa mga lalaki.
At ngayong dumating si Oxem sa buhay ko, nahati ang mga iniisip ko. Kung dati, pag-aaral at milk tea lang ang laman ng isip ko. Ngayon ay kasama na siya. It has become studies, milk tea, and Oxem.
At para bang inaasar pa ako ng tadhana dahil narito siya ngayon sa harap ko. He was looking at his phone, and leaning towards the locker. Hindi ko dapat siya papansinin pero ano ang magagawa ko? Gusto ko siyang kausapin.
"Are you waiting for Yeshua?" Napaangat ang tingin niya sa 'kin. "Doon sa kabila ang room niya, hindi rito."
Napatuwid siya ng tayo bago binalik sa bulsa ang phone niya. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat bago ngumiti sa 'kin.
Gods! How can someone be this charming just by smiling?
"I'm actually waiting for you."
Napakurap pa ako. "Me? Why?"
Napakamot siya sa batok. "Can I take you home? Alam kong may service ka pero... you know... I'm just wondering if we can take the bus together today."
"Pero hindi ka naman sumasakay ng bus pauwi, 'di ba?"
Napaawang ang bibig niya. "You know?"
Natutop ko ang bibig ko. "Yeshua told me." Napaiwas ako ng tingin. I'm not really good in lying.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "So, may I?"
Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa gamit ko. I am holding three books in my arms na dahan-dahan kong inabot sa kaniya.
I swear this guy is hypnotizing me. Bakit hindi ko magawang humindi sa kaniya?
"Let's go."
Sabay kaming naglakad papunta sa bus station. I didn't forget to tell mang Kiko about it. Mabuti na lang at pumayag naman siya. Pinaghintay ko siya isang kanto bago dumating sa bahay namin. Doon na lang ako magpapahatid kay Oxem dahil baka makita pa kami ni mama.
She'll not be happy about this.
Dahil mag-uuwian ay punuan ang bus. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo kasama ang iba pang mga estudyante. I saw a familiar face within the crowd. Sa tingin ko ay isa sa mga kaklase ko o baka naging kaklase ko. I'm not sure.
I wonder, ganito kaya ang lagay nila sa tuwing umuuwi? Kung oo, I can't help but feel bad. Sobrang sikip kasi sa loob. Kahit may air conditioner ay mainit pa rin. Not to mention the foul smell. Laking pasasalamat ko na lang sa matapang at lalaking-lalaking amoy ni Oxem. Kahit uwian na ay ang bango-bango pa rin.
"You can lean on me a little. Baka nangangalay ka na," bulong ni Oxem sa tainga ko.
Tumango na lang ako at dumantay sa upuan. There's no way I'm leaning on him. May hiya pa naman ako sa katawan. Pareho lang kaming nakatayo. Tiyak na nangangalay rin siya.
Maya't mayang nagtatama ang mga braso namin lalo na kapag tumitigil ang bus upang magbaba at magsakay. And every time it did, napapatingin ako sa kaniya. Ganoon din naman siya. Ngumingiti siya sa gawi ko kaya napapaiwas ako ng tingin.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito. This isn't like me. Hindi ako makipagsisiksikan sa ibang tao kung mayroon naman kaming sasakyan kung saan makauupo ako nang komportable, may air condition at mabango. Pero dahil kay Oxem, hindi ko na alam.
He's making me do things I don't normally do.
Nang makarating kami malapit sa bahay, sabay kaming bumaba. Nakatayo lang kami sa waiting shed at naghihintay kung sino ang unang magsasalita.
"Ahm..." panimula ko. "I guess this is a goodbye? Malapit na rito ang bahay namin. Gusto mo bang pahatid kita kay mang Kiko?"
"Hindi na. Hindi pa ako uuwi. May lakad rin ako malapit dito."
Napatango ako bago napayuko. Hindi ko maiwasang hindi ma-disappoint. Maybe there's no meaning to this after all. Ako lang ang assumera. I thought gusto niya talaga akong ihatid.
