Four years later
“Oh my god! Aira, ikaw na ba ‘yan?” Gulat na gulat na pinagbuksan ni Manang ng pinto ang alaga niya na walang sinabi na babalik ito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na tila hindi makapaniwala sa kaharap niya.
Tumawa ng marahan si Aira. “Ako ‘to, manang. Nand’yan ba sina Mommy at Daddy?” Sino ba naman kasi ang hindi magugulat ngayon sa pagdating niya? Malaki rin ang pinagbago ng appearance niya kumpara noon. She became sexier tipong 36-24-36 ang hugis ng katawan niya ngayon. She also dyed her hair into an atomic blonde color na medyo kulot sa dulo.
Tumango ang katulong at tinulungan siya magdala ng bagahe. “Nako, paniguradong magugulat ang mga magulang mo sa pagdating mo, hija. Mas gumanda ka ngayon lalo.” Hindi maalis ang tingin ng manang sa alaga niya. Ang laki ng pinagbago nito.
Ngumiti si Aira. “Thank you, manang. May mga pasalubong po pala ako sa inyo. Patulong na lag po kayo ipakuha sa kotse.” Pumasok si Aira sa loob ng bahay maliban sa mga bagay na naroon, ang tanging bago lang ay ang pintura ng bahay at ang malaking portrait ng pamilya nila na nakasabit sa dingding.
Mula sa ginagalawan niya ay nakita niya ang magulang na nagku-kwentuhan. Nabitawan pa ng ng mama niya ang mansanas na binabalatan nito nang makita siya. Kumpara sa ama n’yang kalmado ngunit bakas sa mukha ang pagkagulat nang makita siya.
“I’m back, Mom and Dad.”
Her dad smiled at her. “You came back at the right time, Aira.” The woman knitted her brow in confusion.
Michelle, her mom, circled her arms around her waist and beamed happily. “We are having an annual celebration in our company. Ito na siguro ang oras para ipakilala ka anak.”
Celebration?
“Yes. A celebration. Hindi ko alam kung bakit naisip ito ng kuya mo but it seems a good naman, right hon? Anyway, you should rest first.”
Napatango si Aira. Ngayon lang yata may gano’ng event sa kompanya. She should talk to her brother. Besides, ito lang naman ang nakakaalam ng pagbabalik niya dito sa Pinas but why didn’t he mention about this? Surprise rin ba sa kan’ya?
—
Pasado alas singko ng gabi nagising si Aira. After kasi n’yang kumain ng lunch ay natulog siya and since sinabihan niya ang ilang kaibigan niya na nakabalik na siya, nagyaya ang mga ito na mag-get together sa isang night club. She wore something casual na sa tingin nama niya ang fitted sa club applied red lipstick. She looked stunning.
“Mom, I’m going out for a while. Nagyaya ang mga kaibigan ko,” paalam niya sa in ana focus sa pinapanood nitong drama.
“Fine. Take care ‘wag magpakalasing!”
6s Night Club
Inayos ni Aira ang kan’yang buhok at pumasok sa loob ng club. Nasa taas ang mga kaibigan niya naghihintay. She was aware from the looks of the people giving to her, nasanay na lang siya sa gano’n. A man tried to hit her, but she declined politely and walked faster towards the second floor.
“Wow! Aira is here! Welcome back gorgeous!” bati sa kan’ya ni Dee, one of her high school friends. Dee has a short hair, and her body was like an athlete. Isa ba naman itong miyembro ng army.
“Grabe, akala ko kung sinong artista. You looked so hot!” komento naman ni Zeus. Unlike Dee, Zeus has a reputation to take care off. Anak ba naman ng gobernadora sa probinsya at kilalang singer ang ina nito.
“Kayo pa lang ba? Akala ko pa naman ako na ang late,” natutuwang wika ni Aira bago umupo.