"Sige. Mag-iingat ka." Tumalikod na ako at natanaw ang sasakayan namin nang tawagin ako ulit ni Oxem.
"I'll pick you up tomorrow again. Sabay tayong umuwi. If that's okay."
Napakunot ang noo ko. "May lakad ka ba ulit dito bukas?"
Umiling siya at ngumiti. "None. Gusto lang kitang ihatid. That's all."
Hindi ko na naitago pa ang ngiti sa mga labi ko. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
How can a few words lift up my mood so easily? Kanina lang ay disappointed ako nang malamang kaya lang niya ako hinatid ay dahil may lakad siya malapit dito. Ngayong kinumpirma niyang gusto talaga niya ako ihatid, todo stretch naman ang mukha ko sa kangingiti. Ang sakit tuloy sa pisngi.
"Mukhang good mood ka, ah? Nililigawan ka ba ng binatang 'yon?" Pinaandar na niya ang sasakyan.
Nawala ang ngiti ko dahil sa tanong ni mang Kiko. "Please, don't tell mom. At hindi naman siya nanliligaw. Ihahatid niya lang naman ako. Iyon lang."
Mahina siyang natawa. "Hindi ko naman sasabihin kay ma'am Zenith. Gaya ng sabi mo, ihahatid ka lang hanggang kanto. Ako naman ang maghahatid sa 'yo hanggang bahay."
Bumalik ang ngiti sa labi ko. "Maraming salamat po. Hayaan niyo, sasabihin ko sa kaniyang last na 'yon bukas."
"Wala naman sa 'kin 'yon. Basta ba ay alam ko kung saan kayo pupunta kung sakali. Wala rin namang masama sa ginagawa niyo."
Napanguso ako. "Ayoko lang na pagalitan ka ni mama dahil dito. Baka kung ano pa ang gawin nila sa inyo lalo na ngayong nagdadalang tao na si Cassady."
Nag-aalala akong baka sila pa ang mapag-initan ni mama dahil sa ginagawa ko. Ayoko namang mapagalitan silang mag-asawa. Alam ko kung gaano ka-intimidating si mama lalo na sa ibang tao. Kahit ako na anak niya ay nai-intimidate sa kaniya.
Dumaan ang maraming araw at lagi na akong hinahatid ni Oxem pauwi. Maraming beses na kaming nahuli ni Yeshua pero wala naman siyang sinasabi. Nandoon lang talaga ang nakakainis na ngiti at tingin niya lagi. Ang sarap lang niyang batukan.
Hindi gaya noong unang beses ay marami na siyang nababahagi sa 'king kwento. Gaya na lang ng only child siya, pero masaya naman siya dahil marami siyang mga pinsan na tinuturing na rin niyang parang mga kapatid.
"I have twelve aunts and uncles sa father side pa lang. Lima naman sa mother side. Kaya lang hindi ako close sa relatives namin sa mother side dahil lahat sila ay nasa ibang bansa."
Hindi ko na napansin ang iba pa niyang sinabi. "You have twelve aunts and uncles?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.
Nanlalaki pa ang mga mata ko sa laki ng pamilya nila. May ilang estudyante pa nga ang napatingin sa 'kin. Napatakip tuloy ako sa bibig.
Malakas siyang natawa. "I know. Ganiyan din ang reaksyon ng mga kaibigan ko noong sinabi ko. My grandparents are the best."
Natawa ako. "Ang laki pala talaga ng pamilya niyo. Only child din kasi ako. Pero only child rin si mama kaya wala akong pinsan. Hindi ko naman nakilala ang papa ko kaya hindi ako sigurado kung may pinsan ako sa side niya."
"That's okay. Pwede mo namang tratuhing parang tunay na pinsan ang mga pinsan ko. I mean, kaibigan mo naman si Yeshua. You can hang out with us sometimes."
Hindi ako agad nakasagot. Treating Oxem like a cousin might not be a good idea. Or rather, it's an impossible idea. Hindi ko kayang tingnan siya na parang isang kamag-anak.
I like Oxem. Not as a might-have cousin or a friend, but as a guy. Sa ilang linggo naming pagsasama at pagkukuwentuhan, I am liking him more and more. He's just the sweetest.
"By the way," ani niya. "Magkakaroon pala kami ng outing after graduation. You might want to come. Kasama ang buong pamilya namin."
Napaawang ang bibig ko. "I don't know. I'm not sure."
"It's okay. Mahaba pa naman ang time. Mapag-iisipan mo pa. Pwede ka pang magpaalam."
Tango lang ang naging sagot ko. Alam kong imposibleng makasama ako pero hindi ko sinabi sa kaniya. Makapag-iisip pa naman ako ng dahilan hanggang sa dumating ang araw na 'yon.
An outing is like a dream come true for me. Pero isa lang din 'yong panaginip para sa 'kin na hindi magkakatotoo.
I've never been in an outing before. Hindi pa ako nakapupunta ng beach, pool, bar, o kahit sa bundok for a hiking. Matagal ko nang sinuko ang mga pangarap ko na 'yon dahil alam kong never akong papayagan ni mama. Maliban na lang noong nag-camp kami nang isang beses dahil required sumama ang buong klase at may incentive 'yon sa grades. Other than that, wala na.
Hindi ko na nagawang makapagsalita pa kahit na marami pa siyang kinukuwento. Tumigil na ang bus kaya bumaba na kami. Muli kaming nagpaalam sa isa't isa hanggang sa makapasok ako ng kwarto ko.
Napatingin ako sa calendar. Our graduation is on the 30th of April. After that, magiging busy ako sa paghahanda para sa college entrance exam. Nasabihan na ako ni mama kung sino-sino ang mga private tutors ko per subject para mag-review. Tiyak na makukulong na naman ako sa bahay for a few months.
Napabuntonghininga ako bago naupo sa gilid ng kama ko. "I want to join Oxem ang his cousins," bulong ko sa sarili.
Naglinis na ako ng katawan bago nagsimulang mag-aral. Pumasok si Cassady upang dalhan ako ng pagkain gaya ng nakagawian.
"You should rest, Cassady," sabi ko sa kaniya. "Baka mapagod ka. Hindi raw maganda sa bata ang napapagod ang nanay."
Mahina siyang natawa. "I'm okay. Pakiramdam ko kasi ay magkakasakit ako kapag nakaupo lang ako. Hindi naman mabigat ang binibigay na trabaho sa 'kin."
"Kung may kailangan ka, sabihan mo lang si Aurora. O kaya sabihan mo si mang Kiko."
Tumango siya. "Sige. Maraming salamat. At ikaw naman, magpahinga ka rin. Hindi maganda sa mga bata ang laging puyat."
"Ayos lang ako. Hindi naman ako makatulog kahit na maaga akong nahihiga. Sayang ang oras kung tutulala lang ako."
Bumuntonghininga siya. "Kailan ang huling beses na natulog ka ng eight hours?" Hindi ako nakasagot. "Halos dalawa o tatlong oras lang lagi ang tulog mo. Minsan ay isang oras pa."
"Umiinom naman ako ng vitamins, Cassady."
"Kahit na. Iba pa rin ang may sapat na tulog. Hindi nasosolusyonan ng vitamins ang lahat. Huwag mong abusuhin ang katawan mo at baka bumigay ka."
Huminga ako nang malalim. "Opo. Patapos naman na 'tong inaaral ko. Matutulog ako nang maaga ngayon."
Tipid siyang ngumiti. "Hindi na kita aabalahin pa lalo. Mauna na 'ko."
Pinanood ko lang siyang lumabas ng kwarto ko bago nagpatuloy sa pag-aaral. Gaya ng sabi ko ay maaga akong natulog. Pero mukhang hindi ko na ulit 'yon magagawa sa mga susunod na araw.