“Well, alam mo naman ang iba— ay mga overtime ang ilan pa ay shift nila ngayon. Anyway, how are you? Ang tagal mo ring ‘di nagparamdam.” Umupo si Zeus sa tabi nito habang si Dee naman ay sa harapan nila.
“Oo nga, eh. I’m excited to see them.” Hindi alam ni Aira pero tumaas ang balahibo sa batok niya. Mukhang may nakamasid sa kan’ya kanina pa. She purposely drank a glass of wine and looked around using her eyes. Well, it might be someone who just saw her for the first time.
“Wala bang nagtangka sa’yong manligaw after all those years? I mean we’re not getting any younger, ito ngang si Dee ay buntis na.” Aira’s eyes widened is surprised. Kaya pala hindi ito umiinom ngayon dahil buntis.
Dee just smiled at her. “Well, I’ve been in the camp for almost 10 years. Sa tingin ko naman ay dapat na mag-settle na ako lalo na at nag-aabang rin ng apo ang in-laws ko.”
“Don’t tell me Aira, you never entertained anyone? Sayang naman. Is your heart still stuck in the past?” Si Zeus lang siguro ang may lakas na loob na magtanong ng gano’n kay Aira. The atmosphere became silent, and Dee just glared at her friend for getting that topic right now.
Inayos ni Aira ang buhok bago sumagot. “I’m not that fragile, Zeus. Hindi nga makita ang halaga ko, bakit pa ako hahawak sa nakaraan? Isa pa choice ko naman na maging single muna. I’ve been stuck for marriage for a long time that I forgot to have time for myself,” nakangising sambit nito. Of course, hindi naman siya galit kung nasabi ito ng kaibigan. In fact, she anticipated it.
Napapapalo si Zeus sa kan’yang hita. “I was wrong. You’re still the mighty Aira I’ve known no’ng high school. Huwag mo nang isipin ang g*gong ‘yon. There are plenty of fish in the sea. Gustong ipamingwit kita?”
The trio laughed and a little while their other friends arrived.
Samantala ang g*gong sinabihan naman ni Zeus ay nasa hindi kalayuan sa pwesto nila kasama ang iilang ka-negosyo nito. Pietro’s eyes didn’t leave Aira until she sat down with her friends. Naalis lang ang tingin niya nang tumingin-tingin ito sa paligid. Her hair… it suits her a lot.
“Wow! I think nahanap ko na ang para sa’kin.”
“Lasing ka na, Kieran. Sino na naman ang natipuhan mo? Baka mamaya fling-fling lang ‘yan kaya galit sa’yo si Tita kasi ‘di ka nagseseryoso,” wika ng isa sa mga kasama ni Pietro. He looked at his friend who was clearly intoxicated drinking alcohol.
Kieran shook his head. “No. This time magseseryoso na ako. Nahanap ko na talaga siya. Sabi mo nga pinapagalitan ako ni Mom, well… hindi na malayo iyon kung mapasa’kin ang babaeng ‘to.” A smile spread on her cupid bow’s lips. Then he looked at his friend, Pietro who was silent on the side. “Ikaw ba, Pietro, talaga bang wala na kayo ni Aira?”
Pietro gulped down the alcohol. Coldness flashed on his eyes. “Bakit mo natanong? We’re over now,” kalmadong sagot nito.
“Wala naman. You didn’t even shed a tear. Perhaps, you really fall out of love,” komento nito.
Their other friend smacked his head lightly. “Bakit napunta kay Pietro ang usapan? Tell us, sin oba ‘yang babaeng gusto mong seryosohin?”
Kieran laughed and raised his hand. “Her.”
Unexpectedly, Pietro followed where he was pointing at. His grip on the glass tightened. Halos lahat naman ay natahimik dahil sino ba naman ang hindi nakakakilala sa babaeng ‘yon? Ang babaeng unang minahal ni Pietro. Then they turned to looked at the latter who already looked away.
“Ang ganda ‘di ba?” proud na saad ni Keiran.
Pietro spoke, “Hindi kayo bagay.”